bc

Her Greatest Repentance

book_age16+
44
FOLLOW
1K
READ
revenge
HE
escape while being pregnant
confident
boss
heir/heiress
drama
bxg
mystery
loser
like
intro-logo
Blurb

“He deserved what he got! Kulang pang kabayaran ang mga nararanasan nya ngayon, kumpara sa mga naranasan ko. Natin, Sineth!!” She shouted in so much anger.

“pero sumusobra ka na, wag mong ilagay sa iyong kamay ang batas, Luxianna!! Hindi ka Dios, wala kang karapatan kumitil ng buhay--”

“at sya meron?” sarkastikong tanong niya sa kakambal habang papalapit rito.

“hindi nya sinasadya ang nangyari. Bakit ba ayaw mo pa ring maniwala?” umiiyak nang tanong ng kanyang kakambal. “Please, Luxi, itigil mo na ito, ayokong nakikita kitang nagkakaganyan ka,” Pagsusumamo pa nito. “ayokong pati ikaw ay mawala sa akin, mahal na mahal kita, kambal. Mahal na mahal.” Pagmamakaawa nito kasabay ng isang mahigpit na yakap……

Isang yakap na hinding hindi nya makakaliumtan…

Yakap na naging isang tanging alaala na lamang…

Na kung sana… sana nakinig na lamang sya noong una pa lamang…

Eh di Sana….

Sana….

chap-preview
Free preview
Unang Kapitulo
"Congratulations to all graduates, spread your wings wide and reach your dreams! This is not the end of your journey, but only the starting line for your success. I hope everyone of you may dreams come true.!" Masayang pahayag ng aming Guest Speaker ng araw na ito. Walang pagsidlan ang kasiyahang aming nadarama ng aking kakambal habang sabay sabay na inihahagis paitaas ang aming mga toga. Sa wakas, nakapagtapos na rin ako ng aking pag aaral at matutupad ko na ang aming minimithing pangarap. "This is it, kambal, next year, ikaw naman. Excited na akong makapagtrabaho para maipagpatuloy mo na rin ang iyong pag aaral." Masayang wika ko, kasabay ng isang mahigpit na yakap at halik sa kanyang pisngi. "Ano ka ba, wag mo nga munang isipin yan, ang mabuti pa, umuwi na tayo, hinihintay na tayo nina Melissa." sabay turo sa isang van na siyang service nilang magkakaibigan. Papunta na sila ngayon sa venue kung saan napagkasunduan nilang isahang handa na lamang ang gaganapin. Tutal, sa iisang sabdibisyon lang naman silang magkakaibigan nakatira. Nagkakaingay ang lahat ng pumasok sila sa loob ng sasakyan, lahat masaya, lahat malalaki ang ngiti sa bawat labi dahil sa naabot na milestone ng kani kanilang buhay. "Danrick, ano, call ka?" Narinig niyang tanong ni Melissa sa isa pa nilang kaibigan. Nagtatanong na mga mata na sinulyapan niya ang mga ito habang papasok sa loob ng sasakyan. "Oo, sasama ako. Nakapag paalam na rin ako kay Mama, pumayag naman na" nag thumbs up pa ang lalaki. Kumislap pa ang mga mata nito dahil sa sagot ng kaibigan. "Very good, uhh kayo Luxi at Neth, sama din kayo." Pag aaya nito sa kanila. "Saan naman, aber?" kunot noong tanong ng kakambal kay Melissa. "Saan pa ba, ehh di sa dating tagpuan." pumapalakpak pa nitong sagot. Nakita nya naman ang pagsimangot ng kapatid. Mukhang hindi sang ayon sa plano ni Mel. " I can't take no for answer, Sinethisia" Ani mel at masungit itong bumaling sa kanilang dalawa. "Aba! baka nakakalimutan mo, ilang buwan na rin tayong hindi nakakapasyal doon dahil naging busy tayo pare pareho." umirap pa ito. "Ngayon na nga lang tayo magkakasama sama ulit " patuloy pa rin nito habang nanghahaba ang nguso. Bigla namang bumunghalit ng tawa si Sineth dahil sa mahabang litanya ng kaibigan. "Ang OA mo naman Mel. Wala naman akong sinabi ahh." Sabay hampas sa braso ng kaibigan. "Aray ko naman," pagrereklamo pa nito. "Wala ka ngang sinasabi, pero ang facial expression mo naman, halatadong hindi ka sang ayon." "Ano ka ba Mel" pagsingit ko sa usapan. "Sasama naman kami ni kambal, eh, masyado ka lang kasing exagerated mag react jan. Diba kambal?" Nakangiti namang tumango ang aking kapatid. "Oo nga, Mel. Sasama kami,sa isang kondisyon" pambibitin pa nito. "Ano naman yun?" "Treat Mo!" halos panabay naming tatlong usal sa kaniya. "Fine! Fine!! as always naman" kumakampay pa ang mga kamay nito bilang pagsang ayon. Marami nang mga tao sa venue ng dumating ang aming sinasakyan. Isang masigabong palakpakan at napakasayang pagsalubong ang sumalubong sa aming magkakaibigan. Kaliwa't kanang pagbati at yakap ang natanggap ng bawat isa sa amin buhat sa aming mga mahal sa buhay at kakilala. Habang nagkakainan, muli kong sinulyapan ang aking kakambal na busy sa pag iistima sa mga bisita. Sya ang naging punong abala ng aming munting selebrasyon na ito, kaya sobrang laki ng pagpapasalamat ko sa kaniya. Wala naman na ang aming ina, na syang natatanging nagtaguyod sa aming magkapatid noon, napakaswerte ko pa rin naman at may nag iisa akong kapatid na naging katuwang ko sa lahat ng oras. Pasasaan ba't makakapagtapos rin ito sa sunod na taon. May awa ang Dios. Nang maglibot ito ng paningin, nahuli niya akong matamang nakatitig sa kanya, kaya kumaway ito at nagpaalam sa kausap upang lumapit sa akin. "Uh kambal, ang lalim ata ng iniisip mo" saad nito at niyakap ako. "Wala kambal, masaya lang ako, dahil kahit wala na si mama, nakakapagpatuloy pa rin tayo sa pag abot sa ating mga pangarap. Maraming salamat sa mga sakripisyo mo, pagbubutihan ko ang pagtatrabaho para ikaw naman ang maitaguyod ko, ang pag aaral mo." madamdaming pahayag ko sa aking kapatid, habang mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap dito. "Ano ka ba, Luxi, wala yun. Ako ang ate, kaya responsibilidad kita." nakangiting tugon nito at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Wala namang ibang magtutulungan, kundi tayo tayo rin lang na magkakaibigan hindi ba?" dagdag pa nito sabay baling ng tingin sa mga bisita nila. "Salamat rin sa kanila" sabay turo sa mga taong nasa paligid. "Pamilya rin natin sila, hindi na sila iba sa atin." tanging tango na lamang ang aking naging tugon dito. Pasado Alas Onse na ng gabi ng magkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta na sa napagkasunduang second venue. Sa van na service kanina kami ulit sumakay at si Danrick na ang nagdadrive. Pagkarating sa isang exclusive bar sa Makati, agad kaming tumungo sa aming usual spot. Agad namang may lumapit na waiter at narinig kong nagbatian pa ang dalawa ni Danrick. Hmmm, siguro magkakilala sila. "Guys, si Geofe nga pala kababata ko, Pre meet the girls"sabay turo kay Mel at ipinakilala. "Luxi" pagturo sa akin at tanging ngiti ang itinugon ko, "and Sineth" panghuling pagpapakilala ni Danrick sabay ngisi ng nakakaloko. Napansin ko namang mukhang hindi mapakali ang aking kakambal at ng sinulyapan ko ito ay nakita kong panay irap nito sabay halukipkip at bumubulong bulong pa habang kausap ni Danrick ang waiter na panay naman iling habang hinihimas ang batok. "See you later Pre," narining kong sabi ni Danrick at tinapik pa ang balikat nito. "Goodluck" may halong pang aasar pa nitong pahabol sa kababata. Ngingiti ngiti namang umalis ang lalaki na dala na rin ang aming order. "Hoy, Sinethisia! Anong drama mo, huh." pang aasar agad ni Danrick sa kapatid ko. "Alam mo ikaw, papansin ka talaga ehh noh!" pikong saad naman nito at pinatikim ng hampas sa braso ang kaibigan. "Hala, anong papansin doon. Ako na nga itong nagmamagandang loob ehh," Ngingisi ngisi pa ito habang hinihimas ang nasaktang braso. Natigil lang sa pag aasaran ang dalawa ng bumalik na ang kababata ni Danrick na dala na ang aming mga inorder na inumin. Nakapagbihis na rin ito ng isang simpleng Black v-neck shirt at maong pants. Nginitian sya nito bago bumaling sa kanyang kakambal na sinisimulan na namang tudyuin ni Danrick. Dahil sa pagkaasar ay namumula na ang mukha ng kanyang kapatid. "Dan, stop it!" pagsaway ko rito, sabay pagbilog ng aking mga mata. Natigil naman ito ngunit halata pa ring nagpipigil lamang dahil sa pagkagat nito sa kanyang pang ibabang labi. Lumipas ang oras at nagkakatuwaan na kami sa aming table ng magpaalam si Sineth na magbabanyo muna. Agad naman kaming tumango ng sya'y tumayo na. Pagkalipas ng ilang segundo'y nakita kong tinapik ni Danrick sa balikat si Geofe. "Sige, Pre" hindi ko naiintindihang tugon ni Danrick. Lumipas pa ang ilang minuto, habang abala pa rin kami sa pagkukwentuhan at pag iinuman... Nahagip ng aking mata ang tumatakbong si Sineth palabas ng bar. Nagtatakang tumayo ako upang sundan sana ang kapatid ko, ngunit, may kamay na pumigil sa aking braso. Kunot noong nilingon ko kung sino ang nag mamay ari ng mga kamay na iyon ng mapagtanto kong si Melissa pala. "Bakit?" nagtatakang tanong ko rito. "Susundan ko lang ang kapatid ko". "Let's give them time to talk, Luxi." Mahinahon nitong saad. "Them, who?-- b-bakit?" naguguluhang tanong ko, ngunit ng mapagtantong magkakilala nga talaga ang dalawa ni Sineth at Geofe ay umupo na lang ulit ako habang iniisip pa rin kung ano ba ang nangyayari sa dalawa. Ngunit hindi pa rin ako mapalagay. Panay sulyap ko sa pintuang nilabasan ng dalawa. "Don't worry too much, Luxi. May misunderstanding lang ang dalawa. Trust me, maaayos rin ni Geofe 'yon." pag aassure naman sa kanya ni Danrick. "

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook