Belleza Nandito kmi ng mga kaibigan ko sa entertainment room ng bahay ko sa villamor village. "Wala ka pa bang desisyon, Maria?" tanong ni Kaye sa akin. Tinignan ko lang siya at ibinalik ang atensyon sa television na hindi ko alam kung ano na naman ang nakasalpak. Hindi pa man nila natatapos ang isang bala ay napalitan na agad. "Napakaboring naman kasi, ito na lang," sabi ni joy na nagsisimula ng panoorin ang bagong palabas. Napailing na lang ako sa pinaggagawa nila. "Nasa Spain na ulit si Alexander?" muling tanong ni Kaye sa akin. Si Kaye lang naman ang matinong kausap. "Yeah, you know that guy. Hindi yata mabubuhay ng walang inooperahan," wala gana kong sagot. Alexander is a surgeon doctor. "Oh my f*ck!" Napadako ang tingin naming tatlo kay Nicole dahil sa pagsigaw nito habang

