Belleza Kanina pa ako naglalakad paroon-parito. It's already 12am and Angelo still not home. Wala naman dapat akong pakialam kung nasaan siya. Pero hindi ko maintindihan ang sarili bakit hindi ako mapalagay. Nang mapagod ay umupo ako sa mahabang sofa at sumandal. Naalipungatan ako ng maramdaman kong tila akong nakalutang sa ere at parang gumagalaw. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata ngunit agad ko rin ibinalik sa pagkakapikit. Buhat-buhat ako ni Angelo. Mukhang nakatulog ako kanina sa sofa ng hindi ko namamalayan. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob habang nasa bisig ni Angelo. Pinili kong panindigan na tulog pa ako hanggang sa makarating kami sa aking silid. Ramdam ko ang pag-iingat niya sa paglapag sa aking katawan sa kama. Tila gusto kong magprotesta. Nag-e-enjo

