Angelo Sky "Congratulation dude, ginulat mo naman kami kagabi akala ko nagbibiro ka lang. Para kang nagpasabog ng isang malakas ng bomba," sabi ni Timothy ng puntahan ko sila sa kanilang lamesa. "Oo nga! Muntik pa ako mabangga! Wala man lang pasabi!" segunda naman ni Wilfredo. "Ang o.a lang! Buti naman at nakarating kayo akala ko i-indyahin n'yo ako." Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa kanilang harapan. Si Eza ay nasa lamesa naman ng mga kaibigan niya. "Kung maka-deny ka pa nung kelan lang tapos heto na kasal agad! Hindi ko akalain ganya ka katinik, dude. Akala ko pa man din hindi ka pa nakakamove-on kay Loren." Napabaling ako kay Timothy dahil sa sinabi niya. Si Loren. Alam kaya nitong ikinasal na ako? "Hey! Huwag mo na ngang isipin 'yun. Nagbibiro lang ako. Kasal mo ngayon kaya

