Angelo Sky Pagkatapos namin mag-almusal ay isinama ako ni Jayden sa bahay ng tita Aida namin. Dito raw muna ako at magkikita na lang kami ni Eza mamaya sa lugar kung saan kami ikakasal. Nalilito talaga ako dahil ang pagkakaalam ko ay sa judge lang naman kami ikakasal. Hindi ko maiwasan makaramdam ng saya sa kaalaman na masasaksihan ng aking pamilya ang pagpapakasal ko kahit na simple lamang ito ang mahalaga ay saksi sila. Dininig ng langit ang isa kong kahilingan at iyon ay ang hindi ko mabigo si nanay sa pangarap nito. Anuman ang dahilan ni Eza o kung ano man binabalak niya ay hahayaan ko na muna siya. Bukod sa wala rin akong magagawa, ayokong sirain ang araw na ito. Mali man itong pagpapakasal namin, pwede naman maging tama kung sakaling may magandang kalabasan. Alam kong suntok sa

