Angelo Sky Nandito ako ngayon sa silid ni Jayden dahil nasa silid ko sina Eza at ang tatlo niyang kaibigan. Dito na sila nagpalipas ng gabi. Nung una tumutol ako dahil maliit lamang ang aking silid at kama pero nagpumilit sila at sinabi pwede sila sa lapag. Napapantastikuhan talaga ako. Ang mga bigatin at kilalang kababaihan ay ngayon nakahiga sa aking silid sa may lapag na sinapinan lamang ng banig at kumot. "Congratulations, kuya. Hindi ko akalain si senyorita ang papakasalan mo," pukaw ni Jayden sa akin. Napabuga ako ng hangin. "Hindi ko alam kung tama ba o mali ang pagpapakasal namin." "Hindi tayo pinalaki para maging iresponsable, sayo ko rin natutunan iyon, kuya. Kaya kung anuman ang gumugulo sa isip mo, kalimutan mo muna at i-enjoy mo na lang. Jackpot ka na nga kay senyorita,

