Angelo Sky Malapit na ako sa mansion ng tumunog ang aking cellphone na nasa dashboard. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Napabuntung-hininga na lang ako ng makitang si Belleza ito. Pinindot ko ang answer button. "Hello." "Where are you?" tanong niya. "Malapit na sa mansion." Inihinto ko muna ang aking sasakyan sa may gilid para makausap ito ng maayos. "I will send you an address, puntahan mo ako rito." Pinutol na niya ang tawag pagkatapos magsalita. Napapailing na lang ako. Sobra talaga pakabossy niya. Nang magbeep ang aking cellphone na nasa kamay ko ay mabilis ko itong tinignan. Brat: Villamor Subdivision 20 mins only! "F*ck!" malakas kong mura. Kailangan talaga naka-oras. Tinignan ko ang suot kong relo, mag-alas-siyete na ng gabi. Muli kong pinaandar ang a

