Chapter 10 Accusation

1232 Words
Angelo Sky Sabay kami ni Belleza napalingon sa biglang pagbukas ng pintuan dito sa kanyang opisina. Walang pakundangang pumasok ang mag-inang Vazquez. "Ms.Vazquez, pasensya na po nagpumilit po kasi," sabi ni Mrs.Salazar na kasunod ng mga ito papasok. "It's ok, you may leave us," tugon ni Belleza. "You may also leave us. I want to talk to my niece in private," masamang nakatingin na sabi ni Donya Juda sa akin. Akmang hahakbang na ako nang magsalita si Belleza. "Stay," sabi niya sa akin. At humarap sa mag-ina. "You can talk to me with my p.a presence." Nakita ko ang mas lalong pagdilim ng mukha ni Donya Juda. "Why did you refused Mr.Policarpio proposal of you being married to his son?" Bakas ang pagkadismaya sa boses ng donya. Habang si Jonard ay prenteng nakaupo sa may single couch. Sumandal si Belleza sa kanyang swivel chair at walang emosyong tinignan ang donya. "Is that the reason why you hurriedly run here? To asked me that nonsense question?" mababa pero madiin niyang saad. "Iha, is for the good of the company. You don't know anything in handling this big company. I bet you don't want all your father hardworked be in vain?" malumanay ng pahayag ng donya at umupo sa visitors chair sa harapan ni Belleza habang siya ay nanatiling nakatayo sa gilid ng lamesa. "Is not for you to worry, is for me. So..better leave my office now because I have more important things to do rather than entertaining your nonsense concern." Umayos na ito ng upo at ibinalik ang mga mata sa mga papeles na nasa kanyang harapan. Nakita ko ang pag dilim ng mukha ng donya. Tumayo ito at malakas na hinampas ang lamesa pero hindi man lang natinag si Belleza na nanatiling nakatuon sa hawak na mga papeles. "Your really don't have manners! I'm your auntie and you talk to me like that! Pati ba naman ikaw ay nagpauto na dyan sa lalaking 'yan! We are your family!" malakas na sigaw ng donya pero ang umagaw ng aking pansin ay ang sinabi nito at pagduro pa sa akin. Paano ako nasali sa usapan nila? Doon tumaas ang mukha ni Belleza at tinignan ako bago binalik ang tingin sa naggagalaiti niyang auntie. "I don't know what your talking about auntie. Please, just leave and don't try to make a scene here. Baka makalimutan kong auntie kita" "Belleza! How dare you talk to my mother like that!" bulyaw ni Jonard na nakatayo na rin sa tabi ng donya na parang handang alalayan ito anumang oras. "Kayo ang sumugod rito para lamang pagsabihan ako sa mga bagay-bagay na wala naman kayong kinalaman. Whatever I want to do in my company is none of your business. Kung walang ipinamana si papa sa inyo, huwag ako ang guluhin n'yo. Puntahan n'yo siya dun sa sementeryo at tanungin n'yo!" pahayag ni Belleza. Nagulat ako sa aking narinig. Walang iniwan na mana ang Don sa mag-ina pero bakit? "Wala kaming pakialam kung walang iniwan na mana si uncle. We are concern is this company that we think you are not capable to handle. Just agree to what Mr.Policarpio offered, then you could go back to your old life. Travelling, clubbing and buying all you want without thinking a big responsibility. Your soon to be husband will surely can handle it," pahayag ni Jonard. "Your cousin is right, iha," segunda ng donya. "Leave!" malamig na saad ni Belleza na ikinaawang ng bibig ng mag-ina na tila di makapaniwala sa narinig. "What did you say?" gulat pa ring tanong ni Jonard. Mas matanda si Belleza rito ng dalawang taon sa pagkakaalam ko. "Mr.Samaniego, please show them the way out," sabi ni Belleza at muling ibinalik ang tingin sa mga papeles. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Sa nakikita kong galit sa mukha ng mag-ina ay hindi ko alam kung tama bang palabasin ko sila. "You're too proud of yourself. Time will come that you will regret it. Kahit ikaw pinagkatiwalaan mo din ang lalaking 'yan. Are you aware that he is the last person with your father before he died?" Para akong natulos sa kinatatayuan ko sa sinabi ni Donya Juda. Pinagbibintangan niya ba ako? "Don't trust too much, my dear niece," patuloy ng donya. "San-sandali lang po donya Juda. Are you trying to say that I killed Don Arnulfo?" diko napigilang sumabat sa usapan nila. Binalingan ako ng nagliliksing mga mata ng donya. "Oh, are you guilty Mr.Samanaiego?" nang-uuyam nitong saad. Napatiim-bagang ako kahit kelan hindi pumasok at hindi papasok sa isip ko ang binibintang nito. Napatingin ako kay Belleza at nakatuon na ang mga mata niya sa akin. Wala akong makitang reaksyon sa kanyang mukha. Muli kong ibinalik ang tingin kay donya Juda at taas noo kong dinepensahan ang aking sarili. "Mawalang galang na po Donya Juda, pero kahit kelan hindi pumasok sa isipan ko ang binibintang ninyo. Do you even have a proof? Because I can also sue you for wrong accusation?" matapang kong pahayag rito. Kita ko ang lalong pagdilim ng mukha niya. "Don't worry Mr.samaniego, we will find the proof you are looking for?" Binalingan nito si Belleza. "We are just concern about you iha. Kahit na matigas ang ulo mo pamangkin pa rin kita. Pag-isipan mo mabuti mga ginagawa mo, nandito lang kami ng pinsan mo," pagkasabi niya no'n ay tumalikod na ito at naglakad palabas ng opisina kasunod si Jonard na iniwanan pa ako ng isang matalim na tingin. Pakiramdam ko ay di ako makahinga. Parang bigla ay sumikip para sa aming dalawa ni Belleza ang opisina kahit na napakalaki nito. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kaya huminga muna ako ng malalim bago sinalubong ang kanyang mga mata . "Don't tell me you believe her that I can kill your father?" mahina kong tanong sa kanya pero sapat para marinig niya. Hindi ito sumagot bagkus nanatili kaming magkatitigan. Kahit anong gawin ko ay wala akong makitang emosyon sa mukha o sa kanyang mga mata. Ako na ang unang bumawi ng tingin dahil hindi ko na kaya ang mga titig niya na kahit walang emosyon ay ramdam ko ang pagdududa. "I take your silence as yes," sabi ko. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. "Take the remaining day's to take care of your mother. Nakausap ko na ang doctor niya at sinabi na pwede na siyang ilabas sa susunod na araw. Go back here on Sunday night. Sasama ang private nurse ng nanay mo sa inyo para patuloy na alagaan ito." Pagbasag niya sa katahimikang namayani sa amin. Napatingin ako sa kanyang sinabi. Nakatuon na muli ang atensyon nito sa mga papeles na nasa kanyang harapan. "And one more thing, you will move to the mansion. Once you came back you will be my driver, too. I also want you to stay close to me so whenever I need you, it's easy to contact you. I want to make sure that I did not waste money for nothing. Now, I want coffee," mahaba niyang pahayag habang nanatiling nakatutok sa hawak na mga papeles. Ngayon alam ko na kung bakit niya ko pilit na ginigipit. Naniniwala siyang may kinalaman ako sa pagkamatay ng Don. Pwes, papatunayan ko sa kanya na mali ang paratang nila. Hinding-hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Muli ko siyang tinignan bago ko tuluyan nilisan ang kanyang opisina upang igawa ng kape ang mahal na Reyna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD