Angelo Sky
Mabilis akong bumaba sa aking kotse pagkarating sa hospital kung saan isinugod si nanay.
Naabutan kong nasa labas ng emergency room sina Gina at Jayden.
Mabilis ko silang nilapitan. "Anong nangyari?" tanong ko agad.
Halatang kakagaling lang sa pag-iyak ng dalawa. Takot, 'yun ang makikita ko sa kanilang mga mukha.
Mabilis na yumakap si Gina sa akin at muling umiyak, hinaplos ko ang likuran niya. "Tama na..magiging maayos si nanay," pagpapakalma ko sa kanya.
Buti na lang ay saktong pauwi ako ng tumawag sila sa akin. Dalawang araw na ang lumipas simula ng ilibing si Don Arnulfo. Pagkatapos namin mag-usap ng anak nito ay hindi na rin ako pumasok sa opisina. Kinuha ko lamang ang aking mga gamit, nagtataka nga ang secretary ng Don maging ang ilang empleyado. Alam kasi halos ng buong tao sa kumpanya kung gaano ako pinagkakatiwalaan ng Don pagdating sa negosyo pero hindi ko rin gugustuhin makatrabaho ang anak niya.
Nabalik ako sa kasalukuyan ng bumukas ang er at lumabas ang isang doktor. Nakaalis na rin pala sa pagkakayakap si Gina sa akin.
Mabilis namin nilapitan ang doktor.
"Kumusta po si nanay?" tanong ko.
"As of now, your mother is fine," nakahinga kami ng maluwag ng marinig ang balita. "but we found out that your mother has an ovarian cancer." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig.
Ovarian cancer? Kelan pa?
"Ma-magagamot pa naman po siya diba, doc?" nanghihina kong tanong.
"The good news is yes, mabuti at mas maaga natin nakita. We need to do a surgery to her. I hope you are aware that sometimes even we do surgery there is a possibility that the cancer might come back. As of now, we will examine more to check what treatment she will be needed. Kakailangin n'yo na malaking halaga. Sa ngayon, ikuha n'yo muna ng silid si nanay. She needs to stay here as we are examining her. Maiwan ko muna kayo," mahabang paliwanag ng doctor.
Nanlulumo akong napaluhod.
"Kuya!" sabay na tawag ni Jayden at Gina.
Inalalayan nila akong tumayo at pinaupo sa may mga upuang naroroon.
"Ako na muna kukuha ng silid ni nanay," sabi ni Jayden bago umalis.
"Kuya, ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong ni gina.
Ayos?
Paano ako magiging maayos?
Kahit na sinabi ng doktor na maayos na si nanay ay nag-aabang naman ang isang malaking suliranin.
Bkit ngayon pa?
Kung kelan nawalan ako ng trabaho.
"Bu-buti pala kuya pauwi ka. Hindi na kami nakaluwas para makiramay kay Don Arnulfo," sabi ni Gina.
"Ayos lang dalawang araw lang naman ang lamay dahil ayaw na patagalin ng anak nito."
"Kuya...saan tayo kukuha ng panggastos kay nanay?" mahina niyang tanong.
Napapikit ako sa panibagong problemang dumating.
Wala na ang taong tinatakbuhan ko kapag ganitong may malaki akong problema.
"Kapag dumating si Jayden, ipalipat n'yo na si nanay. May pupuntahan lang ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at mabilis akong tumayo at tinahak ang daan palabas.
Palagay ko kasi kapag nanatili pa ako roon ay tuluyan na akong bibigay.
Sumakay ako sa aking kotse at pinaandar ito.
Inabot rin ako ng halos isang oras sa paikot-ikot lang hanggang sa huminto ako sa isang simbahan.
Mula sa aking kotse ay tinanaw ko ang krus na nasa itaas ng simbahan.
Kasabay ng pagdaloy ng aking mga luha habang nanatiling nakatingin sa Krus.
Gusto ko magwala.
Gusto ko itanong sayo kung ano ba ang naging kasalanan ko?
Naging mabuti naman akong anak.
Lahat ginawa ko.
Kahit maging mabuting tao, ginampanan ko.
Pero bakit? Bakit?
Tuluyan na akong napahagulhol ng iyak kasabay ng pagsubsob ko sa manibela.
Hinayaan kong lumabas lahat ng luha ko.
Nakakapagod na.
Sunod-sunod na problema ang dumating.
Hindi pa nga ako nakakabangon sa pagkamatay ng Don.
Tapos heto na naman.
Ano pa ba ang kulang? Para hayaan mo naman akong maging masaya.
Nanatili akong nakasubsob sa manibela.
Nang maalala ko ang laging sinasabi ni nanay.
Kumapit lang sa sa itaas.
Dahil siya ang nagligtas sa ating lahat. Paano nga ba ako magagalit sa kanya?
Ano nga ba karapatan ko magalit?
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Nang maramdaman kong kaya ko na ay muli akong sumulyap sa itaas ng simbahan.
Magtitiwala pa rin ako sayo.
Kung anuman ang plano mo.
Ikaw pa rin ang huli kong kakapitan.
Bigyan mo ako ng lakas harapin ang lahat ng iyong pagsubok.
Pagkabalik ko sa hospital ay nagtungo na agad ako sa silid ni nanay, tinex kanina ni Jayden kung anong numero ng silid nito.
Pagkarating ko sa may pintuan ay huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili bago pinihit ang seraduhan.
Tuluyan na akong nakapasok sa loob. Nakita ko ang dalawa kong kapatid sa magkabilang gilid ni nanay habang si nanay ay mahimbing pa ring natutulog.
Lumapit ako sa kanila.
"Saan ka galing, kuya?" tanong ni Jayden na bakas ang pag-aalala.
Pilit akong ngumiti. "May inayos lang ako. Wala ba kayong mga pasok? Ako na bahala kay nanay," pagtataboy ko sa kanila.
"Samahan ka na namin, kuya. Wala naman masyadong gagawin sa school," sabi ni Gina.
Tumayo si Jayden para makalapit ako maigi kay nanay.
Nang makalapit ako ay hinaplos ko ang buhok ni nanay at hinalikan siya sa noo.
"Lumaban ka nay, malapit na maggraduate ang dalawa mong pasaway na anak," narinig ko ang pag-angal nila pareho na bahagya ko na lang ikinatawa.
Kailangan kapag nagising si nanay ay masaya niya kaming masisilayan para hindi na madagdagan ang sakit na nararamdamn niya.
Pinauwi ko na muna ang dalawa at pinapasok dahil sigurado magagalit si nanay kapag nalaman na hindi nagsipasok ang mga ito.
It's already 10am in the morning.
Nakaupo lang ako sa may gilid ng kama ni nanay habang hinihintay siyang magising.
Maya-maya ay nakita ko na siyang gumalaw kaya mabilis akong umayos ng upo at mas lumapit pa sa kanya.
Dahan-dahan ni nanay binuksan ang kanyang mga mata. Hinawakan ko ang kanyang isang kamay.
"Nay," tawag ko.
Bumaba ang tingin ni nanay sa akin. Kita ko ang pagod sa kanyang mga mata.
"Kumusta po pakiramdam n'yo nay?"
Pinisil ni nanay ang aking kamay. "Ayos lang ako, anak. Bakit nasa hospital tayo, uwi na tayo." Akma siyang tatayo na mabilis ko siyang pinigilan.
"Nay, bawal po sa inyo muna ang magkikilos. Humiga lang po kayo, may kailangan po ba kayo? Nagugutom po ba kayo?" sunod-sunod kong tanong habang umiiling naman si nanay.
"Mas gusto kong umuwi, gastos na naman ito," sabi ni nanay.
"Nay, hindi pa po kayo pwede umuwi dahil kailangan pa po kayo matignan."
Binigyan ako ni nanay ng nagtatanong na tingin.
Bumuntung-hininga muna ako bago ibinigay ang sagot sa kanyang tanong. "Nay.....may ovarian cancer raw po kayo," bumakas ang pagkagulat sa kanyang mukha, "pe-pero magagamot pa po kayo kaya huwag kayo mag-alala."
"Ovarian cancer? Cancer? Pero hi-hindi ba delikado 'yun. Alam ko 'yun ang ikinamatay ng kaibigan ko," natatarantang sambit ni nanay at nagsimula na ring pumatak ang kanyang mga luha.
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Nay, huwag na po kayong umiyak, magiging maayos po lahat. Gagaling po kayo, pinapangako ko po gagawin ko po lahat. Tama na nay." Pinipilit ko ring pigilan ang nagbabadyang kong mga luha.
Seeing my mother in pain is double the pain in me. She and my two siblings are the only person I have. I closed my eyes while continue rubbing my mother back to keep her calm. I let her cry until moment passed and I feel that she is already calmed.
Napahiwaly ako sa kanya ng sunod-sunod na katok ang aming narinig. Lalapitan ko na sana ang pintuan para buksan ng kusa na itong bumukas at iniluwal ang isang taong ayoko na makita.
"Magandang hapon," bati niya.
"Magandang hapon naman ineng, mukhang maling silid ang iyong napasukan," si nanay ang sumagot sa kanya habang pinupunasan ang mga luha.
Dahil nakatingin ako sa taong nakatayo ngayon sa may nakasara ng pintuan ay di nakaligtas sa akin ang paglambot ng mukha niya ng tumingin siya kay nanay.
Pero mabilis rin iyong nawala at bumalik ang seryoso niyang mukha.
"Hindi po, nandito po ako dahil gusto ko makausap si Mr.Samaniego." Naglakad siya hanggang sa may paanan ng kama.
"Matagal ng patay ang asawa ko ineng. Ano ba kailangan mo sa kanya?" Napalingon ako dahil sa sinabi ni nanay. Mukhang inakala pa nito na si tatay ang hinahanap.
"Hindi po ang asawa n'yo Mrs.Samaniego kungdi ang anak n'yo po." Bumalik ang tingin ko sa kanya.
Bumaling naman si nanay sa akin. "Ikaw ba kilala mo siya anak?" tanong ni nanay.
Lumingon ako kay nanay at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Opo, nay. Siya po ang anak ni Don Arnulfo."
Napansin kong nagliwanag ang mukha ni nanay at muling bumaling kay Belleza.
"Kaya pala napakaganda mo ineng. Ikaw pala ang anak ni Don Arnulfo. Pasensya ka na ineng kung hindi kami nakapunta sa libing ng iyong ama. Napakabait pa man din niya sa amin, nakakalungkot lang at agad siyang kinuha sa atin," mahabang pahayag ni nanay.
Nang tignan ko si Belleza ay tahimik lamang siyang nakatingin kay nanay. Wala pa ring emosyong makikita sa mukha niya.
"Nandito ka ba dahil sa anak ko. Sabi mo kasi hinahanap mo siya. Pasensya na ineng kung napasugod ang anak ko rito. Nadala kasi ako sa hospital," muling sabi ni nanay.
Nagtataka naman ako kung anong dahilan at hinahanap ako ng babaing ito. Lumipat ang tingin niya sa akin kaya muling nagsalubong ang aming mga mata. Pinilit kong ipakita ang pagkadisgusto sa presensiya niya. Pero mukhang wala naman siyang pakialam.
"Kaya nga po napaluwas po ako rito. Nagbabakasakali po akong dito ko siya makikita, hindi po kasi siya nagpaalam. Akala ko may nangyari ng masama sa kanya," pahayag niya na nagpakunot sa aking noo.
Nag-aalala?
At bakit kailangan ko magpaalam?
Baliw na yata ang babaing ito.
Tinaasan niya ako ng kilay na parang nagsasabing manahimik lang ako.
"Ay ganun ba, ineng. Ako na humihingi ng pasensya sa ginawa ng anak ko. Maayos na naman ako kaya pwede na siyang bumalik sa trabaho," singit ni nanay.
Nalipat ang tingin ko kay nanay sa sinabi nito. "Nay, hindi pa po kayo maayos. Sasamahan ko po kayo hanggang gumaling po kayo," kontra ko sa sinabi ni nanay.
Pinalo ako ni nanay sa balikat na ipinagtaka ko. "Anak, umayos ka nga nakakahiya sa anak ng Don. Hindi porket wala na ang Don ay hindi ka na tatanaw ng utang na loob sa lahat ng naitulong niya sa atin. Hala, ayusin mo na ang sarili mo. Tawagan mo na lang si tita Aida mo at papuntahin rito." Itinulak pa ako ni nanay palayo sa kanya.
"Don't worry he can stay for today, pero kausapin ko lang po siya na kami lang pong dalawa. Pwede po ba?" Bakit tila napakabait ng boses niya makipag-usap ngayon. Sinaniban na naman ba ito?
"Sige na anak, mag-usap na kayo. Ayos lang ako dito, matutulog muna ako," pagtataboy ni nanay sa amin.
Wala naman akong nagawa kungdi sundin si nanay at mukhang wala rin naman balak na umalis ang babaing ito ng hindi ako nakakausap. Kailangan ko rin malaman kung ano pakay niya sa akin at napaluwas pa sa probinsya. Maarte pa man din ito.
"Tara sa labas tayo," aya ko rito at nagpauna na akong maglakad palabas ng silid. Ramdam ko naman na sumunod ito.
Marunong din pala sumunod ang babaing ito.
Bago ako tuluyan lumabas ng gusali ay ibinilin ko muna sa isang nurse si nanay. Nagdesisyon ako sa may malapit na coffee shop dalhin ang maarteng babae. Mapapagastos pa ako.
"Where are we going?" tanong niya.
Tumigil ako ng makalabas kami ng hospital at humarap sa kanya. Natigilan ako ng makita ang mga nasa paligid kung paano siya tignan.
Paano ba naman hindi ito kapansin-pansin. She is wearing a skirt almost seeing her undies pairing a pink crop top showing her two big mountains and a black boots. Litaw na litaw ang kaputian niya na napakakinis.
Bakit parang gusto ko itong itago sa mga manyak na tao.
"Hey, I'm asking you. Where are we going?" irita niyang tanong sa akin na dahilan para bumalik ako sa aking sarili.
"Did you brought your car?" tanong ko. Gusto ko man takpan ito ay wala naman akong karapatan baka masamain niya pa. Sanay naman siya sa ayos niya, so liberated!
"Yes," sagot niya pero nakataas ang isang kilay.
"Let's talk there," sabi ko at muli siyang tinalikuran bago pa man ako nakahakbang ay inunahan na ako nito.
Napapailing na lang akong sumunod sa kanya.
Huminto kami sa isang Mercedes Bench na kulay purple? Iba talaga trip ng isang ito!
Napansin ko ang tatlong lalaking malapit sa amin. Parang kanina ko pa napansin na sinusundan nila kami.
"Don't mind them just get inside the car," maawtoridad na utos ni Belleza sa akin.
Nagdududa man ay sinunod ko na lang siya para matapos na ang usapan at ayoko ang presensya niya, diko alam basta ayoko!
Nauna na siyang sumakay kaya sumakay na rin ako.
Napasukan ko siyang may kausap sa cellphone.
"Thank you for the information," sabi niya bago binaba ang cellphone.
Ilang minuto namayani ang katahimikan ng magsalita ako. "What do you want?"
Nanatiling diretso ang kanyang tingin habang ako ay ibinaling sa labas ng bintana ang aking mga mata.
"Your mother is sick? You needed a big sum of money for her treatment. I am right?" sabi niya dahilan para lingunin ko siya.
"How did you know?" gulat kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang pagngisi niya habang nakatuon pa rin sa harapan ang mga mata niya.
"I have my ways."
Oo nga pala, bakit ba nakalimutan ko kung sino ito. Baka nga siya na ang nangungunang pinakamayamang babae sa bansa.
"So what?" inis kong sagot. Ano ba pakialam niya.
"Money that you don't have."
I stilled, she is right but why do she care all of a sudden?
"I thought your smart," she chuckled.
I looked at her flatly, what with this lady?
"You can't sell your condo because you stop my father to put it in your name. You only have your car, even if you sell it. It won't do anything," dugtong pa niya.
"Stop saying nonsense! Tell me directly, what do you want?" I said with annoyance in my voice.
Sumeryoso ang mukha niya at unti-unti tumingin sa akin. At sa muling pagtama na aming mata ay nakita ko ang nag-aapoy niyang mga mata.
"I'm willing to pay all your mother expenses. I mean all until she get better," sabi niya bago ibinalik ang tingin sa harapan.
"Exchange of what?" Ofcourse his not a dumb person. He knows very well that behind that offer there is an exchange.
"Your not stupid that I thought," she said with her sarcastic voice.
Nagtagis ang aking panga sa sinabi niya. Pero pinanatili kong kalmado ang aking sarili dahil baka ano pa masabi ko sa kanya.
"That's it, be submissive Mr.Samaniego. Remember your mother life is at risk. Simple lang naman ang kapalit para sa buhay ng mommy mo...... Be my new toy."
Para akong nabingi sa kanyang sinabi na kailangan ko pang ipaulit sa kanya. "Wh-what?"
Pumikit siya na tila pinipilit ring kalmahin ang sarili.
"Do I really need to repeat myself to you, Mr.Samaniego? Paano ka ba naging assistant ni dad? Just a simple word you can't understand," iritado niyang sabi sa akin.
Sadya talagang mainitin ang ulo ng babaing ito. Hindi ba pwedeng hindi lang ako makapaniwala sa gusto niya. She wants me to be her new toy? Ano ako laruan na bibilhin nito?
Nakulangan na yata ng turnilyo sa utak.
"Let me repeat myself for the last time Mr.Samaniego and listen carefully!" Bigla siyang humarap sa akin na ikinabigla ko dahil nga nakatingin ako sa kanya.
Iniwas ko ang aking mga mata pero pinigilan niya ako.
"Look at me." Sinunod ko siya, ngayon ay magkatitigan na naman kami. Wala na ang apoy sa mga mata niya pero wala naman bakas ng kahit akong emosyon.
She is good in hiding her emotion.
"Your mother life exchange you...As my new toy. Ibig sabihin, I will be your master. You will follow everything I said without complain. As in everything. Whether you like it or not. Now, you get it?" Ngumisi pa siya bago binawi muli ang tingin sa akin.
Tila naman ako nawala sa aking sarili dahil sa pinaliwanag nito. She really wants me to be her new toy. Not a slave but a toy. Ano ba pinagkaiba ng dalawa. Maybe slave can complain but him as a toy can't.
"Don't worry I give you time to think about it. But as much as I want to give you more time. I can't because your mother needed the treatment immediately. So, until 7pm. I will call you for your answer," pahayag niya.
"Why?" biglang lumabas sa aking bibig.
"What Why?" balik-tanong niya.
"Why do you want me to be your toy? Do you want to get revenge because I did not inform you about your father condition? This is too much!" I said in a loud voice.
But she did not even care if I'm already mad. She just look at me with her eyebrows up.
"That's for you to find out! Remember, it's not me who needed help. Dont you think I'm being good for offering help? It's up to you, if you don't like it then no problem. Hindi naman ako ang mawawalan ng mommy kung saka-"
"Shut up! Stop saying that!" I cut her words because I don't like what is coming out in her bad mouth.
Pinagdikit niya ang kanyang mga labi na para bang sinasara nga iyon. Pero ang tingin niya ay nagsasabing that's the fact!
"I have to go!" sabi ko sa kanya at mabilis binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas.
"Think wisely, babe," pahabol na sigaw pa niya pero ang nagpatigil sa akin ay ang tinawag niya sa akin.
babe...
Ipinilig ko ang aking ulo at nagpatuloy sa paglalakad palayo.