Chapter 5 Accept

1576 Words
Angelo Sky Nandito ako ngayon sa aking kotse sa labas ng hospital. It's already 6:30pm. I decided to stay here and wait for that stubborn woman call. Nakapagdesisyon na ako, mukhang wala rin naman akong pagpipilian. Kinausap na kami kanina ng doctor at sinabi na kailangan maoperahan na si nanay. Kaya pikit-mata ko na lamang tatanggapin ang alok niya. Bahala na. Tunog ng cellphone ko ang umagaw sa aking nawawalang kamalayan. Hindi ko na napansin ang oras sa lalim ng aking iniisip. Tinignan ko sino ang tumatawag, unregistered number, sigurado siya na ito. "Hello," sabi ko pagkapindot ko sa answer button. "So...your decision?" sagot mula sa kabilang linya. Hindi man lang marunong bumati. Bumuntung-hininga muna ako bago nagsalita, "I accept it." Biglang tumahimik ang nasa kabilang linya. Akala ko ay pinatay na niya kaya tinignan ko ang aking cellphone pero nakaon pa rin ito. "Still there?" tanong ko pagkabalik ko ng cellphone sa aking tenga. "I heard you....That was a great decision you made Mr.samaniego. Ngayon gabi ay iluluwas dito sa manila ang nanay mo. Dont worry about the doctor, she will still the one to do the operation and others treatment needed," mahaba niyang pahayag. "But it's too late," kontra ko sa kanya. "It's ok, everything is under control. If the doctor said you can't travel tonight it's ok but I think they will allow it specially your mother needs a quick treatment." "Do I have I choice?" sarkastiko kong tanong dito. Narinig kong tumawa ito. Bigla akong natigilan bakit tila kay ganda pakinggan ang pagtawa niya. Naipilig ko na lang ang aking ulo sa kung ano ang pumapasok rito. "You already know the answer...By the way, after tomorrow I want you to come in the mansion and meet me at 10am. We start to talk about you as my new toy." Napatiim bagang ako sa huling sinabi niya. Pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili. "I think I'm not still available by that day. I need to be with my mother after the operation. We don't have relatives in manila," mahaba kong pahayag sa kanya. "No need to worry about that. I will send a private nurse that will look for your mom until she get better. See you." Napailing na lang ako ng busy tone na aking naririnig. Pinatayan na ako without saying goodbye. Masyado siyang bossy at wala akong magagawa kungdi umo-o na lamang. Bumaba na ako sa aking kotse at bumalik sa loob ng hospital. Iniwanan ko si nanay kasama ang dalawa ko pang kapatid. Naabutan ko ang doktora sa loob ng silid ni nanay na kinakausap sila. "Nandito na pala ang isa ko pang anak, doc," sabi ni nanay habang itinuturo ako gamit ang hintuturo niya. Bumaling naman ang doktor sa aking gawi. Nginitian ko siya habang papalapit sa may kabilang gilid ni nanay. "May problema po ba, doc?" agad kong tanong pagkalapit sa kanila. "It's about the transferring of your mother in manila?" sagot ng doktora. "Yes, are we still allow to travel at this time, is already late? Ngumiti ang doktora sa akin. "Yes, actually everything is ready. 'Yung desisyon n'yo na lang ang hinihintay." "Sige po. Aayusin ko lang po mga gamit ni nanay," sabi ko. "Sige maiwan ko na muna kayo. I'll give you 30 minutes to fix everything." Pagkasabi niya ay naglakad na siya palabas. Naramdaman ko ang tatlong pares ng mga matang nakatitig sa akin. Kaya dahan-dahan akong lumingon kay nanay pagkatapos ay sa dalawa kong kapatid na nakaupo sa may sofa. "What?" tanong ko. "Dadalhin mo sa manila si nanay?" Jayden asked. "Yes," tipid kong sagot. "Pero..Paano ang gastos kuya? Saka may trabaho ka. Sino magbabantay kay nanay?" sunod-sunod na tanong ni Jayden. "No need to worry everything is settle. Ang mahalaga ay gagaling na si nanay saka hindi naman magtatagal si nanay sa manila kapag ayos na siya ay iuuwi ko agad siya dito," sabi ko. "Anak, sino naman ang butihing taong tutulong sa atin?" tanong ni nanay habang inaabot ang aking kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Humarap ako kay nanay. "Natatandaan n'yo po ang anak ni Don arnulfo?" Nanlalaki ang mga mata niyang tumango-tango. "Nag-alok po siya ng tulong na siya na raw po bahala sa pagpapagamot n'yo." "Wow!" sabay pang sambit nina Jayden at Gina. Habang si nanay ay pumatak na naman ang mga luha. Mabilis ko pinunasan ang mga luha niya. "Huwag ka na po umiyak nay, baka makasama pa po sa kalagayan niyo," sabi ko. Naramdaman ko ang paglapit ng dalawa kong kapatid at kapwa nagsiyakap kay nanay mula sa kabilang gilid ng kama. "Opo nga nay, magkawrikles kayo niya," biro ni gina. "Bukod sa napakaganda niya ay napakabuti din pala ng anak ng Don." Napangiwi ako sa sinabi ni nanay. Kung alam niya lang ang totoo. "Wow! Talaga nay? Nakita n'yo po siya?As in maganda?" Nanlalaki pa ang mga mata ni Jayden habang nagtatanong kay nanay. Narinig kong bahagyang tumawa si nanay. "Oo, Jayden sayang hindi mo nakita. Para siyang isang beauty queen kaso halatang laking maynila ang igsi kasi ng damit," pahayag ni nanay. "Ay, sayang hindi ko nakita," naghihinayang na sabi ni Jayden. "Gina, ayusin mo na mga gamit ni nanay at baka dumating na ang sundo." Bumaling ako kay Jayden. "Ikaw naman Jayden, bantayan mo si Gina at ang bahay. Ayusin n'yo rin pag-aaral n'yo. Magpapasok ako ng pera sa account mo para panggastos n'yo ni gina habang wala pa si nanay. Umayos kayong dalawa, huh," mahabang bilin ko sa kanila na ikinatango na lang nila. Matapos maasikaso ang lahat ay nagbyahe na kami paluwas ng manila. Nakasunod ako sa sasakyang kung saan isinakay si nanay. Halos inabot rin kami ng tatlong oras bago nakarating sa manila. Mabilis ang mga kilos na naipasok si nanay sa isang pribadong silid na sigurado akong mahal. Dahil kumpleto sa loob mula sa banyo, may maliit na sala set at mayroon din na maliit na kusina. Ililipat ko sana si nanay sa maliit na silid lang pero ang sabi ng doktora ay wala raw dapat isipin. Bakit ko nga ba nakalimutan kung sino ang gagastos ng lahat. Barya lang kung tutuusin ang magagastos ni Belleza. Sumapit ang kinabukasan at ang oras ng operasyon ni nanay. Matiyaga akong naghihintay sa labas ng operating room. Halos dalawang oras na rin akong naghihintay. Pabalik-balik rin ako sa may maliit na chapel na nasa loob ng hospital upang pagdasal ang maayos na operasyon ni nanay. Ilang beses na ring tumatawag sina jayden at gina upang kumustahin ang lagay ni nanay.Maging ang kapatid ni nanay. Napatayo ako ng bumukas ang pintuan at lumabas ang doctor ni nanay. Mabilis ko siyang nilapitan. "Kumusta po si nanay?" "The operation is successful but we still need to monitor her. Sa ngayon kailangan niya magpahinga, ihahatid na lang siya sa kanyang silid. Doon mo na lang siya hintayin, sige mauna na ako." "Maraming Salamat po, doc," buong puso kong pasasalamat dito. Tinapik niya lang ang braso ko at lumakad na palayo. Nakahinga naman ako ng maluwag.Sa wakas ayos na si nanay. 'Yun ang mahalaga sa ngayon. Bumalik ako sa kanyang silid upang ayusin ang higaan ni nanay at ihanda ang iba pang kakailanganin niya. Nang maihatid si nanay ay natutulog pa ito kaya hinayaan ko na lang muna na makapagpahinga pa siya. Alas tres na ng hapon, kaya pala nakaramdam na rin ako ng gutom dahil hindi pa ako nagtatanghalian. Pero ayoko iwanan si nanay mag-isa. Baka bigla kasi siya magising at wala siyang kasama. Nakarinig ako ng katok kaya mabilis kong tinungo ang pintuan upang buksan ito. Bumungad sa akin ang isang babae sa tingin ko ay kaedaran ko lamang. Matangkad siya at may pagkachubby. "Good afternoon Sir, ako nga po pala ang magiging private nurse ng nanay n'yo," pagpapakilala niya kaya nabalik ako sa aking sarili. Napakunot noo naman ako. Wala naman akong kinukuha na private nurse. Itatanong ko sana kung sino ang kumuha sa kanya ng maalala ko ang sinabi ni Belleza kagabi. Niluwagan ko na ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ang nurse sa loob. Sakto at nagugutom na ako. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. Nang humarap siya sa akin ay nginitian ko siya. "Ako nga pala si Angelo Sky Samaniego," pagpapakilala ko sa kanya at inilahad ang aking kamay. Ngumiti din siya pabalik at tinanggap ang aking nakalahad na kamay. "Ako naman si Roan Halili, pinadala po ako ni senyorita Belleza Vazquez." Mabilis rin niyang binawi ang kanyang kamay. "Pwede iwan ko muna si nanay sa iyo. Hindi pa kasi ako kumakain ng tanghalian. Ikaw baka may gusto kang kainin, bilhan kita, "sabi ko sa kanya. "Take your time sir. Ayos lang po ako saka alam ko na po ang mga dapat gawin kay ma'am." "Just call me Angelo or sky, it's up to you. No need for sir," nakangiti kong sabi sa kanya. "Ay, hindi po pwede sir baka magalit si senyorita. Sige po sir, kumain na po kayo ako na po bahala kay mam." Tumango na lamang ako at lumabas na ng silid. Nagtataka naman ako sa sinabi ng nurse. Bakit naman magagalit ang babaeng 'yun kung tawagin ako sa aking pangalan. Pareho lang naman kaming empleyado niya mas malala pa nga ang sa akin dahil para sa kanya isa akong laruan. Kung anuman ang balak niya ay hahayaan ko na lang. Tama naman siya dapat magpasalamat pa ako dahil nag-alok siya ng tulong 'yun nga lang may kapalit. Kungsabagay wala na naman libre dito sa mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD