CHAPTER 3

1498 Words
Chapter 3- Photo Feyth's POV Nawindang ang buong sistema ko nang marinig ang mga yun mula kay Black. Ramdam ko na din ang biglang pagbigat ng atmosphere sa table namin. No one tries to speak. No one tries to blink. Lahat lang ng mata namin ay nakatitig kay Black na may seryoso at blankong ekspresyon habang nakain. Pati si Cami na siyang nag-ungkat ng topic ay natahimik at naitikom ang bibig. "And I don't like anyone else except her," dugtong pa niya. Grabe siya magmahal. Di ko pa man siya masyadong kilala, makikita sa mata niya na labis siyang nalungkot at nagluksa ng mawala sa kanya ang babaeng minahal niya ng sobra. Sabagay, halata naman sa kanya na maalaga siyang tao though mas angat sa paningin ng iba ang mala-cold niyang aura. Pero kase, sa ikli ng panahon na nakasama ko --namin siya, napansin ko na agad ang iba't-ibang ugali niya. Maybe, that describes his personality. "Now, can you trust me?" sabay baling nito sa kin. Nagtaka naman ako sa tanong niya. Nabasa kaya niya ang nasa isip ko simula pa kanina? O masyado lang talaga akong obvious? Totoo naman, masyadong nakakapagduda ang mga kilos niya. Pati anong konek? Iniiba ba niya ang topic? May iniiwasan ba siyang tanong? Or is he trying to gain my trust? But why? Arghhh. So many thoughts. "Why would I?" pagtataray ko. "Because I can help you." "Help me from what?" naguguluhan ng sambit ko samantalang siya ay kalmado lang. "In everything." mas lalo akong nalito sa mga pinagsasasabi niya. I don't get it. "I don't need your help," sabi ko na lang para matapos na ang usapan dahil nakikita ko na sa gilid ng mga mata ko ang pagpapalipat-lipat ng tingin sa min nitong dalawang nasa harapan ko. Kaso mukhang may pagkamakulit din tong isang to at magsasalita pa sana kaso... "Oh my Gosh!" Nauna pang magreact si Cami kesa kay Black na natapunan lang naman ng malamig na juice. Napasinghap naman kami sa nangyari dahil na rin sa bumalik ang pagiging cold at seryosong aura ni Black. "S-sorry, sorry talaga. Di ko sinasadya," paghingi ng paumanhin ni Yumi, isa sa kaklase namin, habang pinupunasan ang natapong strawberry juice niya sa polo ni Black. Pshhh. If I know, sinadya niya yun para makapagpapansin kay Black. Eh kitang-kita sa view ko ang ginawa niyang pagtalapid sa sarili niya para madapa at matapon kay Black ang natitira niyang juice sa kamay niya. Aishhh bat ko pa ba kailangan pang pansinin yun? Pake ko ba kung may isang malantod na babae ang nagpapapansin sa kanya? Napangiwi na lang ako sa naisip ko. Napatingin sa kin si Kendrix kaya binalik ko sa kunwaring gulat ang ekspresyon ko. "It's fine, you can go now." "H-huh? A-ah hinde, ako may kasalanan kaya nagkaganyan ang polo mo. Sorry, sorry. P-papaltan ko na lang o b-bibili ako ng bago o a-ano, anong gusto mong gawin ko?" pamimilit pa ni Yumi na mukhang di nagustuhan ang pagpapaalis sa kanya. Pshhh. "Just.Get.Out.Of.My.Sight." pagdidiin ni Black kasi parang naiirita siyang malapit sa kanya ang babaeng to. Well, nakakairita naman talaga ang face niyang maamo pero deep inside, malademonyo naman pala ang ugali. Wag ka. I have proof. Ilang beses ko nang nakatalo yang si Yumi at masasabi kong malakas ang kapit niya kay Satanas. Natigilan naman siya at mukhang napahiya kaya wala na siyang nagawa at umalis na. Ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala ng ibang mga tao na nandito sa cafeteria ang table namin. Nakakahiya tuloy. Saglit na nagpaalam si Black at umalis para daw makapagpalit ng polo niya. Buti na lang pala, may extra siyang damit sa locker niya. Para mawala na rin ang awkwardness, nagpasya na kaming natira na umalis at bumalik na lang sa classroom. Tutal tapos na naman kaming kumain. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa malapit na kami sa pinto ng room namin ng makita ko ulit yung papel. Iba na ang pwesto nito, marahil ay dahil sa nadadaan-daanan na. Yun yung nakita ko kaninang umaga pagpasok ko. Pero sa pagkakatanda ko, wala na ito nang lumabas ako para maglunch. Ewan. Di ko maalala. Siguro dala lang ng gutom at pagmamadali kaya di ko na ito napansin. Pinauna ko na ang mga kasama ko at nilapitan ang papel na yun. Dun ko napagtanto na isa pala itong polaroid. Napahigpit ang hawak ko dito. Nakita ko dun ang larawan ng isang babae na may maliit nangiti sa labi animoy nahihiya. Habang suot ang uniporme na tulad ng suot ko ngayon. Sukbit nito ang bag na may konting punit. Dito siya nag-aaral? Bakit di ko siya nakikita dito? O baka sa kabilang building siya at napadpad lang dito ang larawan niya. Ngunit ang pinaka-nakaagaw ng pansin ko, ay ang pulang stain na nakakalat sa isang gilid ng polaroid. Halatang hindi siya parte ng larawan dahil sa lagpas ang stain sa border nito. Mas lalo kong nilapit ang mukha ko para mas makita ng maayos ang mantsa, balak ko pa nga sanang amuyin ito nang tinawag na ko ni Cami. "Bestie! Tara na, ano pa bang tinitignan mo dan?" Sumunod naman na ko sa kanya. Ngunit di ko maiwasang macurious at itanong sa kanya ang nakita ko. Kaya naman.. "Bestie, kilala mo ba kung sino ito?" saka ko pinakita sa kanya ang polaroid. Baka kasi kilala niya di ba, edi para maibalik namin sa may-ari. Aanhin ko naman kasi to, eh di ko nga kilala ang babaeng nasa larawan. Di ko inaasahan ang nakita kong ekspresyon sa mukha ni Cami, oras na naipakita ko sa kanya ang hawak ko. Gulat? Kaba? Takot? Nakikita ko din sa kanya na medyo nababalisa na siya. Teka, bakit ganyan ang itsura niya? Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Di niya nagawang masagot ang tanong ko kaya bumaling ako sa mga kaklase kong nakatingin na din sa min at nagtataka sa mukha ni Bestie. "Quinn," maotoridad na tawag ko sa kanya dahil siya ng unang nakita ko pagbaling ko sa kanila. "Kilala mo ba to?" sabay harap sa kaniya ng larawan. Pati siya, nanlaki ang mata at mukhang nataranta. Walang anu-ano'y bigla siyang napaupo at naiyak. Kinalma naman siya ni Howard na katabi niya. Halata din sa kanya na nagulat siya sa nakita. Halo-halong emosyon ang makikita sa mukha ng mga kaklase ko. Halos katulad ng reaksyon ni Cami ang nakikita ko sa kanila ngayon. What's wrong? Anong meron sa babaeng to at bakit ganun na lang ang istura nila? Parang may kakaiba. Parang may tinatago sila. "Sino ang babaeng to?!" pagdidiin ko at mas lalong nilakasan ang boses ko matapos ang pangawalang beses na hindi nasagot ang tanong ko. Naiinis ako. Nanggagalaiti ako sa inis dahil pakiramdam ko, may tinatago sila sa akin. At pakiramdam ko, nagmumukha akong tanga. "F-feyth, s-saan mo nakuha yan?" nauutal na tanong ni Kendrix. Nakaturo pa siya sa larawan. Ganun din ang reaksyon niya. Mukhang ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob, magsalita matapos ang pagkabigla kanina. "Answer me! Who's this girl?!" naiinis ng sambit ko. Di ko siya sinagot at muling hinarap ang polaroid na hawak ko. Bakit ba ayaw nilang sagutin? Eh ang simple lang naman ng tanong ko. Lumipas ang ilang minuto at parang estatwa lang sila na nakatitig sa hawak ko. Mukhang mga walang balak sabihin sa kin kung sino to. May mga nakatungo na iniiwasan ang tingin ko. May mga malulungkot ang matang nakatitig sa larawan. May mga takot at gulat. Ako lang ba? Ako lang ba ang walang alam dito? Bakit parang may tinatago sila sa kin? Oo nga pala, second year kami nang magtransfer ako, syempre may mga nangyari na before ako dumating. Whatever it is, I will find it myself. Para san pa, at may power ako bilang Student Council Secretary at President ng classroom na to kung di ko gagamitin. I'd rather use it. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko si Black. Nauna pa pala siyang nakabalik sa min. Wala kang makikita sa mga mata niya kundi ang kakaiba at seryoso lang na tingin niya. Transferee nga pala siya, kaya syempre wala siyang alam. Shit! I hate you, guys. Babalik na sana ako sa upuan ko dahil alam kong wala akong makukuhang sagot sa mga ito nang magsalita ang taong nasa gilid ko. "F-faye," panimula niya. Kinunutan ko siya ng noo dahil nauutal din siya. Humarap naman ako sa kanya para makita ang mga mata niyang lumuluha na pala. "Faye Villamore is h-her name." pinilit niya pang 'wag mautal. Di na ko nag-aksaya pa ng oras at tinalikuran na siya. Wala na kong balak pang magtanong sa kanila. Dahil alam kong wala din kong makukuhang sagot. Di naman ako galit. Sadyang inis lang ako. Ayoko sa lahat ay nagmumukha akong mang-mang sa harap ng madaming tao. Nabalot ang katahimikan ang apat na sulok ng silid na kinaroroonan ko at minuto lamang ang lumipas nang dumating na ang susunod na guro namin kaya naman dun ko na lang itinuon ang buong atensyon ko. Faye Villamore huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD