CHAPTER 2

1477 Words
Chapter 2- Black Feyth's POV "Nakita mo yun? Bat parang ngumisi sayo yung transferee?" biglang bulong sa kin ni Kendrix at medyo lumapit para kami lang ang makarinig. s**t! hindi nga ko nagkakamali. Nakita din niya. "Uupakan ko yun eh," pabirong dagdag pa niya. Bigla tuloy tumaas ang mga balahibo ko. Kinilabutan ako sa lalaking nasa likod ko. What's with him?! Arghh! "Shhh!! wag kang maingay baka marinig ka. Mamaya na nating lunch pag-usapan yan," mahinahong bulong ko sa kanya at nilagay ko pa ang hintuturo ko sa bandang bibig ko ng kalmado kahit deep inside lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Sinunod naman niya ako at pinagpatuloy na lang ang pakikinig sa gurong nasa harap. Maya maya lamang ay parang may naramdaman akong nakatingin sa kin. Or should I say, nakatitig. Di ko na kailangang lingunin pa kung sino yun, dahil alam ko na. Alam ko nang nanggagaling sa likuran ko ang taong nakatitig na yun at alam ko na kung sino yun. Pinilit ko na lang ang sarili kong ibigay ang buo kong atensyon sa nagsasalita sa harap, kahit wala ng napasok sa isip ko at ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang pagkailang. Goshh! He's so creepy. Di ko na lang siya pinansin at umakto na parang walang nangyayaring kakaiba. At pilit kong pinapatatag ang sarili ko laban sa mga titig niya. Kilala akong matapang sa school na 'to at di na yun ulit magbabago. O mababago ng kung sino. Hanggang sa natapos ang klase, ramdam ko pa rin ang titig niya. Kaya naman bago kame pumunta sa cafeteria para mag-lunch ay di na ko nag-aksaya pa ng panahon at binalingan ito. Nagulat pa ko nang humarap ako sa kanya dahil nakita kong kakaiba ang mga titig niya. Madiin na titig. Yung titig na para bang pinag-aaralan ang bawat kilos mo. Titig na para bang may alam siya tungkol sayo. Titig na puno ng poot --pero may halong lungkot? Isinawalang-bahala ko yun saka nagsalita, "Did you know that staring is rude, Mr. Thompson?" matapang kong pagkakasabi sa kabila nang naisip ko. Then, I heard him chuckle. The hell?! did he just chuckle? Is there something funny?!! Maybe, there's really something wrong with him. Arghh he's really getting into my nerves. Bigla na din namang nagbago ang mga titig niya at naging normal na. Narinig naman ng mga kaklase ko ang sinabi ko kaya naudlot ang paglabas nila at nanood muna ng isang maikling show. Pano ba naman?! eh kabago bago pa lang niya dito at heto siya, kausap ko. Agaw pansin din kasi ang pagtawa niya ng marahan. Lalo na sa mga babae --na mahaharot. "Am I funny? May sinabi ba kong nakakatawa? huh?" oh come on, I'm trying to control my patience here. Bago pa siya makapagsalita, may narinig akong boses ng isang babaeng talaga namang kaiinisan ng sinumang makarinig. "Oh shut up, Feyth. Can't you just be friendly? Bago lang siya dito oh. In fact, you should be the one that welcomes him," sabat ni Quinn, ang bitchessa ng campus. Well, di naman kami totally enemy. May times lang talaga na pinapairal niya masyado ang pagiging maldita niya. Pero, in some times ayos naman kami. "Oo nga naman, Ms. Sexytary," sabat pa ni Bailey. Ang bibo sa room, in short, funny. Gwapo naman siya at chubby cheeks. Pero minsan nakakainis pagka-childish niya."Hi brad, Bailey da Pogi nga pala," sabay pogi sign at lahad ng kamay niya para makipagshakehands. Parang may dumaang anghel pagkatapos nun. Matagal na katahimikan ang namayani. Pano ba naman? Wala man lang response si Black. Snobber din pala tong isang to. "Bailey! tara na sa cafeteria," pagbasag sa katahimikan ni Howard mukhang kanina pa naghihintay sa may pinto. Pagbaling ko sa kanya ay biglang dumilim ang paningin ko. Hindi ko alam, siguro ay nahihilo lang ako dala ng gutom. Agad ng binawi ni Bailey ang kamay niyang di tinanggap ni Black at kumaway na lang sa min, senyas na aalis na siya at sasama kay Howard. Nagsialisan na din ang ibang nakikinood kanina lang. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang dumaan sa harap ko si Black papuntang pintuan na parang walang nangyare. Nakakainis na to ha. "Hoy Feyth, tara na! kain na tayo. Gutom na ko," sabi ni Cami. Ako na lang pala ang hinihintay nila. Di ko namalayan na kanina pa pala akong nakatayo sa pwesto ko at di gumagalaw. Binaliwala ko na lang ang rason ng pangyayari ng lahat ng to at kung bakit ako lumapit sa kanya, saka dumeretso na sa cafeteria. Mai-stress lang ako kung patuloy ko pa yung iisipin. Habang nakain kami, daldal pa rin ng daldal si Cami tungkol sa nangyari kanina. "Grabe no, gwapo sana kaso mukhang may attitude. Mukhang mahaba pa naman," nakanguso niyang saad at halata sa kanya ang pagkadismaya bago sumubo. Muntik na kong mabilaukan sa sinabi niya. Kaya mabilis akong binigyan ng tubig ni Kendrix na agad ko namang ininom. "Salamat." "Oh Feyth, dahan dahan ka naman sa pagsubo. Di naman tatakbo ang pagkain sayo." inosenteng sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin sabay padabog na tinuloy ang pagkain ko. Hmp! "Ano ba kasing mahaba yun, Cami?" pag-uudyok pa ni Kendrix. Sige lang. Galingan niyo. "Yung biyas niya kasi, mukhang mahaba. Di ko kasi napagtuunan ng pansin kanina. Saglit lang naman kasi natin siya nakaharap," pagpapatuloy niya. Pati ba naman yun? Haysss "Alam mo, Cami. Hayaan mo na yun. Ang mabuti pa, kumain ka na lang ng marami ha," sabi ni Kendrix saka dire-diretsong sinubo sa kanya ang sandamakmak na kanin galing sa plato niya. "Ano ba?! Ang bilis naman ng subo mo, Ken. Kakainin ko naman yan eh, dahan-dahanin mo lang ang pagsubo," nakanguso pang sabi ni Cami habang ngumunguya. Kanin pa ba yun? Oh no. s**t! Curse this mind of mine. Arghhhh!! Di talaga magandang magkasama itong dalawang to. Pero di ko maiwasang mangiti at matawa habang tinitignang patuloy na nag-aasaran ang dalawa kong matatalik at pinagkakatiwalaang kaibigan. Sana lagi kaming ganito noh. Sana masaya na lang lagi at kung maaari lang, sana wala nang problemang dumating. Kaso hindi pwede. Nakisali na rin ako sa asaran ng dalawa at patuloy na nagtatawanan habang nakain, nang biglang may tumabi sa upuang nasa gilid ko. Nasa pang-apatang upuan kase kami pumwesto. Si Kendrix ang kaharapan ko na katabi naman ni Cami so obviously, wala akong katabi. For the second time, parang may dumaang anghel. Natahimik kami sa pag-aasaran at napatitig sa kanya. Since kami lang naman ang medyo maingay dito sa cafeteria. Nakakapagtakang madami pang bakanteng upuan dito, pero ba't sa pwesto pa namin siya umupo? Di naman sa nagdadamot ako pero hello, pagkatapos ng nangyari kanina. Heto siya sa tabi ko at nakain na para bang walang natigilan ng dahil sa kanya. "Continue what you're doing," pagpapatukoy niya sa pagdadaldalan at pagkain namin. Mahina ang pagkakasabi niya yun, pero ang mas nakakapagtaka ay nakangiti na siya. "Oh Black, ngumiti ka!" masiglang sabi ni Cami na animo'y pumalakpak pa. Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain habang nakikinig at dinadaldal ng babaitang nakangiting aso ang katabi ko. Hinayaan na lang namin siyang umupo. Wala na naman kaming magagawa di ba? Nakaupo na siya. "Kaya ayokong ngumingiti eh, nakakaagaw-pansin." Pshhh mayabang din pala. Iba siya ngayon kaysa sa Black na nakasama at nakausap namin kanina. May split personality ba to? Nakakapagduda tuloy. May pakay kaya itong taong to kaya siya sumasama sa min? O sadyang masyado lang akong nago-overthink? Naagaw ni Kendrix ang atensyon ko nang naglagay siya ng balat ng manok sa plato ko. "Oh, di ba paborito mo yan?" nakangiting sabi niya. Totoo yun, ang balat talaga ang paborito kong parte sa tuwing nakain ako ng manok lalo na kapag prito. Actually, dalawa kami ng sobrang kilala kong tao ang paborito ito. Kaya naalala ko siya sa balat ng manok. "Salamat, Drix-ey." saka nilabas ang lahat ng ngipin ko at ngumiti ng malapad sa kanya. "s**t, so cute." pahabol niyang pagmumura. I know. Matapos nun ay pinagpatuloy na namin ang pagkain namin. Nasabi ko na ba na may pagka-sweet din taglay itong mokong na to. Naramdaman ko tuloy ang saglit na pagtibok ng puso ko. Napansin kong nakatingin na din sa min yung dalawang nagchichikahan lang kanina at mas lalong di nakalagpas sa 'kin ang kakaibang tingin ni Black. Tinging di ko maintindihan kung ano. Mukhang malungkot. Bakit? Pero agad din niyang binalik sa normal yun nang magtanong sa kanya si Cami. "May girlfriend ka ba, Black?" Pati ba naman yun? Minsan talaga itong si Cami, di napipigilan ang bibig. Personal matter na yun. "Wala," maikling sagot ni Black at saka ko napansin na biglang sumeryoso ang ekspresyon niya. "Cami, i-ikaw talaga--" babaguhin ko na sana ang usapan kasi mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko sa usaping ito. Kaso pinutol ni Black ang sasabihin ko. "The last girl I've loved died 3 years ago."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD