CHAPTER 1

2196 Words
Chapter 1- The transferee Feyth's POV "Feyth, tara na!" Napalingon ako sa tumawag sa kin at saka nakangiting tumango. Sumabay na din ako sa paglalakad niya. "Mukhang excited ka ata ah, ang aga mo oh," dagdag na pa niya na nagsisimula na namang asarin ako. Kanina pa kase ako naghihintay dun sa hintayan namin. Isang kanto mula sa bahay. Di ko naman alam na napaaga pala ako. Nakasimangot naman akong tumingin sa kanya. "Alam ko na, alam ko namang ako ang dahilan kung bakit ka atat na pumasok eh," lalo akong napasimangot sa sinabi niya. Lakas talaga ng hangin hayss. "Pshh asa ka naman," saka siya inismiran. 'Feeler!' Tinawanan pa niya ako. Tsk. "Ikaw talaga," sabay gulo ng buhok ko --NG BUHOK KO! na halos buong oras ng pag-aayos ko ay dun ko inalay. "AH AH Drix!! ano ba?! Ang tagal kong inayos yan." "Sorry na, sorry na." paghingi niya ng paumanhin pero nakaflash pa rin sa mukha niya ang isang pilyong ngiti. Pshh. Sorry sorry pero natawa. "Wala namang nagbago. Nakalugay oa rin naman ang bagsak na buhok mo," bulong pa nito. Wala. Sinuklay ko lang. Bakit ba? Pakialam niya. Pshh. "Feyth." Napatingin naman ako sa kanya nang nahimigan ko ang pagseryoso ng boses niya. "Hmmm?" "Lagi na dapat tayong sabay sa pagpasok, maging sa pag-uwi ha. Para sigurado akong ligtas ka." Ito talagang best friend ko, overprotective. Baka masanay ako nan, nakow. "Yes, Sir!" sagot ko na lang na nakasaludo pa. Natawa naman siya at ginulo ulit ang buhok ko, kaya naman sinamaan ko na siya ng tingin. Pulis kasi ang daddy niya at nasa pinakamataas na ranggo kaya minsan ganun tawag ko sa kanya. He is also the campus heartthrob, ang tinitilian at pinaglalawayan ng mga haliparot na babae dito. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad habang nakaakbay pa siya. Hay pasukan na naman!! What a boring life! Boring kasi pasukan pa lang ang dami ko na agad responsibilities. I am the school president, at the same time, secretary of the student council. "Bestieeeee!" "At ito na, ang pinaka excited sa lahat ng excited," sabi ko animoy nag-uulat. "CAMILLA LENNON!" pagsakay ni Kendrix sa trip ko na mas pinalagong pa ang kanyang boses. Kaya di ko napagilang mapahalakhak. Habang tinatahak ni Bestie ang daan papunta sa min ay di maipagkakaila na maganda ito. Average lang ang talino nito pero may ibubuga. Makinis ang balat at maiksi ang buhok na hanggang taas ng balikat niya at may bilugang mata, katamtamang laki ng labi at matangos na ilong. Parehas din kaming may maliit na nunal sa may gilid ng labi. Dire-diretso naman ang takbo ni Cami papunta sa min na mukhang aambahan pa ata ako ng yakap. Pinagtitinginan na tuloy siya. "WAAHH --AHH!" daing ni Cami matapos kong ilagan ang yakap niya at tumama ang ulo niya sa bisig ni Kendrix. "Hoy! Kendrix Miller! Bakit di mo naman ako sinalo? Ang babad niyo! Namiss ko lang naman kayo," nagpout pa siya. "Grabe! ang sakit nun ah, ang tigas kasi Ken." "Anong matigas?!" namimilog ang mata kong saad. Believe me. When I say she's green, she is. Lahat ng nakapaligid sayo magiging berde, once na makasama mo siya. All you can see is just --green! "Yung t--ti.." tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagbitin niya. "Yung tinapay! Ang tigas, oo. Kaninang umaga, almusal ko yun. Ang hirap na ngang kainin eh. Luma na ata kaya matigas, ganun. Di ba, Kendrix?" Napa-face palm na lang ako. Kapag talaga kasama ko itong babaeng ito, dumudumi ang isip ko. Sobrang daldal at napakajolly talaga niyang si Bestie, kabaliktaran ng pakikitungo niya sa ibang kaklase namin. I don't why but I think there's something on it. Masyado niyang kinamumuhian ang mga ito. I just know, kahit di niya sabihin sa kin. Nahahalata ko din kasi na parang malalim ang pinaghuhugutan niya at nagbabago ang mood niya sa tuwing napag-uusapan namin iyon. Naiintindihan ko naman siya and I give her time, kung kailan ready na siyang mag-open sa kin. I am not just her friend for fun, I am her friend through ups and down. "Hay, Cami. Mukhang gutom ka ulit." si Kendrix. "Can I.. eat you?" tumataas-taas pa ang dalawang kilay niya habang may malapad na ngiti sa labi niya. "Ikaw talaga yang utak mo ha, habang tumatagal, palaki na nang palaki." segunda naman ni Kendrix sabay pitik sa noo nito, na mukhang dapat di na niya sinabi. "Malaki?!" nanlaki pa ang mata niya na animo'y namangha habang hinihimas ang noo niya. "Ay layk dat! Bet!" Ohh please! Biglang sumakit ulo ko. Baka 'pag pinagpatuloy ko pa ito ay sumabog na pati bungo ko. Para matigil na to, inaya ko na sila sa room dahil kaunting minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Umakbay naman sa aming dalawa si Kendrix habang tinatahak ang daan papunta sa room namin. Sanay na kaming tatlo sa ugali ng isa't-isa kaya di na bago sa min ang mga pinagsasasabi ni Bestie. Habang naglalakad ay di maiiwasan ang mga taong bumabati at ngumingiti sa min. Bukod kasi sa sikat itong si Kendrix, ay medyo kilala na rin ako dahil na din siguro sa pagiging student council ko. Kilala din si Cami dahil sa pilot section kami. Kapag kasi nasa pilot section ka, sikat ka. Naging close kaming tatlo kahit sa maikli lang na panahon. Nakakatuwa nga eh. Magkaklase na kase kame since Second year high school hanggang ngayon. Pero itong dalawa ay since elementary ay classmates na, kaso nung dumating lang daw ako sila naging close. Ang campus kasi na ito ay may elementary, junior at senior high school. Kaya halos lahat ng mga kaklase ko ay magkakaklase na since elementary kaya nga nung unang beses ko dito ay talagang OP ako. Wala akong kausap kaya tahimik lang ako. Nagbago din naman agad yun nang lapitan ako ni Cami at nakipagkaibigan. Kasabay pa nun naging close na din namin si Kendrix dahil sa seatmate ko siya at laging kausap. Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang habang naglalakad ay may nahagip ang mga mata kong isang papel na katamtaman lang ang laki. Nandun siya sa gilid ng dadaanan namin malapit sa pinto ng room. Siguro di nalinis ng janitor namin dito o kaya nahulog ng kung sino. Pano ba kase, ang linis linis ng hallway tas yun lang ang kalat kaya naman agaw-pansin talaga. Di ko lang to pinansin at pumasok na sa room namin. Di naman sa wala kong pake, pero baka nakatadhana na talagang dun na siya nakapwesto sa sahig at masaya dun ang papel. Pagbabawalan ko bang sumaya ang papel sa simpleng kagustuhan na mas trip niya sa lapag kesa sa loob ng bag na nalulukot-lukot siya. hahaha so out of the world! "FEYTH MENDOZA!" nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni Bestie sa mismong tainga kaya sa kanya ko binaling ang atensyon ko habang nakakunot ang noo. Nakatingin na silang dalawa sa 'kin. 'Anyare?' "ANOO?" sigaw ko din. Ang lakas talaga ng bunganga nito. Kanina oa sigaw ng sigaw, buti di siya namamaos. "Anong ano ka dan?! Eh kanina ka pa namin kinakausap ni Ken pero di ka naman nagsasalita. Masyado ka atang focus sa paglalakad mo na para bang konting linga mo sa kasama mo ay matatalisod ka at masisira yang mukha at mawawala na yang ganda mo!" Haba ng litanya, ayan tuloy naghahabol ng hininga. "Alam mo, dami mong sinabe. Ano ba kasi yon?" ani ko at saka umupo sa sari-sarili naming upuan. And take note, magkakatabe kami. Oh di ba happy. 'Ingay all the day, sermon all the way.' Pasimuno talaga lagi sa kalokohan si Kendrix eh, nadadamay lang kame. Pero sa kabila nun, we are on top. Di namin hinahayaang mapabayaan ang pag aaral namin. "Napagplanuhan lang na sabay-sabay na tayong maglunch sa cafeteria mamayang lunch tapos panoorin niyo ko saglit sa practice ko sa baseball mamaya para sabay-sabay na tayong umuwi," paliwanag ni Kendrix. Siya na ang sumagot. Sabay-sabay kasi talaga dapat kaming tatlo kanina pagpasok. Kaso ayun, nauna na si Cami. Nauna pa ata sa gwardya ng school ang isang to eh. Yon lang pala, tumango na lang ako sa kanila at baka humaba na naman usapan namin, kung di niyo pa napapansin medyo bully itong si Kendrix at the same time, caring. Matalino din siya at magaling sa baseball. Sa katunayan, siya nga ang captain dun at palaging nananalo ang school sa tuwing may sports fest na kalaban ang iba pang universities. Madami din siyang supporters dahil di lang siya magaling, may kagwapuhan din siyang mala-Adonis. Saglit lamang ang pinaghintay namin ay nagring na ang bell at dumating na ang Homeroom Teacher namin na si Sir Wiley. Ang gwapo talaga ni Sir. Maganda ang hubog ng katawan nito. Malakas din ang dating niya at bumagay sa kaniya ang unipormeng suot nito. Di ko namalayan na nakatingin na pala sa kin si Kendrix habang nakatitig ako kay sir na nag-aayos ng gamit niya sa harap. "Feyth oh," sabay abot sa kin ng panyo. Nagtaka naman ako at napaisip. Dali-dali kong hinawakan ang mata ko pero di naman basa, meaning di ako naiyak. Pero para san yung panyo? "Ha? Para san yan? Anong gagawin ko dan?" natatangang tanong ko sa kanya. "Pamunas sa laway mo, natulo na kase siguro kung ano-ano ng ginawa mong pananamantala kay sir sa isip mo noh?" tatawa-tawang sabi niya. Grabe! hagalpak ah. Sabi sa inyo eh, bully tong isang to. Langya! Puro kalokohan. "Letse kaa, Arghhh!" Agad kong pinaghahampas ang braso niya at sinamaan siya ng tingin. Pero ang loko, mas lalo pang humagalpak sa tawa. Buti na lang, nasa may bandang likod kami at di kami masyadong rinig ni sir dahil busy pa rin siya sa inaayos niyang mga papeles. Patuloy lang kame sa pag-aasaran nang biglang nagsalita si Sir kaya tumahimik na kami at nakinig. "Ok class, Good morning! I want you to inform that we have a new transferee." ohh may bagong lipat, sino kaya to? "Please come in and introduce yourself." Dahan-dahan at parang nagslow motion sa paningin ko ang pagpasok ng isang lalaking may matipuno at bruskong katawan kaya mas lalong bumagay sa kanya ang suot na uniporme, pati na rin ang mukha niyang saksakan ng pogi at higit sa lahat, ang singkit niyang mga mata na halata mong kulay brown dahil sa tumatamang sikat ng araw sa pwesto nito. Pero ang kakaiba sa kanya, ay parang napakaseryoso ng mukha niya. Yung itsurang di ngumingiti ganun tas mukhang misteryoso. Hmm, mukhang may tinatago at mukhang parang may balak. Hmm chareeng! Don't judge the boy by its muscle. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang makita ko na ang kabuuan niya, ano ba to? Kakaiba tong naramdaman ko. Di ko maintindihan. Para kaseng may something sa kanya na di mo malaman kung ano. Pero alam ko sa sarili ko na di ko pa siya nakikita kahit kailan, ewan di pa nga ba? Aishh nananakit na naman tuloy ang ulo ko. Rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko pagkaharap niya sa min. "Grabe, ang gwapo." "Ang hottie niya, girls!" "Mukhang yummy ahh." "Oo nga, pero bakit parang ang seryoso niya naman masyado?" Yan din ang gusto kong malaman at naku-curious nang bigla na siyang nagsalita. "Black Thompson,everyone," pati ang boses niya, sobrang manly pero ang tipid magsalita. Hmm Black? bagay sa personality niya. Masyadong madilim, yung tipong wala kang mababasa sa kanya. Yung wala kang malalaman ni katiting patungkol dito maliban na lang kung manggaling sa kanya mismo. Mas lalo akong nawindang ng biglang lumibot ang tingin niya sa buong klase na para bang pina-familiarize ang mukha ng mga magiging kaklase niya. Halos magtilian naman ang mga babae sa buong room at panay ismid naman ang mga lalaki na tipong nayayabangan sa inasal ni Black. Sakto namang tumigil ang singkit niyang mga mata sa pwesto ko, hindi, sa kin pala mismo. Mas lalo akong nagulat ng bigla siyang ngumiti sa kin, hindi! mali ulit, isang ngisi. Ngisi yun, mukha lang ngiti sa paningin ng mga kaklase ko pero hindi sa view kung nasaan ako. At dahil dun, naagaw ko na ang atensiyon ng buong klase na ngayo'y nakatitig na sa kin na nagtatanong. Agad akong bumaling sa kanila at umiling saka nagkibit balikat para ipahiwatig na wala akong alam sa ginawa ng lalaking nasa harapan namin ngayon. Nang bumaling ulit ako sa kanya ay nakahinga ako ng maluwag nang makitang diretso na ulit ang tingin niya sa harapan. Pero di pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko, nagkakamali lang ba ako ng kita o ano? Baka naghallucinate lang ako? Did he just smirk at me? Pero tumingin sa 'kin ang mga kaklase ko kaya nakakasiguro akong totoo to. Aishh!! Pinaupo na siya ni Sir at pinapwesto sa likuran ko since pangalawa sa huli kami na row nakapwesto magkakaibigan. Nice, just nice! Ba't ganun? Why I have this feeling that he's creepy? Why do I have this feeling na parang kilala niya ko? And why I am bothered by him? Geez! I just got goosebumps and I can't get him out of my mind. So frustrating. Arghhh! Who are you, Black Thompson? Sino ka ba talaga? Anong magiging papel mo sa buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD