RAPIDO 7 ("PAGTITIMPI")

1111 Words
RAPIDO? YES,, PLEASE,,,! WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 7 **********PAGTITIMPI******** ATTY.SIRIUS ; Mula ng makarating kame sa Airport walang imik na si Prim ,umaasa ito na buhay pa ang ama na kahit ako umaasa sa makikita pa namin na buhay si Primo ,mabait na tao si Primo kaya alam kong gagabayan siya ng panginoon. “Prim umuwi kana muna ako na ang maghihintay ng balita kung nakita naba ang Dad mo , hindi makakabuti sayo ang ginagawa mo ano oras na kagabi kapa walang tulog!?” Pakiusap ko pero nanatili lang ito nakatingin sa malayo . Napabuga ako ng hangin at hinawakan ang kamay ni Prim,napatingin naman ito sa akin dahil sa ginawa ko. “Prim alam kong nasasaktan ka at umaasa na makikita pa natin ang Dad mo pero kailangan mo rin magpahinga para may lakas ka pagnatagpuan na natin siya!” Sabi ko pero umiling lang ito. “K..kaya ko pa po Atty.hindi rin naman po ako makakatulog sa bahay!” Sabi nito at muli na naman nagbadya ang mga luha nito ,kinabig ko ang ito para yakapin . “Huwag ka mag alala Prim narito lang ako para sayo hindi kita pababayaan!” Sabi ko at naramdaman ko nalang pagyugyog ng balikat nito. Hinayaan ko nalang ito sa pag iyak at ng saganon ay mabawasan kahit konti ang sakit na dinadala niya . “Prim? Bhie? Are you ok?” Natigilan ako sa tumawag kay Prim umangat ng ulo si prim para lingunin ang lalaking tumatawag sa kanya. “M…Miguel?” Bulalas ni Prim,lumapit naman ang boyfriend ni Prim at niyakap nito ang dalaga nakaramdam ako ng inis na di ko mawari Lalo pa ng halikan nito ang ulo ni Prim. “Bhie ok lang yan mahahanap din natin ang Daddy mo !”sabi nito kay Prim. “Sana nga Miguel,Sana nga!” Umiiyak na tugon ni Prim. Naghintay pa kame ng mga dalawang oras para makibalita pero lagi nalang nila sinasabi ay di parin mahanap ang katawan ni Primo maari daw na kinain na ng pating ang mga katawan nito dahil puro dagat ang napakapalibot dito kung saan nangyari ang pagsabog kaya lalo nasaktan ang dalaga sa binalita pero meron parin ito pag asa na buhay ang Dad niya. “Prim Let's go you need to Rest!” Sabi ko pero umiling lang ito . “Ako na po bahala kay Prim Sir.!” Sagot ng lalaking si Miiguel. “No!” Seryosong sabi ko,na kinatingin ng dalawa. “Bakit ho?” Si Miguel. “Dahil ako ang pinagbilinan ng Ama niya kaya ako magdedesisyon kung kanino siya sasama !” Galit na asik ko. “Pero ako ang Boyfriend niya Sir!” Sabi nito na lalong kinairita ko. “Wala ako pake kung boyfriend ka pa niya basta ako ang maghahatid sa bahay nila!” Sabi ko pa,mukha naubos din ang pagtitimpi ng isang ito. “Stop acting like Her Dad Sir.!” Seryosong sabi nito na kinangisi ko. “Then Stop Acting like a Legally boyfriend!”.napansin ko ang pagtagis ng baggang nito. “Tumigil na kayo! Uuwi ako ng Mag isa at wala ako sasamahan sa inyong dalawa! So stop fighting!” Si Prim na tumayo at nilagpasan kameng dalawa. “Bhie wait!?” Tawag ni Miguel pero hindi lumingon si Prim tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. Hinayaan ko lang si Prim alam ko gusto niya makapag isa at alam ko naman sa bahay nila ito uuwi,awang awa ako sa sinapit ni Prim alam ko kung gano kamahal nito ang Daddy niya kung may magagawa lang ako para maibsan ang lungkot na dinadala niya ginawa ko na dahil ayoko nakikita siyang nasasaktan . Napagpasyahan ko sundan na si Prim sa kanila dahil baka hindi rin ito magpahinga at umiyak lang ng umiyak. Pagdating ko sa bahay nila una ko talaga tinungo ang silid ni Prim kumatok ako ng ilang beses pero wala nasagot hanggang sa mapansin ko hindi pala ito nakalock kaya naman pumasok ako para lang magtaka dahil wala si Prim rito sa kwarto niya kahit sa banyo nito ay wala ,kaya sinubukan ko sa silid ng Ama nitong si Primo pero wala rin ito halos nilibot kona ang buong bahay nila at wala talaga akong Prim na makita ,doon na ako binundol ng Kaba at matinding pag aalala. “D*mn ! Asan ka Prim?” Mura ko habang nagmamaneho dahil unti unti na bumubuhos ang ulan ,isa lang ang naiisip ko na pupuntahan nito kaya mabilis ko pinaandar ang sasakyan ko dahil lumalakas na ang patak ng ulan . Narating ko ang puntod ng ina ni Prim at hindi na ako nagkamali narito ito at bakas ang kalungkutan ,wala parin ito tigil sa pag iyak,malalaki ang hakbang na tinungo ko ang puwesto ni Prim ,siyang bugso ng malakas na ulan,sa sobrang pag aalala ko kay Prim, niyakap ko ito ng mahigpit alam kong gulat ito sa inaakto ko pero wala ako pake dahil sobra ako natakot nung hindi ko siya nadatnan sa kanila. “Masyado mo ako pinag alala Sweetheart!” Bulong ko . “A ….Atty.?” Usal nito,ako na ang kumawala sa yakap ko sa kanya at niyaya na ito pauwi. “Prim Let's go magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo!” Sabi ko pero umiling lang ito . “Please Sweetheart !” Pakiusap ko tumingin naman ito sa mga mata ko,parang nakaramdam ako ng kirot ng makita ang mga mugtong mga mata nito. “B…bakit lagi nalang ako naiiwan?naging masama po ba akong Anak sa kanila?” tanong nito kinabig ko muli ito para yakap ito ng mahigpit. “Hindi ka naging masamang Anak sa kanila ok kaya huwag mo sisihin ang sarili mo Prim! Walang may gustong mangyari ito.” Naramdaman ko ang pagyakap nito sakin pabalik at wala parin tigil sa pag iyak “Halika na umuwi na tayo!?” Tumango naman ito at tumayo inalalayan ko ito sa pagtayo at ilang hakbang palang bigla ito nawalan ng malay, kaya dali dali ko ito binuhat at isinakay sa sasakyan ko. Inuwi ko ng bahay si Prim dahil kung sa kanila ko ito iuuwi maalala lang nito ang Ama niya kaya habang kailangan niya ng pahinga ay dito ko nalang siya inuwi sa bahay ko. Natignan narin siya ng kaibigan kong Doctor at ang sabi dala ng puyat at pagod isama mo pa ang stress, kung kaya bakit nawalan ito ng malay,mabuti nalang ay nahanap ko ito kaagad kung hindi baka lalo napasama ang pagkawalan ng malay nito. Napatingin ako sa maamong mukha ni Prim ,hindi ko kaya nakikita siya ng ganito kaya pinapangako ko sa sarili ko na iingatan at aalagaan ko siya .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD