RAPIDO 6 ("FIRST HEAR BREAK!")

1151 Words
RAPIDO? YES,, PLEASE,,,! WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 6 **********FIRST HEART BREAK********* PRIMROSE; “Prim Anak?” Pagtawag ni Dad . “Yes po Dad?” Magalang na tanong ko,kumatok ito at pumasok sa Room ko. “D…Dad aalis ka po ba?” Takang tanong ko dahil nakasuot ito ng damit pang alis. “Yes Anak my biglaan akong flight !” “Nang ganitong oras Dad?” Takang tanong ko dahil 10pm na at hindi ba pwede ipagbukas?. “Yes Anak Maaga kasi ang meeting ko bukas sa Italy kaya ngayon ko naisipan umalis!” Sabi nito. “Pero Dad gabi na po at isa pa wala po ako makakasama?” Hindi ko mawari may pakiramdam ako na ayoko umalis ang Daddy ko hindi naman ako ganito dati ok lang sa akin umalis siya pero ngayon iba ang kutob ko. “Don't Worry pinapunta ko si Atty.Sirius siya ang sasama sayo rito sa bahay!” “P..pero Dad?” “Wala nang pero pero Anak ,hinihintay na ako kaya maiwan na kita?” “D..Dad? Kung sumama nalang po kaya ako?”sabi ko na kinakunot ng noo nito. “Prim Anak? Ano ba problema?” Sabi ni Dad pero para akong bata na bigla nalang yumakap sa kanya at di namamalayan ang paglandas ng luha sa mga mata ko. “Hey Anak? Why are you crying? May masakit ba sayo?masama ba pakiramdam mo?” Tuloy tuloy na tanong ni Dad umiling lang ako at niyakap siya ng mahigpit. “Dad Mahal na Mahal po kita!” Sabi ko inangat naman ni Dad ang mukha ko. “Mas mahal na mahal ko ang prinsesa ko lagi mo tatandaan yan ah ,kaya huwag kana umiyak babalik din naman agad ako!” Sabi ni Dad na kinatango ko. Hinatid ko si Dad hanggang sa may Gate hindi ko alam ano ba nangyayari sa akin hindi naman ako ganito Dati pero bakit ngayon hindi ako mapakali at nagiging emosyonal ako. ************ Nagising ako sa ingay ng dalawang taong nagtatawanan ,kaya lumabas ako ng silid ko at ainilip ang silid ni Dad . “Dad?” Tawag ko kay Dad ng makita ko ito na walang kalagyan ang saya sa mukha tumingin ito sa direksyon ko ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko kung sino ang katawanan nito. “M…Mom?” Bulalas ko napatingin din sa akin si Mommy at ganun nalang ang paglingid ng mga luha sa mata ko at malalaki ang hakbang na tinunungo ko ang kinaroroonan ni Mom at Dad niyakap ko ng mahigpit si Mom at labis ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Pero nag angat ako ng tingin ng mapansin ko bigla niluwagan ang yakap sa akin ni Mom,ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng lungkot napabaling ako ng tingin kay Dad na katulad ni Mom ay bakas ang halo halong emosyon. “Mom?Dad ? Di po ba kayo masaya na magkakasama na ulit tayo?” Sabi ko. Hindi ito umimik ni isa sa kanila ay wala gusto magsalita at parang may kung ano sa puso ko kaya di maampat ang luhang dumadaloy sa mga mata ko . “Dad? Bakit ayaw niyo po ba ako makasama?” Umiiyak na ako ,hinawakan ni Dad ang mukha ko at ngumiti pero bakas sa mata nito ang lungkot. “Prim Anak! Sorry pero hindi na kita masasamahan sa lahat ng bagay, pero lagi mo tatandaan mahal na mahal ka namin ng Mommy mo! Aalis lang si Daddy sasamahan ko lang si Mommy kasi sobra na siya na lulungkot!” Sabi ni Dad. “Pwede ba ako sumama Dad? Para may kasama si Mom para kumpleto na po tayo?” Tanong ko pero tumanggi lang si Dad at Mom. “Anak! Alam kong matapang ka ,alam ko matutunan mo rin tumayo sa sarili mong mga paa ,sa ngayon anak hindi ka pa namin pwede isama sa pupuntahan namin pero alam kong may magaganda pang mga bagay na darating sayo kaya naniniwala ako malalagpasan mo rin lahat ng ito!” Pagkasabi ni Dad iniwanan na nila ako bawat hakbang nila siyang kinadudurog ng puso ko dahan dahan ,hindi ko magawang igalaw ang mga hita ko tanging pagmasid nalang ang nagawa ko at doon na walang tigil ang hikbi ko. ***************** “M..mom..D..Dad…please huwag niyo ako iwan!” “Hey Sweetheart wake up!” Napabalikwas ako ng bangon at para akong bata na umiiyak parin. “D…Dad??” Tawag ko,bigla naman ako dinaluhan ni Atty. “Hey Sweetheart what's wrong mukhang nananiginip ka?” Pag alo nito . “Asan si Dad? Gusto ko siya makita Atty.Please!?” Pagmamakaawa ko. “Ok ok tatawagan ko ang Dad mo!” Sabi nito kaya tumigil ako sa pag iyak pero di parin tumitigil ang luha ko sa pagdaloy. “D*mn! Primo! “ Bulalas ni Atty.doon na ako parang binundol ng kaba. “A…Atty.Sirius bakit?” “Out of Coverage ang Dad mo baka lowbat lang!” Pagpapakalma nito sa akin tumango naman ako. “Kukuha lang ako ng maiinom mo Sweetheart!” Sabi ni Atty.at iniwan nito ang Cellphone niya sa tabi ng higaan ko. Di pa gaano nagtatagal sa pag alis si Atty ng Tumunog ang Cellphone nito ayoko sana pansinin pero parang may kung ano nag uudyok sa akin na sagutin ito,sa huli kahit mali ang mangielan ng gamit ng iba ay napagpasyahan ko itong sagutin. Ganun nalang pamumutla ko ng marinig ko ang sinsabi ng babae sa kabilang linya kung hindi ako nagkakamali secretary ito ni Dad,at ang masakit ng sabihin nito na sumabog ang eroplanong sinsakyan mismo ni Dad. Nabitawan ko ang Cellphone ni Atty.at doon na ako tuluyan bumigay parang may kung anong bumabara sa dibdib ko ,halos humagulgol ako sa sakit,kaya ba napanaginipan ko si Dad dahil nagpapaalam siya sa akin? Kaya ba hindi nila ako sinama dahil ang pupuntahan nila ay malayo na tanging mga patay lang ang pwede roon?. “No, hindi ito totoo! Please Dad no!” Palakas ng palakas ang hagulgol ko sa mga narinig ko at doon na biglang sumulpot na humahangos na si Atty.na bakas ang pag-aalala . “Hey Sweetheart ano problema?” “Si D..Dad gusto ko puntahan si Dad Atty please!? Hindi totoong patay si Dad diba? Sabihin mo Atty.please diba nakaligtas siya?” Patuloy na ako sa pag iyak ,napakunot naman si Atty ng noo sa mga sinsabi ko at dinampot ang Cellphone niya. “Hello Emily? What's wrong? Where's Primo?” Sunod sunod na tanong ni Atty. “D*mn? Ok pupunta na kame diyan sa Airport!” Sabi ni Atty sa kausap . Mabilis na niyakap ako ni Atty para aluhin. “Stop crying na Sweetheart mahahanap natin ang Dad mo!” Sabi ni Atty pero tuloy parin ang pagluha ko . “Sana panaginip lang ang lahat ng ito!” Bulalas ko sa aking isipan dahil hindi ko makakaya ang lahat ng ito .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD