GULO-GULO pa ang buhok at inaantok nang lumabas ako sa salas. Umagang-umaga ay nasira ang tulog ko nang bigla akong gisingin ni Rosa. Nang tanungin ko kung bakit, tanging ngiti lang ang itinugon niya at sinabihan akong lumabas sa salas. Dala ng pagkaantok, hindi na ako nag-ayos pa at agad na lang lumabas. Pero ngayong nakikita ko kung sino ang bisita namin sa salas ay tila pinagsisisihan ko na ang ginawa kong 'yon. Curse is here! At ako, mukhang timang sa harapan niya dahil sa kadahilanang kagigising lang. Malawak ang ngiting iginawad sa akin ni Curse nang magtama ang paningin namin. Tumayo siya mula sa kinauupuan at nilakad ang direksiyon ko. Nag-init ang pisngi ko nang i-abot niya sa akin ang dalang isang palumpon ng rosas. "Good morning, Aki." Nahihiya akong ngumiti at tinanggap 'y

