NGUMUSO ako habang hindi maalis-alis ang tingin sa phone ko na nakalapag sa aking harapan. Mula pa kanina ko ito pinagmamasdan at halos hindi inaalis ang tingin. Nang lumipas na naman ang ilang minuto at wala pa rin nangyayari, malalim akong bumuntong hininga. May plano pa ba siyang tawagan ako? Pakiramdam ko ay nagsisimula na akong makaramdam ng inis kay Curse. Nitong mga nakaraang araw kasi, hindi niya ako napupuntahan sa trabaho ko tuwing lunchtime dahil naging abala siya. Naging sunod-sunod na naman kasi ang mga inaalok sa kanyang projects. Kinukuha pa siyang endorser. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi na niya ako napupuntahan, dahil kahit ako ay hindi siya mapuntahan dahil abala rin ako sa sariling trabaho ko. Kaya naman ay napag-usapan naming sa day-off ko na lang babawi s

