"PASOK kayo," nakangiting anyaya ni Rosa nang pagbuksan kami ng pinto ni Curse. Mabilis akong ngumiti at nauna nang pumasok. Kasunod ko naman si Curse. "Buti ay natunton nyo ang bahay ko." "Mabilis lang naman mahanap dahil hindi looban." Nang makarating ng salas, pare-pareho kaming natigilan na tatlo nang may makita sa pader. Isa iyon poster, at ang modelo lang naman na nasa poster na 'yon ay walang iba kundi si Curse. Nahihiyang tumawa si Rosa. "Fan niya talaga ako..." Nagkatitigan kami ni Curse. "Ito pala 'yong kwarto na ipaparenta ko sa 'yo. Puwede mo nang silipin dahil napagpaalam ko na sa may-ari," aniya na halatang iniiba ang tuon ng atensiyon. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya nang maglakad siya patungo kung saan. Mula sa salas, kumaliwa kami sa isang hallway na may ma

