MARAHAS ang buntong hiningang pinakawalan ko at dinampot ang baso ng alak na nakalapag sa lamesang nasa harapan ko. Nakapikit ako nang dere-deretso ko itong ininom. I didn't stop until its last drop. Seryoso ang mukha ko nang ilapag ang baso sa lamesa. Ginamit ko ang likod ng palad para tuyuin ang kaunting basa sa gilid ng aking labi. "Mga hangal, sabihin nyo nga sa akin kung ano ang dapat kong gawin." Baling ko sa mga pinsan na kasama ko ngayon. Ilang gabi na rin akong panay ang tambay sa Red Room, at ngayong gabi ay kompleto kaming apat nina Castiel, Chaos at Silent. "Kung ayaw mo na talaga sa kanya dahil sa nangyari, then move on," ani Castiel na siyang unang nagbigay ng suhestiyon. Nawalan ako ng imik sa sinabi niya at napaisip. Ayaw ko na nga ba talaga? I admit it. It hurts like

