"BASTA kapag nakaharap mo na siya, manatili ka lang kalmado. Huwag mong ipapahalatang kinikilig ka sa kanya!" Namilog ang mga mata kong tumingin kay Rosa. "Rosa!" tanging nasabi ko. Malakas siyang natawa. "Oh, bakit? Hindi ba totoo ang sinabi ko?" Nawalan ako ng imik at nahihiyang umiwas ng tingin. Mas lalo siyang natawa dahil sa inakto ko. Nang malaman ko noong isang araw na makakasama ko si Curse sa isang proyekto, sa sobrang pagiging masaya ko ay kaagad ko ito nabanggit kay Rosa. Simula noon ay palagi na namin itong pinag-uusapan. At dahil ngayong araw na ang una naming photoshoot ay hindi ko mapigilan ang ma-excite. "Isa pa, huwag mo rin ipahalata sa kanyang masyado mo siyang na-miss. Baka lumaki ang ulo," medyo seryoso na niyang sabi. Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Sige, t

