"AKIRA, please keep your eye contact with Curse." Napalunok ako nang marinig ang sinabi ng photographer. Napipilitan akong tumingin kay Curse at muli na namang napalunok nang masalubong ko ang tingin niya. Mas inanggulo pa ni Curse ang mukha sa akin. Hindi naman kami sobrang lapit sa isa't isa ngunit iba ang epekto ng pagtitig niya sa akin. Nakahinga lang ako nang maluwag nang mag-iba na kami ng posisyon. Nagdala ng isang sofa sa gitna namin at naupo ako roon habang si Curse naman ay nasa lapag. Nakaupo siya sa pagitan ng mga hita ko at ako ay nakahawak sa mga balikat niya. Hindi ko alam kung ilang oras pa itinagal ng pagkuha sa amin ng mga larawan. Ang alam ko lang, matapos ng isang damit ay may panibago na naman kaming susuotin para iyon naman ang i-model. Nang sumapit na ang tangha

