"AYOS ka lang ba, Akira?" Matipid akong ngumiti sa tanong ni Miss Iya. Nakayuko ako nang bumalik na sa kaninang puwesto ko. Nawala na rin sa akin ang atensiyon nila at bumalik na sa pinag-uusapan. Dahil hindi ko 'yon alam at wala naman sa mood na makipagdaldalan sa kanila, itinuon ko na lang ang atensiyon sa pag-iinom. Ang kanina kong plano na hindi maglalasing ay tuluyan nang naglaho dahil sa nasaksihan kanina. Hindi ko na nakayanan ang panoorin pa sila kaya napagpasyahan ko ang iwan na sila at bumalik na lang sa table namin. I can't blame him if he wants to flirt with another girl. He's single. Kahit nga si Rosa ay sinusubukan akong itulak sa iba, gaya na lang kay Chris. Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin mapigilan ang nararamdaman. Kahit kasi hiwalay na kami, hindi ibig sabihin n

