ISANG hindi pamilyar na kwarto ang sumalubong sa akin nang magising ang diwa. Mabilis akong napaupo sa ibabaw ng malambot na kama dala ng pagkabigla at takot, ngunit agad din natigilan nang sumidhi ang matinding sakit sa ulo ko. Ilang minuto pa akong nanatili sa ganoong posisyon bago umayos ang pakiramdam. Mabilis naman akong naging alerto nang makarinig ng pagbukas ng pinto at ng mga yabag. Bumakas sa mukha ko ang matinding pagkabigla at pagkagulo nang makita ko si Curse na lumabas mula sa isang pinto. Base sa nakikita ko ay mukhang banyo 'yon. Bagong ligo siya at basa-basa pa ang buhok. Namilog ang mga mata ko at nanuyot ang lalamunan nang mapansing wala siyang suot na pang-itaas. Ang tanging tumatakip lang sa katawan niya ay ang tuwalyang nakasabit sa balikat niya. "Gising ka na pa

