HINDI rin nagtagal ang mga pinsan ko. Dahil may mga asawa na ay kinailangan na agad nilang umuwi. Tila hindi nila kayang mahiwalay sa asawa nila nang matagal. Siguro ay gano'n talaga kapag may asawa na o pamilya. Mas gugustuhin mo ang manatili sa bahay kasama siya o sila kaysa ang magliwaliw sa labas. Mas masarap nga namang makasama ang taong mahal mo. Malalim akong bumuntong hininga kasabay ng pagbakas ng pait sa mukha ko. Napapatanong ako sa sarili. Masyado ba akong nagmamadali dahil gusto ko nang dalhin sa kasalan ang relasyon namin ni Aki? Pero apat na taon na rin kami. Kung tutuusin ay matagal na. At habang nakakasama ko siya ay ayaw ko nang manatiling boyfriend niya lang, hindi dahil sa natatakot akong maagaw siya ng iba sa akin. Ang pangamba kong 'yon ay matagal nang naglaho dahi

