Pagkatapos ng misa ay agad kaming lumabas at sa kasamaang palad ay may nabangga pa itong si Vivian.
"Watch where you going, dumbass", sita niya doon sa nabangga niya. Hindi ko naman makita dahil nasa likuran niya ako banda at nakatagilid iyong nakabanggaan niya.
"What the hell are you doing here?", naku naman itong kapatid ko, kakalabas lang namin sa simbahan, panay na ang mura huhu. Sino ba naman kase ang nabangga neto? Dhan-dahan akong sumilip sa kaliwang gilid niya para tignan. Laking gulat ko nang makitang si John Viel ito at nakatitig pa sa akin.
"I just came from church. How about you guys?", tanong niya pabalik sa amin.
"Same", walang ganang sagot ng kapatid ko. Nakakahiya naman kay John Viel, palaging nasusungitan ng kapatid ko.
"So, where are you heading to after this?", tanong niya habang nakatitig sa akin. Agad kong nakita sa peripheral vision ko ang pag-ikot ng mga mata ni Vivian. Napakataray talaga neto.
"Hmm, we are heading to the mall. You want to join us?" offer ko sa kanya. Napansin ko kaseng mag-isa lang siya e. Kawawa naman.
"Sure. If it is okay with Vivian?", baling niya ng tingin kaya Vivian na ngayon ay masama ang tingin sa akin.
"Whatever", sagot ni Vivian at nakacross-arm pa.
"So, let us go? I brought my car", pag-aya niya sa amin at naunang maglakad patungo sa kotse niya. Sumunod din naman ako at gayundin si Vivian.
Parehas kaming sumakay sa bahaging likod ng sasakyan ni John Viel. Nagmukha tuloy siyang driver.