Chapter 12

487 Words
In fairness, ang saya ng family bonding namin kahapon. Nakakatuwa dahil unti-unti na ulit kaming nagkakasundo ni Vivian. Hindi na siya nagtataray sa akin at palagi nang nakangiti. Ang ganda niya kapag nakangiti siya. Linggo pala ngayon, ayain ko kaya siya magsimba. Wala kase sila Mom at Dad, busy na ulit sa trabaho nila which is naiintindihan naman namin iyon. Agad akong lumabas ng kwarto para katukin si Vivian. Nakalimang katok ako bago niya ako pagbuksan ng pinto.  "Why?" nagtatakang tanong niya. "Are you busy?" baka kase may ginagawa siya o ano, nakakahiya naman. It is still her privacy. "Nothing much. Why did you ask?" tanong niya ulit. "Aayain sana kitang magsimba, linggo ngayon. Pwede ka ba?" sana pumayag siya. "Hmm, sure. I will go and get ready lang. You too ah? Wear a white para same tayo hehe", she excitedly answers me. "Okay", pasigaw kong sagot at agad na tumungo sa kwarto ko. Naghanap agad ako sa walk-in closet ko ng pwedeng suotin. Hmm white dress, hinalungkat ko mga dresses ko at finally, nakita ko na rin ang gusto kong suotin. It is just a simple plain white dress, saktong-sakto lang sa hubog ng katawan ko. Above the knee rin ang haba kaya hindi masyadong masagwang tignan. Maganda ito dahil kay Lord kami pupunta kaya dapat ay presentableng tignan. Naglagay na rin ako ng simpleng make-up lang to compliment my dress. Kulay itim ang dala kong bag at sandal rin na itim ang suot ko. Pasimple kong sinulyapan ang itsura ko sa full body mirror na nasa gilid ng pinto ko. I looked presentable. Pwede na ito. Lumabas rin agad ako at nadatnan si Vivian na nag-iintay sa akin malapit sa mag hagdaan pababa. She looks stunning. Her dress is flowy, eleganteng tignan. Simple lang rin ang make-up niya. Her white heels and sandals compliment the dress. Naka-all white si Sister. She is gorgeous. "You are gorgeous", sabi niya ng makalapit ako sa kanya. Agad akong ngumiti sa kanya. "Well, thank you. You look stunning, Vivian", compliment ko rin sa kanya. "Come on, baka malate tayo sa mass", oh my God! Did she just speak in Tagalog? Ang cute. Halata pa rin ang Candian accent niya. "Ang cute mo magtagalog! Isa pa nga", pang-aasar ko sa kanya. "Hmp, no na. Let's go to church na", nauna na siyang bumaba ng hagdan. Halatang nahihiya sa biglaang pagsalita niya ng Tagalog. Sumunod rin naman ako sa kanya. Mahirap na baka magtaray na naman. Sulitin ko na habang good mood siya. Pagkarating namin sa parking lot ay agad kaming pinagbuksan ng family driver namin ay inihatid sa simbahan. Maraming tao pagkarating namin. May mga nagtitinda ng sampaguita, kandila, at street foods sa gilid ng kalsada ng simbahan. May mga nanlilimos rin kya naman ay binibigyan ko sila ng 100 pesos. Pagkapasok namin sa simbahan ay nagsisimula na ang misa kaya naman ay naupo na kami at nakinig kay Father.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD