VIVIANAlam na magbebeach kami, tutulog-tulog siya. Ang bigat pa naman ng ulo niya but she is cute. She looks like an angel, ang amo ng mukha, halatang mabait talaga. For me, her most special feature is her eyes, sobrang expressive and transparent. Unlike me who can hide a thousands of emotions. Okay. I will enjoy this day muna and set aside yung inis ko sa kanya. After all, they are really kind to me naman. It has been 5 minutes since Dad and Tita left the car. I said to them na ako na bahala gumising kay Lara and they just smiled at me."Hey Lara", I slowly poked her chubby right cheek. She slowly opens her eyes, thank God. She is heavy.
"Oh my God! Sorry. Do I snore? or have put saliva on your rush guard? Please don't be mad at me. I am sorry", natatarantang sunod-sunod na tanong niya sa akin. Such a cutie.
"No. I am not mad", I smiled at her to give her assurance. Am I that bad to make her panic? I suddenly feel ashamed for treating her as my enemy.
"Talaga? Akala ko galit ka", nakangiti niyang sagot. Ayan na naman ang ngiti niyang abot hanggang tenga, pati mata ay nakangiti.
"Let's go. Dad and Tita are waiting for us in the cottage", sabi ko sa kanya and went to the door of the van to go down. Agad din naman siyang sumunod sa akin at isinabit ang left arm niya sa right arm ko. Habit na ata niya ito e. Palaging nakakapit, ang clingy.
Pumasok na kami sa beach resort, maganda naman at malinis. Sa entrance palang ay ramdam na ang magandang ambiance ng lugar lalo na sa design netong cottagecore. Nakakarelax sa mata at sa pakiramdam. Agad rin naman namin nakita sila Dad at Tita dahil kinakawayan kami ng mga ito.
"My babies. Ang cute niyong tignan, parang ikaw Vivian ang nagmukhang ate a inyong dalawa dahil nakakapit itong si Lara sa iyo", masayang saad ni Dad.
"Anim na buwan lang naman ang agwat netong si Lara kay Vivian, Honey", katwiran naman ni Tita.
"Ate pa rin etong si Lara but she still act like a baby. Such a cutie", pang-aasar ni Dad sa kapatid ko.
"Daddy, stop that. I am still a baby", nakapout na sagot ni Lara.
"Tama na iyan. Kain na muna tayo para makapag-swimming na tayo", singit ni Tita. Hindi namin napansin na inaayos niya na pala ang hapag-kainan.
Ang daming pagkain. May crab, shrimp, inihaw na isda, lechon, and many more. My diet will be ruin again. Mukhang matinding exercise na naman ang gagawin ko pagtapos neto. Ang swerte nga ni Lara at hindi siya tumataba kahit na gaano karami ang kainin niya. Agad rin naman kaming umupo sa hapag para kumain na.
"So, may nanliligaw na ba sa inyo?" bigalang tanong ni Dad. Agad akong nabilaukan, nambibigla naman kase si Dad e.
"Uy, may guilty hahaha", pangangantyaw ni Tita sabay abot sa akin ng tubig.
"No, i don't have one, Dad", sagot ko sa kanya.
"Talaga ba? Parang hindi naman yun yung nalaman ko" agad kong tiningnan ng masama si Lara. "Joke lang pala, Dad. Wala po pala hehe", sabay bawi niya, buti naman.
"Hmm, ang mga manliligaw niyo sa akin muna dadaan ah. One more thing, be careful on choosing your suitor, okay?" sermon sa amin ni Dad.
Agad rin naman kaming tumango at tumuloy na sa pagkain. Napuno ng tawanan at asaran habang kumakain kaming pamilya. Pamilya. Ngayon nalang ulit may natawag akong pamilya. They make me feel at home. I felt alive and loved.
After that, we went to the seashore and swim endlessly. I am so happy. I am glad I let myself enjoyed this day because it means so much to me. I will always treasure this moment.