Ilang araw na ang nakalipas mula nang magsabay kami ni John Viel at mula noon ay palagi na kaming magkapartner tuwing may pair work o minsan sa mga groupings ay magkagrupo kami. Aaminin ko na mas napalapit ang loob ko sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Mabait siya, gwapo, marespeto, saka maalaga. Ngunit kasabay noon ay ang tuluyan nang pag-iwas sa akin ni Vivian.
Nasasaktan ako tuwing naiisip ko nalumalalo na ulit ang loob niya sa akin. Kadalasan ay hindi na siya sumasabay sa pagpasok at pag-uwi mula sa eskwela. Nagtaka nga si Daddy noong hiningi niya na magkaroon ng sarili niyang kotse. Marunong naman siya magmaneho ngunit hindi siya pinayagan ni Dad at may sarili rin siyang driver tulad ko.
Andito ako ngayon sa sala habang hinihintay sila Vivian, Mom, at Dad. Pupunta kase kami sa isang beach resort ngayon, kumbaga family bonding namin ito. Tatlong buwan na rin kase mula nang umuwi dito si Vivian. Dapat icecelebrate namin ang unang buwan niya dito kaso lang ay busy si Dad at Mom kaya ngayon nalang gaganapin.
Nakita kong bumaba na si Vivian, nakasuot ng kulay itim na rush guard tulad ko. Kulay pink nga lang ang sa akin. Hindi pa kase kami papayagan ni Dad na magsuot ng one piece o kaya ay two-piece. Agad ko siyang nilapitan.
"Excited ka na?"masayang tanong ko sa kanya sabay sabit ng kaliwang braso ko sa kanang braso niya. Agad niya naman itong tinanggal at inirapan ako. Tumalikod na siya papuntang parking lot para mauna na sa van.
"Magkaaway ba kayo? Napapansin kong hindi na kayo nag-iimikan nitong mga nakaraang araw", saad ni Mom. Nakatingin pala siya sa amin.
"Hindi po, Mommy. Baka wala lang po sa mood si Vivian", sagot ko kay Mommy. Nginitian niya lang ako bilang tugon at ginulo ang buhok ko. Hayst. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano pa ulit mapapalapit ang loob ko sa aking kapatid. Hindi ko pa siya kabisado. Siguro ay dapat kong tanungin si John Viel dahil siya ang mas nakakakilala sa kapatid ko.
Inaya na ako ni Mom sa van kaya naman ay agad akong sumunod. Naupo ako sa tabi ni Vivian habang si Mom ay nasa passenger seat, si Dad naman ang magmamaneho. Ayaw kase ni Dad na may ibang nagmamaneho kapag kami ang kasama niya kaya naman ay day-off ngayon ng mga drivers namin.
Paniguradong mahaba pa ang byahe kaya naman ay napagdesisyunan kong makinig na lang muna ng music.
Here's to all the late-night drunk phone calls that you picked up
Here's to all the bad decisions that you didn't judge
All the 'love you's and the 'hate you's and the secrets that you told me
Here's to everyone but mostly us
There's a couple billion people in the world
And a million other places we could be, but you're here with me
Take a moment just to take it in
'Cause every high and every low led to this
I'm just so glad you existAng ganda talaga ng kantang 'to. Imagine someone's dedicating this song to you, lalo na kapag kinanta ito ng taong mahal mo.
Hey, look what a hello from a stranger turned into
Caught up in a moment like it's just us in this room
All the right words at the right time and you know 'em 'cause you know me
Better than anyone else, we don't need anyone else
There's a couple billion people in the world (oh, yeah, yeah, yeah)
And a million other places we could be, but you're here with me
Take a moment just to take it in (oh, yeah, yeah, yeah)
'Cause every high and every low led to this
I'm just so glad you existDon't you ever go, don't you ever go, don't you ever go changin'
Never let me go, never let me go, never let me go, baby
Don't you ever go, don't you ever go, don't you ever go changin'
Never let me go, never ever let me go, never let me go, babyAng cute siguro kapag si Jonh Viel ang kumanta neto. Oh my God! Bakit ba siya naiisip ko? May gusto ba ako sa kanya? Erase erase. Okay, crush ko siya pero achk, hindi pwede. Dati siyang manliligaw ng kapatid ko.There are a couple of billion people in the world (the world)
And a million other places we could be, but you're here with me
Take a moment just to take it in (just to take it in)
'Cause every high and every low led to this
I'm just so glad you existI'm glad you exist
(Ooh) oohHindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakahilig kay Vivian.