"May kapatid ka sa labas."
Yan ang linyang tumatak sa akin noong ika-labing anim kong kaarawan. At first, I couldn't believe it. I saw how Dad loves Mom. How he loves us. Ni hindi ko naisip that Dad would cheat on Mon and worst, magkaroon ng anak sa ibang babae.
Pero wala e. Nangyari na ang nangyari.
Nagkasala pa din si Dadi. Isang pagkakamali lang daw ang nangyari. Nabuntis ni Dad ang isa sa business partner ng restaurant namin.
He was drunk when it happened. Hindi ako nagalit sa kanya. Napatawad din naman agad siya ni Mom kaya sino ba naman ako para hindi magpatawad diba? Kahit ano naman ang mangyari, he is still my father. He is still a good father to me.
Si Vivian, siya ang kinalabasan ng pagkakamaling yun. Pero kahit kailan, hindi ko siya ituturing pagkakamali. Hinding-hindi ko ipaparamdam iyon sa kanya.
Nawaglit lahat ng iniisip ko ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Nakatulog kase ako pagkatapos naming sunduin si Vivian sa NAIA.
"Do you need anything? Unan o kumot?"tarantang tanong ko nang makita ko na si Vivian pala ang kumakatok. Baka kase may kailangan siya. Panigurado namang naninibago pa siya dito sa Pilipinas.
"Do you have an extra wardrobe?"maarteng tanong niya sakin habang nakacross-arms.
Agad akong tumakbo sa walk-in-closet ko at hinanap ang extra wardrobe ko. Kulay pink ito at may nakasulat na letter L sa bandang dibdib bilang tanda na pag-aari ko ito.
"Here."nakangiti kong sabi sabay abot sa kanya.
"Thanks."sabi niya sabay roll eyes at tumalikod na pabalik sa kwarto niya.
Napakataray ng sister ko.
Magkatabi lang ang kwarto namin. Kaya pala nagpagawa pa ng isang kwarto si Dad dahil para sa kanya iyon. Akala ko nga guest room lang iyon e. But it's a good thing na magkatabi lang kami ng room. It means, we have a higher chance of getting closer.
***
Kinaumagahan excited akong bumangon. First day ngayon ni Vivian dito sa Pilipinas. For sure, she does not have jetlag anymore. Hindi ko alam pero parang gusto ko na sa kanya lang umikot ang mundo ko. Ipapasyal ko siya ngayon. Magbobonding kami.
Nakakaexcite.
Agad akong naghilamos at muntikan pa akong mahulog sa hagdan sa kakamadali ko. Tumakbo agad ako papuntang kusina kaya lang wala akong naabutan doon kundi si Manang Silva.
"Manang, asan po sila Dad at Mom?"tanong ko kay Manang na nagliligpit ng mga pinagkainan.
"Naku Ma'am Lara, maaga pong umalis sina Sir at Ma'am. Yung Dad nyo daw po ay may aasikasuhin sa restaurant nyo at yung Mom nyo daw po ay maagang pinatawag sa hospital,"mahabang saad ni Manang.
Minsan talaga ay hindi ko na naaabutan sila Mom at Dad. Si Dad kase ang nagmamanage ng mga restaurants namin. Si Mom naman ay isang doctor sa isang pribadong hospital.
"Si Vivian po ba bumaba na?"tanong ko ulit kay Manang na ngayon ay naglalagay na ng panibagong plato sa lamesa.
"Ma'am hindi pa po,"saad ulit ni Manang.
Hindi yata morning person ang kapatid ko. Sabagay maaga pa naman e. Alas-sais pa lang ng umaga. Aantayin ko nalang siya para may kasabay siya sa almusal.
Napagdesisyunan kong manood muna ng TV sa sala.
***
Isang oras na akong nanonood ng TV dito pero wala pang Vivian na bumababa. Akyatin ko na nga siya.
"Vivian?" I called her name while knocking on her door.
No respond.
"Vivian?" I called her again hoping she will respond this time. At hindi ako nabigo.
"What?"she asked habang ulo niya lang ang nakalabas. Halata ding puyat na puyat pa siya. Ang cute niya talaga kahit ang taray.
"Breakfast na tayo. And after, we'll go to mall. I'll roam you around,"I said to her with a wide small.
"Okay. Wait for me downstairs," she looks excited.
Pagkababa ko agad kong sinabihan si Manang Silva na maghanda ng almusalan namin ni Vivian dahil aalis kami pagkatapos.
I want us to get along.
***
Ang tagal naman ni Vivian sa fitting room. Andito na kase kami ngayon sa mall. At halos isang oras na akong naghihintay sa labas ng fitting room. What took her so long?
"Vivian, are you done?"tanong ko sa kanya habang nakatayo sa pinto ng fitting room.
"Not yet. Are you in hurry? You can go home na!",sagot niya sakin mula sa fitting room.
"No, I'll wait for you here. We'll go home together", I answered her again.
"Yeah, whatever!" she responds again.
Napakasungit.
***
Another hour has passed and finally, lumabas na siya sa fitting room. Gutom na ako kakahintay sa kanya but it's okay.
"Let's eat first before we go home?"tanong ko sa kanya while walking to the counter para magbayad.
"Yeah. I'm hungry na din e." she answered while giving her ATM card sa cashier.
"Where do you want to eat?" hindi ko kase alam kung ano ang mga gusto niya.
"I miss McDonald's. Can we eat there?" she excitedly answered me like a child craving for her lollipop.
"Oo naman. But can I ask first?"nilingon niya ako and she frown her eyebrows. Binalik din niya agad ang atensyon niya sa cashier.
"What is it?"sagot niya habang busy sa pagkuha ng mga binili niya.
"Do you know how to speak Tagalog? Nag-eenglish ka kase lagi e. I was just wondering," sunod sunod kong sabi sa kanya.
"I know naman but I'm not comfortable speaking in Tagalog. But no worries, I can perfectly understand Tagalog", she explained.
"Mabuti naman. Hindi ka basta-basta maloloko dito. Though, hindi ko naman hahayaan na masaktan ka ng ibang tao",nakangiting ko sabi sa kanya habang siya ay nagpaikot ng singkit niyang mata.
"Drama",tipid na sagot niya. Hay naku! Napakataray niya talaga. "Let's just go to McDonalds. I'm craving for fries and McFloat", dagdag niya pa habang naglalakad kami palabas ng mall.
***
"Favorite mo ang fries and McFloat?"usisa ko sa kanya habang sinasawsaw ko ang fries ko sa McFloat.
"Yes. How about you?"balik na tanong niya sakin. "And why are you making sawsaw the fries sa McFloat? It looks weird and kadiri!"nakangiwi pang sabi niya.
So conyo.
"It's not weird and kadiri. It's my favorite. I love dipping the fries in McFloat. Masarap siya, try mo!"I cheerfully said to her while showing my wide smile to convince her.
I hand her one fries that was dipped in McFloat and she get it from my hand. Dahan-dahan niyang sinubo ang fries. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ba o ano kase wala naman siyang reaksyon. She is on her usual look. Mataray look.
"So, what can you say?" waiting for her reaction.
"It's masarap like you said. Gosh! Favorite ko na din siya." conyong sagot niya sakin.
She looks so cute. At least, we have something in common. She is mataray and maarte but I guess that's okay as long as wala siyang tinatapakang ibang tao.
"So, do you have a boyfriend or crush, something like that?" pagbubukas ko ng panibagong topic.
"None. I don't need a man. I can perfectly handle myself." mataray na naman na sagot niya.
"That's a good point," sang-ayon ko sa sinabi niya.
"How about you/ Do you have any?" tanong niya pabalik.
"None but I want to experience it. Alam mo ba sabi ni Mom and Dad, pagmamahal daw ang pinakamahalagang bagay dito sa mundo. At saka, parang ang sarap mainlove," nakangiti kong saad sa kanya.
"I doubt that. I'd rather fall asleep than fall in love," sagot niya pabalik.
Hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain, gayundin naman siya. We really do perceive things differently. Maybe because iba ang kinalakihan ko sa kinalakihan niya.
I want to know her more.