Pagkauwi namin galing sa mall ay nakita namin sila Mom sa dining room at kumakain palang ng lunch. Tumayo agad siya sa kinauupuan niya at sinalubong kami ni Vivian habang si Dad ay tuloy-tuloy sa pagkain but he smiled to us.
"You two, where have you been?" usisang tanong ni Mom ng makitang kakarating lang namin.
"Dinala ko siya sa mall, Mom.You know, roam round and look, ang dami niyang pinamili", showing her the paper bags na hawak ni Vivian.
"Nice. Did you enjoy Vivian?", usisang tanong ulit ni Mom kay Vivian habang naglalakad papuntang dining room.
"Yes tita. And Lara takes good care of me", she answered with a smile.
Good mood ata ang kapatid ko. Mabuti naman at napasaya ko siya. Sana magtuloy-tuloy na.
"Come here! Kumain na kayo dito", pagyaya ni Dad sa amin.
"We eat na, Dad", si Vivian ang sumagot para sa amin.
"How about some dessert?" singit na tanong ni Mami.
Nagkatinginan kami ni Vivian. Parang naiisip niya din ata ang naiisip ko.
"MANGO GRAHAM!", we both screamed when we saw Manang Silva holding Grahams.
"Ang cute nila, Dad", nagpout pa si Mami habang pinagmamasdan kami ni Vivian na kumakain ng graham.
Para kaming bata na patuloy nilantakan ang mango graham. Yummy!
"Masaya ako at nagkakasundo na kayong dalawa", biglang saad ni Dadi habang nakatitig sa amin ni Vivian.
"You're so madrama, Dad",sagot ni Vivian sabay roll eyes.
"You are so conyo." it's like Dad mocking the way she talks.
Tawa lang kami ng tawa ni Mom habang si Vivian ay pikon na pikon dahil sa pang-aasar ni Dad sa kaconyohan niya. Ganun ang nangyari hanggang matapos ang pananghalian namin.
***
Heto kami ngayon ni Vivian sa living room. Magmomovie-marathon daw kami. Pero wala naman kaming mapili kung ano ang magandang panoorin.
"How about that Barcelona: A Love Untold?",biglang tanong niya.
Oo nga naman. Maganda din kaya yun. Ang galing nila Kath and Daniel sa movie na yun.
"Maganda yun. Pano mo nakilala ang KathNiel? I mean not personally but as an actors." I was just wondering. Bihira lang kase sa ibang bansa ang makakilala ng Filipino actors and knowing she was raised in Canada.
"They are so famous kaya. And I followed them on i********:", kaya pala.
"Yun nalang panoorin natin?" tanong ko ulit sa kanya.
"Yeah sure." nakangiting sabi niya.
I browse it on IWant kase meron din naman doon and we connect it to the TV para mas malaki ang screen.
Nagluto din ako ng fries and popcorn para sa aming dalawa. If you are wondering kung asan sila Mom at Dad, tulog na silang dalawa sa taas. Ganoon daw talaga kapag may edad na, madaling antukin.
***
Ang galing talagang magpaiyak ni Kathryn. What I love about her the most is the fact that her acting is so natural and able to deliver her lines with the needed emotion like sadness, anger, empathy, and many more. She's really good. Ganoon din si Daniel. I really love them both. Magang-maga ang dalawang mata namin ni Vivian. Kung makikita kami ngayon ni Dad ay tiyak na pagtatawanan niya kami. Nakakatawa naman kase itsura namin.
Si Vivian panay ang singhot. May uhog pa dahil sa kakaiyak. Para kaming tangang dalawa dito. Habang ako naman panay punas ng luha ko.
"Why are you crying? You look like a mess. Hahaha", tanong ni Vivian habang tumatawa.
"Ikaw din naman umiyak ka e. Mukha ka ding bruha. Hahaha", balik na sabi ko sa kanya.
Para kaming tanga.
"But kidding aside, what lines from movie ang nagpaiyak sayo?" seryosong tanong ko sa kanya.
"That 'wag mo kong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo 'ko dahil mahal mo 'ko because that is what I deserve' line of Mia. She is so strong though she is dependent to Ely. Unlike me, I am strong and independent. How about you?", she answered carefully.
"Same line. But I am like Mia. Weak ako pagdating sa pagmamahal. I'd probably die for love", sabi ko sa kanya.
Totoo naman kase. Feeling ko mahina ako pagdating sa mga taong mahal ko. Hindi pa naman ako naiinlove pero alam ko na sa sarili ko na mahina ako pagdating sa pagmamahal.
"Nagkaboyfriend ka na ba?"tanong ko ulit sa kanya habang nagliligpit ng mga pinagkainan namin ng fries at popcorn.
"Not yet. But I have flings. And in addition, I don't believe in love." she answered me while turning off the television.
Hindi na ako sumagot. Naantok na din kase ako e. Sabay na kaming umakyat sa taas at nagpunta sa kanya-kanyang kwarto namin. Today was great, nakabonding ko siya.
***
Ilang araw na din ang nakalipas mula nang dumating dito si Vivian and I can say, nagiging komportable na siya dito sa bahay. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos na ng gamit.
"Lara and Vivian!"nagulantang ako sa biglaang pagsigaw ni Mom mula sa baba.
Agad akong tumakbo at pagkalabas ko ganoon din si Vivian. Sabay kaming tumakbo papunta kay Mami. Baka kase ano nang nangyari kay Mami. Clumsy pa naman siya. Muntikan pa ako matapilok sa hagdan buti nalang nakakapit ako.
"Anong nangyari?"agad kong tanong sa kanya. Habang si Vivian ay hinahabol pa ang hininga niya.
"Wala namang nangyari. I called you two because I bought a Chanel bag for the both of you", she smiled widely. Akala ko naman kung anong nangyari. Si Mom talaga minsan over acting.
"Really tita?"nabuhayan bigla si Vivian sa narinig. Well, she is materialistic and fashionista that's why.
"Of course Vivian. Parang anak na din kita. The white one is for Lara and the black is yours.", Mom is so nice.
"Thank you tita. For accepting me and for being nice to me", she gives Mom a genuine smile. She's so cute.
"You're welcome", she smiled back. "Go and get it. Malapit na pasukan niyo. Always remember that I love you both" sabi ni Mami while reaching for my cheek and kissed it. Ganun din ang ginawa niya kay Vivian.
Vivian's smile is so wide. I am happy that she is happy. Kinuha na namin ang Chanel bag at sabay na umakyat sa taas.
We are going to fix our school stuffs dahil ilang araw nalang ay pasukan na ulit. I'm excited to have Vivian as my classmate. I wanna know her more.