It's been a month.
I have been here in the Philippines for a month now. At first, I don't really like it here. I don't like Lara and her mom. But as days passed by, Lara was trying her best for us to get along. Same as Tita Loreen, Lara's mom who's treating me like her very own daughter.
And honestly, it feels good.
Unlike my mom na ayaw sakin. Mula pagkasilang ko, itinurin niya na akong malaking pagkakamali. It's not my fault that she got pregnant.
I was raised and grown up in Canada. Mom went there when she was pregnant. Buong buhay ko puro yaya ang kasama ko sa bahay while my very own mom was so busy with her business all over the world. She got tired of me that's why she gave me to Dad.
I got my consciousness back from thinking too much when Lara called my name.
"What?"mataray kong tanong sa kanya.
"Let's go? Baka malate pa tayo sa school",and as usual, nakangiti na naman siya kahit tinatarayan ko na siya.
She is so kind.
"Yeah, we should," I said while getting my Chanel bag.
Today is our first day as Grade 12 students. I'm not excited though. School is suck. Di naman ako katulad ni Lara na super serious sa studies niya. I'd rather spend my time shopping.
***
Pagkababa namin sa kotse ay agad kong inikot ang tingin sa school. It has a big golden gate and there are 3 guards. Saavedra University. A parking lot on the left side where I stand on and a covenience store at the right.
It looks nice.
There are few who greeted Lara when we enter the campus. She is famous just like me when I was in Canada. Well, she is an achiever and SSG president that's why kilala siya ng lahat.
"So what can you say?"biglang tanong niya while we are walking papunta sa classroom namin.
"About what?" I frown as I asked her back.
"About dito sa school!" she answered cheerfully. Yun lang pala e.
"It's fine. Maganda naman," simpleng sagot ko sa kanya. Thank God at parang nasatisfy na din naman siya sa sagot ko kaya she just nod her head and continue to walk. I just followed her.
***
Finally lunch break na. Puro lang naman introduced yourself. Wondering kung bakit Tagalog ako ng Tagalog? Duh. Nasa pilipinas ako that's why. I can speak Tagalog but I don't want to.
We are on our way papuntang cafeteria when someone accidentally bumped into me.
"Hey! Watch where you going! Stupid!" I loudly said. Totoo naman kase. She is stupid, hindi tumitingin sa dinadaanan niya.
"Sorry po." she apologized while picking her food sa floor. Now she looks more stupid on her position.
"Super duper stupid." I muttered as I crossed my arms and rolling my eyes.
"Tama na yan Vivian. Hindi naman niya sinasadya."Lara butted in and again, I just roll my eyes.
"Salamat Lara. Una na ako."sabi ni stupid girl and tumakbo na siya dala ang food niya. Nakakainis.
"Ako na bibili ng pagkain natin. Maghanap ka nalang ng mauupuan natin and please watch your mouth and actions," mahabang lintana niya sakin ng tuluyang makapasok na kami sa cafeteria.
"Yeah right. Whatever!"sagot ko sa kanya.
She is so kind and I hate it.
Nang makaalis na siya ay iniikot ko ang mata ko sa paligid para tingnan kung may bakante pang upuan. And tada! May nakita akong bakante bandang kaliwang dulo ng cafeteria.
Agad kong pinuntahan and I sat down. I looked around. Malaki ang cafeteria, maraming lamesa at upuan. Pinagmasdan ko din ang ibang estudyante at mukhang mayayaman naman sila.
May ibang nagtatawanan kasama ang barkada nila, ang iba naman ay seryoso sa pagkain, at ang iba ay nagbabasa ng libro. Nerd.
Nakita kong papalapit na si Lara so I focused my attention to her. I examined her face. She has this pointed nose, seductive lips, and expressive eyes that make her look like an innocent child. She is also pretty but I am gorgeous. Duh. Alangan naman magpatalo ako. Hindi ako magpapatalo.
"Look what I have!" masiglang bungad niya sakin and I saw her holding fries.
"My favorite!"I excitedly get the fries in her hand.
"Our favorite", she corrected what I said. Whatever! Basta ako, gutom na.
Naupo na din siya at sinimulan na naming kumain. She ordered chicken and liempo with pineapple juice. Mukhang masisira diet ko dito. Masasarap ang pagkain.
We're eating happily when I heard some gossips from the girls. Sa likod lang namin ang lamesa nila that's why I heard it clearly.
"Si Lara ba yun? She looks great."
"Sino kasama niya?"
"Kapatid niya 'yan sa labas."
"Sobrang bait talaga niyang si Lara to treat her step-sister nicely. Kung ako 'yan. Magwawala ako sa galit knowing na may anak sa labas ang Daddy ko."
I suddenly feel a pang of pain on my chest. Parang may nakabara. Hindi ko agad nalunok ang liempo na kinakain ko dahil sa mga naririnig ko.
"Don't mind them", Lara told me while holding my hand and smiling widely.
Ang bait niya talaga. She can say that kase hindi naman siya ang nasa posisyon ko. Hindi siya ang anak sa labas. Hindi siya isang pagkakamali. Nabuo siya dahil sa pagmamahal.
I couldn't stop my emotions. I am now hating her again. Siya palagi ang bida. I hate her.
I hate her so much.