2

1752 Words
Noong naghiwalay ang mga magulang ko. Matagal ko nang ipinangako sa sarili ko na hindi na ako magkakaroon ng boyfriend. Or anyone that will be dear to me. Sapat na sa akin ang kapatid ko at silang dalawa. Pati na rin si Mommy. Maraming dahilan, una na roon ay ang wala namang kasiguraduhan sa lahat. Gano'n talaga. Kahit na ipinangako niyo sa isa't isa na walang magbabago. Darating at darating din ang araw na may magbabago. Mawawala ang feelings niyo sa isa't isa. Pangalawa na roon ay ang hindi marunong makuntento ang mga tao. Kasi kung gano'n, edi sana hindi naghanap ng bago si Mama. Edi sana buo pa rin kami. Edi sana hindi ako iniiyakan ng kaibigan ko ngayon. “Hey! Kanina ka pa tulala! Are you even listening?” Napapitlag ako noong biglang hinampas ni Sharon ang braso ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko. “What?” Iniikot ni Sharon ang mga mata niya. “I knew it! Hindi ka nakikinig sa akin. Kanina pa ako nagsasalita rito.” Dinampot niya ang milktea na binili namin sa cafeteria kanina. It was our free time. Katatapos lang ng morning classes namin at narito kami ngayon sa paborito naming tambayan. Sa school ground kung saan tanaw namin ang mga estyudanteng naglalaro ng mga sports. Imagine? First day of school tapos pagod ka agad dahil sa PE. Kawawang first years. We are sitting on a bench Napangiwi ako at nahihiyang tiningnan siya. “I-I’m sorry. I was just thinking about something.” “Ano na naman ‘yan?” Natigilan ako. Muli kong na alala ang lalakeng nakabungguan ko kanina. I don’t know why but he already caught my attention. Inisip ko na baka student din siya rito. Kaso kanina ko pa sinusubukang hanapin siya ay hindi ko naman makita. Hindi ko manlang nakuha ang pangalan niya, sayang. Umiling ako at ngumiti kay Sharon. “Nothing.” “Nothing? I don’t really think it’s nothing.” “Ano ka ba? Magkwento ka na lang ulit. Tsaka, wala ka bang balita kila Samuel? Bakit wala sila?” Sharon is one of my friends here. Pare-parehas kami ng course at mula pa noong first year namin ay magkakasama na kami. Noong pumunta ako sa first subject namin, si Sharon lang ang nakita ko. “Did you forget? Si Rica at James, hindi pa nakakabalik from Italy. Si Samuel naman, I don’t know.” Umarko ang kilay ko. Si Samuel kasi ay boyfriend ni Sharon. Agad ding nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya noong mabanggit ko ang pangalan ni Samuel. Sa kanilang apat, si Sharon ang pinaka close ko. “Is there something going on na hindi ko alam?” Hindi sumagot si Sharon. Nakanguso lang siyang tumingin sa grounds habang sumisipsip sa straw. Napalabi na ako. Alam ko na. “Nag-away kayo?” Doon ay bumuntonghininga si Sharon at biglang nanubig ang mga mata. Napailing na lamang ako at lumipat sa tabi niya. “Tell me.” Biglang umiyak si Sharon at yumakap sa akin. “Bestfriend! I hate him!” Hinagod ko ang likod niya at marahang tinapik ang balikat. “Why?” “N-Nahuli ko siya…” Suminghot-singhot si Sharon. “I-I opened his account and I saw him chatting with a b***h!” sumbong niya. “And they have been talking since Christmas!” “Ha? What’s wrong with talking?” Humiwalay sa akin si Sharon at tiningnan ako nang masama. “They are not just talking. They are sexting!” Biglang nag-loading ang isipan ko. “Sexting? You mean… they are doing s*x while–” “No! Nagsi-s*x sila sa chat!” Napangiwi ako. “Gross!” “I know, right? But–” Muling umiyak si Sharon. “They are not just doing it on chat. They are meeting each other already.” Napanganga na lamang ako dahil sa sinabi ni Sharon. Gosh! Ang hirap na talaga ngayong magtiwala! I hugged Sharon and tried to calm her down. Ipinapangako ko sa talaga sa sarili ko na hindi ako magkakaroon ng boyfriend. Ito ang ayaw ko. Heartaches. Being cheated. Masyado nang marami ang nangyari sa buhay ko para dagdagan ko pa. Kung meron mang mananakit sa sarili ko ay ako lang dapat. Noong kumalma na si Sharon ay pumunta na kami sa next class namin. Wala pa rin ang mga kaibigan namin, syempre. At kaunti pa lang ang mga kaklase kong pumasok din. Pumwesto kami sa unahan ni Sharon at tahimik na naghintay sa teacher namin. Na hindi nagtagal ay dumating na rin sa loob. “Be seated please,” pakiusap ni Ma’am. I can’t stop looking at Ma’am Dianna. She is our teacher for our English major. Hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya dahil ang bata pa tingnan ni Ma’am unlike sa iba naming mga teacher. Feeling ko ay hindi nga nalalayo ang edad niya sa amin. “Everyone here?” tanong ni Ma’am. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. “Okay. I am Miss Dianna Bartolome. I will be your teacher of English 3 technical writing. Let’s hope we will get along.” Ngumiti siya nang malapad. “Now, I will check your attendance. You know the drill.” Naupo na si Ma’am at mayroong binuklat na folder. Isa-isa na niya kaming tinawag at sumagot naman kami sa kaniya. Like the other subjects, hiningan kami ng index card ni Ma’am at pinaghahanda ng ID picture na ikakabit doon. Small introduction and then the class is dismissed. “Hey, Jamaica. Let’s go to the mall. Maaga pa naman,” yaya sa akin ni Sharon. Napaisip ako nang kaunti. “Okay. I’ll text my mom na uuwi na lang ako mag-isa.” “Yehey! Thank you!” Natawa ako nang kaunti. Lumabas na kami ng room at naglakad palabas ng building. Nakita ko pa si Ma’am Dianna na naglalakad sa unahan namin. Ma’am Dianna is tall. Pwede siyang panglaban sa mga rumarampang models. Maganda rin ang hubog ng katawan niya and I love her long hair. She also has a fair skin na nakakadagdag ng dating niya. I could see some guys looking at her with amusement. “Ang ganda niya, ‘no? Mabait daw ‘yan si Ma’am.” Napatingin ako kay Sharon. “You know her?” Umiling siya. “No. Nakikita ko lang dati sa faculty. Siya ang paborito ng mga nauna sa atin. Kasi bukod sa maganda na raw ay mabait na. Hindi raw nambabagsak.” Napatango-tango. Kaya pala paborito siya. Sa college, bibihira ang mga teacher na hindi mahilig mangbagsak ng estyudante. Napatigil kami sa paglalakad noong biglang may bumunggo kay Ma’am na estyudante. Nahulog ang mga dala nitong folder at notebook. Muntik pang matumba si Ma’am kung hindi lang siya napakapit sa dingding. Dali-dali akong lumapit kay Ma’am at tinulungan siya. “Ma’am! Are you okay?” Tiningnan ako ni Ma’am. “Yes. Thank you.” Tiningnan niya ang nakabungguan na estyudante. “Lopez? Why are you running?” Napatungo naman ito at agad na kinuha ang mga nahulog na gamit ni Ma’am, Dianne. “Sorry, ma’am. Mali-late na po kasi ako.” Napailing-iling si Ma’am Dianne. “Next time, look at your way. Tingnan mo naman nangyari.” “Sorry, ma’am! Sorry po!” “Sige na. Baka lalo ka pang ma-late.” “Thank you po!” Agad na itong umalis at tumayo naman nang maayo si Ma’am. Nakangiting tiningnan niya ako. “Thank you…” Tiningnan niya ako na para bang naghihintay siya ng sasabihin ko. “Ah. Jamaica po. Nasa klase mo po ako kanina.” “Okay. Thank you, Jamaica. I’m okay.” “Mabuti naman po, ma’am.” Binitawan ko na si Ma’am at hinayaan na siyang maglakad ulit. Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. “Halika na!” yaya sa akin ni Sharon. Tumango ako sa kaniya at naglakad na kami palabas ng building. Kaso malapit na kami sa gate noong bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag. “Clarisse. Napatawag ka?” “Ate. Where are you?” Napakunot ang noo ko noong marinig ko na para bang hirap magsalita si Clarisse. “Palabas na.” “Sama ako. Ang sakit ng ngipin ko.” “Ha? Eh hindi pa ako uuwi. I’m with Sharon. Magpasundo ka na lang kila daddy.” “Saan ba kayo pupunta?” “Sa mall.” “‘Di ba may mga dentist doon? Let me go with you! Masakit na talaga ate. Hindi ko na kayang magtiis!” Suminghot-singhot si Clarisse. Napailing na lang ako at tumingin kay Sharon na salubong ang kilay na nakatingin sa akin. “Clarisse wants to come. Samahan natin sa dentist.” Ngumuso si Sharon. “Okay.” “Fine. Hihintayin ka namin dito sa may gate. Bilisan mo.” “Okay.” Pinatay ko na ang tawag at lumabas na kami ni Sharon ng school. Doon ay hinintay namin sa may labas si Clarisse sa may labas. Hindi rin naman nagtagal at dumating ito kaya pumara na kami ng taxi. Pagdating sa mall ay naghanap muna kami ng clinic para ihatid si Clarisse. And she is right. Meron nga sa third floor. “Ipapabunot mo?” tanong ko kay Clarisse. “Siguro. Ang sakit kasi.” “And you are not telling dad or mom?” “Masakit na kasi ate.” Hinayaan ko na lang si Clarisse. Iniwanan ko muna si Sharon sa labas ng clinic at sinamahan sa loob si Clarisse. Sinalubong kami agad ng isang babae sa lamesa na naroon. Walang ibang tao sa loob maliban sa kaniya at sa amin. “Good afternoon, ma’am. Do you have an appointment?” Ako ang lumapit sa babae. “Nothing. Masakit po ang ngipin ng kapatid ko. Ipapa-check po sana namin kung ano ang gagawin.” “Sure.” May kinuha itong papel at inilapad sa lamesa. “Please fill this up. Kakausapin ko lang si Doc.” “Thank you po.” Tiningan ko si Clarisse na nakahawak sa pisngi niya at namumula na ang ilong. “Kaya mo ba?” Umiling siya kaya ako na ang nag-fill up sa papel niya. “Andy. I’ll go– Oh. We have a client. Sorry.” Napatingin ako sa gilid noong marinig ko ang boses ng isang lalake. Natigilan na lamang ako noong makilala ko kung sino siya. Siya ‘yong nakabunggo ko kanina sa school!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD