3

1428 Words
Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal na tinitigan ko si Alfred ay lalong bumibilis ang pagtibok ng puso. Yes, his name is Alfred Salazar. Isa siyang dentista at may maliit na private dental clinic dito sa mall. I couldn't believe I met him here. Hindi mawala-wala ang mga ngiti ko habang pinapanood siya na gamutin ang kapatid ko. Alam kong mali. I promise myself that I won't end up like my parents. Pero hindi naman siguro masama kung magkakaroon ako ng paghanga sa iba paminsan-minsan? Mula noong malaman ko ang pangalan at trabaho niya ay palagi ko na siyang nakikita. Mostly unexpected. Minsan sa mall. Madalas sa school. I wonder kung estyudanye rin siya sa amin. Sinubukan kong alamin. But I couldn't find any leads about him. One time, nag-iikot-ikot ako sa mall. Ako lang mag-isa dahil may kulang lang sa ginagawa kong project. It was supposed to be a short trip, but I bumped into Alfred again. "I'm so sorry, Miss!" ani Alfred. Natigilan ako agad ang hindi makapaniwalang tiningnan siya. Alalang-alala siyang tiningnan ang katawan ko dahil may hawak siyang kape. Bukod sa nasagi niya ang balikat ko ay wala namang nangyari sa akin bukod sa sobrang bilis nang t***k ng puso ko. "Are you okay?" tanong niya at nangunot pa ang noo. Bakit ang gwapo ng taong ito? Pinikit-pikit ko ang mga mata. "H-Huh? Yes. It's okay." Pinilit kong ngumiti. "Wala 'yon." "Sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Did we meet somewhere? You look familiar." Agad na kumislot ang puso ko. Na alala niya ako! Kunyari ay nangunot ang noo ko at inalala siya. "Ahm. Ikaw ba 'yong dentist dito sa mall?" "Ahh! Isa ka siguro sa mga kliyente ko. Kaya pala." Tumango-tango si Alfred. "No. Iyong kapatid ko." "Gano'n ba? Well, it's okay. Sorry ulit ha?" "Wala 'yon." "Dito na ako." Gusto ko sana sabihin na h'wag muna, pero ayaw ko namang magmukhang desperada. Kaya tumango na lang ako at gumilid. "Sige." Naglakad na ulit si Alfred. Hindi pa muna ako umalis sa pwesto ko at pinanood siya. Hay... hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya. I promised myself na hindi ako magi-engage sa isang relasyon. Pero hindi naman siguro masama kasi crush ko lang naman siya. I decided to continue my walk and went to NBS. Pero hindi pa ako nakakalayo noong may magsalita sa likuran ko. "Hey, wait!" Lumingon ako agad at Nakita ko na si Alfred iyon. Nakangiti siya sa akin habang papalapit. "Yes?" "Ahm, alam ko medyo ano. Pero pwede ko ba malaman ang pangalan mo?" Nangunot ang noo ko. "A-Ako?" "Yes, if that's okay with you," patanong niyang sabi. Pero bigla siyang napangiwi. "Did I creep you out?" "Huh? No! Syempre hindi!" agad na sabi ko at bahagya pang natawa. "Nagulat lang ako. But yes, I'm Jamaica." Inilahad niya ang kamay niya. Sandali ko iyong tiningnan at saka inabot. "Alfred." Agad niyang binitawan ang kamay ko at kumaway na. "Nice meeting you, Jamaica!" Napangiti ako nang malapad at kumaway rin. "Nice meeting you too, Alfred!" Magmula noong aksidente ulit kaming magkita sa mall ay palagi na niya akong binabati kapag nagkakasalubong kami. Madalas ko pa rin siyang makita sa school. Minsan nag-uusap kami, pero madalas ay naghi-hello lang siya. Tinanong ko siya kung student din ba siya sa school, pero hindi naman daw. Habang tumatagal na palagi kong nakakausap si Alfred ay may kakaiba akong nararamdaman. I know, I promised not to fall for anyone. Pero heto ako, alam ko na may gusto na ako sa kaniya. At ang hirap pigilan dahil nararamdaman ko na parehas kami. "Jamaica!" Napatigil ako sa pagsubo noong may tumawag sa akin. Pagtingin ko sa gilid ko ay nataranta ako nang kaunti noong makita ko si Alfred na papalapit sa akin. Lunch time 'yon at kumakain ako mag-isa sa fast-food restaurant malapit sa school. Wala rin si Sharon para samahan ako. Naka-move on na kasi siya at may bagong boyfriend na ulit. "Uy! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin at naupo sa tapat ko. "Napadaan lang. I saw you, kaya pumasok ako para samahan ka. Nasaan ang mga kaibigan mo?" "Wala. May kaniya-kaniyang date." Madalas kasi niya akong makasalubong na kasama sila. "Gano'n ba? So, wala kang date?" ani Alfred. "I'll just get some food." Napakunot ang noo ko. Pero hindi na ako nakapagsalita no'ng tumayo siya ulit at nagpunta sa counter at um-order ng pagkain niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Ayaw kong mag-assume kasi pero ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Ilang sandal pa ay muli siyang bumalik na may dala ng tray ng pagkain. "Bakit ka bumili ng pagkain?" natatawang tanong ko. "I decided to be your date today." "Wow?" Lalo akong natawa. "Thank you, Mister my date!" biro ko. Tumawa na rin siya at nag-umpisang kumain. "Pwede." Hindi ko maiwasang mapangiti habang kumakain kami. Ito ang pinaka matagal na pag-uusap naming ni Alfred, at hindi ko maiwasang lalong kiligin sa kaniya. Kahit papaano ay masasabi kong marami akong nalaman sa kaniya. I learned that he owned the dental clinic at the mall. Regalo raw iyon sa kaniya ng parents niya noong gum-graduate siya sa college. Medyo malayo lang din ang edad niya sa akin. Mas matanda siya sa akin eight years. But who cares? Siguro mas matured naman silang karelasyon kaysa sa mga nagiging boyfriend ni Sharon. At sa tinagal-tagal na pag-uusap naming no'ng mga oras na iyon ay hindi manlang niya sinabi na may girlfriend siya. Siguro naman wala, 'no? Kasi bakit siya makikipag-date sa akin? Ang kaso... dapat pala talaga tinanong ko sa kaniya no'ng araw na iyon kung mayroon siyang girlfriend. We were currently in our English class, na ang nagtuturo ay si Ma'am Dianna. Normal na araw lang sana and mostly ng mga itinuro niya ay advance English na. Hindi ako makapag-focus may kakaiba akong nararamdaman. I don't know. Ang bilis ng t***k ng puso ko at feeling ko ay may mali. Parang may hindi tama. "Guys, party at my place later, call?" yaya ni James. Nakaakbay siya sa upuan ni Rica at nasa unahan namin sila ni Sharon. "Sure," sagot agad ni Sharon. "I'll bring my man later." Naiikot ko ang mga mata ko. Si Samuel, naroon sa unahan. May girlfriend na rin siya at medyo lumayo na sa amin. Pero pakiramdam ko ay may communication pa rin ang dalawa. "Ikaw, Jamaica?" tanong n ani Rica. "Si Jamaica pa ba? Syempre, sasama 'yan," ani James. Napangiti ako. "Oo na. Sabihin ko muna kila Daddy." "Gross! You're already an adult. Bakit humihingi ka pa rin ng permission sa kanila?" maarteng tanong ni Sharon. Parang hindi alam na palagi kong ginagawang humingi ng permiso kay Daddy. Mas liberated na kasi sa akin si Sharon. At bilang siya lang ang narito ngayon sa Pinas ay nagagawa niya lahat ng gusto niya. "I have too—" Lahat kami ay natahimik at napatingin sa pinto noong biglang may kumatok. Tumingin doon si Ma'am Dianna at agad na ngumiti. Bigla akong na curious kung sino ang dumating kaya hinintay ko na bumukas ang pinto at pumasok ang bisita. And to my surprise, it was Alfred. Pakiramdam ko bigla ay bumagal ang oras ko. Tiningnan ko si Ma'am Dianna habang naglalakad papalapit kay Alfred. He was smiling too, like he knew her well. "Ahw, ang cute naman tingnan nila Ma'am," nakangiting sabi ni Sharon. "Bakit?" "Boyfriend 'yan ni Ma'am. Balita ko ay high school pa lang sila ay mag-on na." Napahugot ako ng paghinga at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. I felt like I was betrayed, pero paano? Napailing ako at sumandig sa upuan. Bakit hindi niya sinabi sa akin na may girlfriend na pala siya? Unti-unti akong nag-init ang ulo ko. Gusto kong sumigaw at magwala, pero hindi ko mahanap ang dahilan para gawin ko 'yon. Like, duh? Wala namang kami. "Uy, saan ka pupunta?" tanong ulit ni Sharon noong tumayo ako. Hindi ko siya sinagot. Nakabusangot akong lumabas sa ikalawang pinto at naglakad palapit kay Ma'am. Nakatalikod sa akin si Ma'am Dianna at si Alfred naman ay nakaharap kaya agad niya akong nakita. Napansin ko pa ang gulat sa ekspresyon niya pero napalitan din iyon agad ng ngiti. Ano'ng ibig niyang sabihin? "Ma'am, excuse me po. Can I go to the toilet?" Lumingon sa akin si Ma'am. "Sure, Jamaica. Go ahead." "Thank you po." Nginitian ko si Ma'am. Pasimple kong tiningnan si Alfred at kitang-kita ko ang pagkailang sa kaniya. And I want him to feel my presence.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD