4

1436 Words
I can't believe it! May girlfriend na siya? All those kindness, and sweetness. Lahat pala 'yon ay wala lang?! "Urgh!" Mahina kong pinalo ang sink sa banyo. And of all people, teacher ko pa talaga? Bakit ba ako masyadong nagpadala sa kaniya? Bumuga ako ng hangin. Ilang sandali kong tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Muli kong na alala kung paano niya tingnan at ngitian si Ma'am Dianne. "I hate you, Alfred!" I took a deep breath. Pero bakit nga ba ako umaakto nang ganito? Wala namang sinabi sa akin si Alfred, 'di ba? Wala siyang pinangako or such. He was just... kind. Lalo akong nanluma. Umasa ako. Umasa ako na may connection kami dahil naramdaman ko iyon. We had the connection. I felt it! Walang sinong lalake ang magtatiyagang samahan ako palagi. Walang lalake na bumabati sa akin sa tuwing nakikita niya ako. Walang nagparamdam sa akin na espesyal ako. No one but him. "Get yourself together, Jamaica. Umasa ka sa isang tao na wala namang kasiguraduhan. Forget! Erase! Hindi ako dapat maapektuhan. So what kung may girlfriend siya?" Iniling-iling ko ang ulo ko saka lumabas ng banyo. Pero bigla akong natigilan noong makita kong may nakatayo sa gilid ng pinto. And to my surprise, it was Alfred. Agad siyang tumayo nang maayos at ngumiti sa akin. "Jamaica." Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking likuran at kinuyom iyon nang mahigpit. Gusto ko siyang sigawan. Sumbatan. I want to let out my tantrums. Pero sa anong dahilan? Anong karapatan ko para gawin iyon sa harapan niya? "Do I know you?" sabi ko na kunyari ay hindi ko siya kilala. Agad na nabura ang mga ngiti niya at nagtatakang tiningnan ako. "Jamaica. Ahm." "Excuse me po. I still have a class to attend—" "Jamaica, please. What did I do?" pabulong na tanong niya. Tumingin pa siya sa paligid na para bang sinisigurado na walang nakakarinig sa amin. Napailing na lang ako at maglalakad na sana pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. "What are you doing?!" gulat na tanong ko. "Let's talk. Ayaw ko nang ganito." Pilit kong inagaw ang kamay ko at umatras palayo sa kaniya. "Ano'ng ganito? Wala naman tayong dapat pag-usapan. Do I even know you?" "Come on, Jamaica. Don't be like this. Kung ano man 'yon, I'm sorry. Pag-usapan natin." Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Wala siyang kahit na anong bahid na pagsisisi. Na lalong ikinasasama ng loob ko at yamot ko dahil bakit nga ba ako umaasa nang gano'n sa kaniya? Eh wala naman 'kami' in the first place. Umasa lang ako. "Sir, hindi ba boyfriend ka ni Miss Dianne? Paano kung sabihin ko 'to sa kaniya? You are harrassing one of her students!" Napanganga si Alfred. "Harrassing? Jamaica naman! Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" "You touched me. We have CCTVs here." "Fine! Okay. Forget it." Itinaas pa niya ang mga kamay na para bang sumusuko na. Malungkot na tiningnan niya ako habang umiiling-iling. Pagkatapos ay unti-unti siyang humakbang papalayo sa akin at tumalikod. For a second ay nakaramdam ako guilt. Pakiramdam ko ay mali ang ginawa kong pagtaboy sa kaniya. Parang napasobra naman ako sa mga sinabi ko sa kaniya. But can he blame me? I was... hurt. 'Damn!' Tumalikod na rin ako at nagmartsa pabalik ng room namin. All my life I swear na hindi ako magkakagusto sa kahit na sino. Mapababae man o lalake. Ayaw ko na magkaroon ako ng unriquited feelings towards anyone. Because I know that I would end up hurt. Pero heto ako. Napaasa nang lalakeng hindi ko naman pala kilala nang lubusan. Akala ko ay iba siya sa mga lalakeng mga kilala ko. Iba siya sa mga na obserbahan ko sa buhay. And I hate myself because I end up to one of their traps. I couldn't look at Ma'am Dianne when I was in the room again. The whole time na nagdi-discuss siya ay sa board lang ako nakatingin. Kahit noong tinawag niya ako para sumagot ay saglit ko lang siyang tiningnan. Pakiramdam ko ay nagkamali ako kay Ma'am kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Siguro dahil na realize ko na may gusto pala ako sa boyfriend niya. Alam kaya ni Ma'am na nagkakausap kami ni Alfred? Sinabi ba ni Alfred kay Ma'am na sinamahan niya ako once sa Tagaytay para bumili ng gamit doon? Was he telling her about me? Parang hindi kasi walang nababanggit si Ma'am sa akin. Ngayon ko lang din na realize. Halos araw-araw na kung ihatid ako ni Alfred sa bahay. Lumalabas kami kapag weekends kapag na bo-bored siya. He even brought me to one of his friends house. Wala silang sinabi lahat. Napailing ako. Pakiramdam ko ay napaglaruan talaga ako. I tried my best to be civil with Ma'am Dianne. Kahit na hindi ko alam kung saan ba nanggagaling itong guilt na nararamdaman ko. Hindi ko na rin nakasama si Alfred mula noong malaman ko na girlfriend niya pala si Ma'am. Pero madalas ko pa rin siya makita na hinahatid si Ma'am at sinusundo. May isang beses pa na naghatid siya ng lunch kay Ma'am at saktong naroon din ako sa faculty room. "Wow! Ang sweet naman ng boyfriend ko!" kinikilig na sabi ni Ma'am Dianne. Agad itong humalik sa pisngi ni Alfred kaya napatingin ako sa papel na hawak ko. Inutusan kasi ako ni Ma'am na mag-check ng mga test papers. At kasama ko si Sunshine na ngayon ay broken hearted na. "Thank you, Pangga. Kaso kaunti lang 'yan. Hindi ko naman inakala na may mga kasama ka pala," ani Alfred. Halos maiikot ko ang mga mata ko. Bakit pakiramdam ko ay nagpaparinig pa siya? Nag-init din bigla ang pakiramdam ko na para bang mayroong nakatitig sa akin. "Naku, sir! We're okay. Magla-lunch na rin kami ni Jamaica," magiliw pa rin na sabi ni Sunshine. "You know what? I should by you a lunch. At least, pa-thank you ko kasi tinutulungan niyo ang teacher niyo." Tahimik pa rin ako at nagpatuloy sa pagchi-check. Gusto ko nang tumayo at umalis sa lugar na ito dahil sa inis na nararamdaman ko. Pero ayaw ko namang makahalata si Ma'am Dianne. Kasi base sa pagiging casual sa akin ni Alfred ngayon ay mukhang wala nga siyang alam tungkol sa akin. "Ohh, that's sweet! Dapat sumama ka sa kaniya, Jamaica! You know what food we like, right?" Namilog ang mga mata ko at biglang napatingin kay Sunshine. "Ako? Why me?" Tumingin ako kay Ma'am at Alfred. He was shock too pero agad din iyon napalitan ng ngiti. "She's right, Jamaica. Sumama ka na kay Alfred. Mabait naman 'to kaya tiwala ako sa kaniya. Para sabay-sabay na rin tayong kumain," mahinhin na sabi ni Ma'am Dianne. "P-Pero ma'am. Bakit hindi na lang po kayo?" "Ahm. I can't. May ginagawa rin akong report." "Sige na, Jamaica. Doon pa rin. Gusto ko fresh, ha?" pangungumbinsi ni Sunshine. Napabuga na lang ako ng hangin at tumayo na. Dala ang handbag ako ay naglakad na ako palabas ng kwarto pagkatapos kong magpaalam kay Ma'am. Pinilit kong maglakad nang mabilis para hindi kami magkasunod. Pero naramdaman ko na lang na may humila sa bag ko kaya napatigil ako at lumingon sa likuran ko. "Bakit parang nagmamadali ka?" tanong ni Alfred. Hinatak ko ang bag ko. "Hindi ah." "Ang sungit mo na ah. Galit ka pa rin ba?" "Hindi." Nakarating na kami sa parking lot at agad akong sumakay sa likuran ng kotse niya. Pero muling binuksan ni Alfred ang pinto at tinitigan ako. "Seriously? Diyan ka uupo?" "Why? Gusto ko dito." "Doon ka sa harap." "Ayaw ko. Bakit ba desisyon ka?" "Dali na." I grunted. Bumaba na lang ako ng kotse para wala nang gulo. Sandali pa akong natigilan noong aksidenteng magdantay ang mga braso namin. Nalanghap ko rin ang pamilyar na pabango niya. Napalunok ako. Ilang araw ko lang siyang hingi nakita pero pakiramdam ko ay na miss ko na siya agad. Sumakay na ako sa unahang parte ng kotse sa tabi ng driver's seat. Sumakay na rin agad si Alfred at binuhay ang makina. Pinagkrus ko lang ang mga braso ko at pilit na hindi siya tiningnan. Pero ang bilis-bilis na nang t***k ng puso ko dahil katabi ko lang siya. Napapalunok pa ako dahil mas lalo kong nasamyo ang pabango niya. He really smelt manly with it. Natigilan ako noong bigla na lamang siyang dumukwang sa akin. Nanlaki ang mga mata ko noong mapansin ko na halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Pakiramdam ko ay bigla akong na istatwa at napatitig lang sa mga mata niya. "W-What are you doing?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD