"What are you doing?" gulat na gulat na tanong ko. Halos mahigit ko na ang paghinga ko dahil kaunting galaw ko lang ay magkakadikit na ang mga mukha namin— bumaba ang mga tingin ko sa labi niya— ang mga labi namin. Napalunok ako at muling tiningnan siya sa mga mata. Tahimik lang din siya na para bang tinatantya kung ano ang gagawin niya. "A-Alfred?"
Marahang bumuga nang hangin si Alfred. I could feel the tension from my seat. Alam ko na nararamdaman niya rin kung ano ang nararamdaman ko ngayon. And I hate it that I'm kind of liking the feeling.
"I'm... Y-Your seatbelt," nahihirapang sabi niya.
Agad akong nagbaba ng ulo at tiningnan ang sarili ko. "Hindi mo naman sinabi." Kabadong tumawa ako. "K-Kaya ko na 'to." Kinuha ko ang seatbelt gamit ang isang kamay ko. Pero napatigil ako kasi hindi pa rin gumagalaw si Alfred. Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang may hinihintay siya. Nangunot na ang noo ko at nagtatakang tiningnan siya. "Bakit? May kailangan ka pa ba—"
"I miss you."
Muli akong natigilan. "Huh?"
Ngumiti si Alfred at naupo sa kaniyang upuan. "Let's buy your lunch."
Napakurap-kurap ako at hindi nakasagot. Sandali ko siyang tiningnan habang nagmamaneho. Seryoso na siyang nagda-drive na para bang wala ako sa tabi niya. Tumingin ako sa bintana at bahagya ko pang inusod patalikod sa kaniya ang katawan ko para hindi ko siya makita.
Ano 'yon? Malinaw kong narinig ang sinabi niya kanina. Masyado lang akong nagulat dahil hindi ko in-expect na sasabihin niyang miss niya ako. Sino ba? Gosh! Ano ang gusto niyang iparating sa sinabi niya? He missed me? Why? How? When? f**k!
Pinaglololoko niya ba ako? He was just with his girlfriend! Na teacher ko! Tapos sasabihin niya na miss niya ako? Hindi talaga ako makapaniwala na nahulog ako sa ganitong lalake. He was a total d**k! I can't believe this. Dapat ay pigilan ko ang feelings ko sa kaniya.
Bumili kami sa restaurant na palagi naming kinakainan ni Sunshine. We brought three orders since gusto raw ni Alfred na sumabay na lang din sa amin. Pagkatapos ay bumalik na rin kami kaagad sa school. I was silent the whole drive. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Na awkward-an na rin kasi ako sa kaniya. And I don't like signals he was giving to me. Wala pa akong balak maging side chick ng kung sino man. Hinding-hindi ako sisira ng isang relasyon kagaya ng ginawa ng mama ko.
"Bakit bigla kang tumigil?" nagtatakang tanong ko. Malapit na kami sa school pero biglang tumigil si Alfred sa gilid ng kalsada. Nakatitig lang siya sa manibela habang mahigpit ang hawak doon.
"I just want to know something, Jamaica. Why did you become so cold at me?"
Napaawang ang bibig ko dahil sa tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at huminga nang malalim. "H-Hindi naman ah?"
"Bigla mo na lang ako hindi kinausap. Sa tuwing magkakasalubong tayo, ni hindi mo ako tinitingnan. Now, can't you see yourself? Kulang na lang sabihin mo sa akin na ayaw mo sa akin! Why, Jamaica? Because I hate this feeling! Para akong timang na hindi alam ang mararamdaman o gagawin kapag nandiyan ka—"
"Seriously?" I cut him off. "Sinasabi mo talaga 'yan? You're asking me why?"
"Yes! I am! I want us to be clear to each other!"
I scoffed and shook my head. "You are unbelievable, Alfred. Hindi natin kailangang magpaliwanagan sa isa't isa. Kasi wala namang dapat ipaliwanag, right? Sino ka ba? Sino ba ako sa 'yo? We're just acquintances!"
I stared at him. Nakatitig lang din siya sa akin na para bang may nasabi akong hindi maganda. Tapos biglang nawala ang emosyon niya. His stares became cold and his mouth was a bit opened. Then... why am I seeing pain in his eyes? Agad akong nag-iwas ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. Tama ba ang nakita ko? He was hurt?
"After everything? 'Yon lang 'yon?"
Nangunot ang noo ko. "Anong 'yon lang 'yon? Pwede ba? Don't ask me questions na para bang iniwanan kita. Why do I have a feeling na kasalanan ko pa dahil umiwas ako sa 'yo? Hindi ba dapat matuwa ka?"
"Hindi, Jamaica! Hindi ako natutuwa dahil kung ano man ang mayroon tayo ay gusto ko 'yon. I want you—"
"As a friend?"
Natigilan si Alfred. Umawang ang bibig niya tapos inikom niya rin iyon. Nag-iwas siya ng tingin at sumandal sa upuan. Napailing na lamang ako at sumandig din.
"Did my teacher know that we knew each other?" I asked.
Matagal bago sumagot si Alfred. "No."
Napangisi ako. "See? And you're asking me why? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, Alfred? You didn't even tell me na may girlfriend ka na. Tapos hindi mo pa sinasabi sa girlfriend mo na may kinikita ka pala or kaibigang babae. What are you planning to do, ha? To make me your side chick?"
"Hindi sa gano'n Jamaica."
"Eh ano?!"
Huminga nang malalim si Alfred. Naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko kaya napapitlag ako at tumingin sa kaniya.
"I'm sorry."
"Don't be like that, please. Bakit ka nagso-sorry?" I grunted.
"I'm just sorry."
Napailing-iling ako. "You know what? Maglalakad na lang ako pabalik." Kinuha ko ang mga pinamili namin bumaba ng kotse.
"Jamaica! Halika na!" narinig kong tawag niya sa akin.
Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang gate. Hindi ko na rin naman siya narinig na magtawag kaya hindi ko na lang inintindi. Ang kapal ng mukha niya! Was he playing with my feelings? Kung umakto siya para siyang boyfriend na hindi pinansin. I hate that he was giving me mixed signals. Hindi ba talaga niya na re-realized kung bakit ako ganito? Kung bakit ko siya iniiwasan?
"Akin na 'yan."
Napatigil ako sa paglalakad noong biglang may humila ng dala kong paper bag. Pagtingin ko ay si Alfred iyon at na uuna nang maglakad sa akin. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko ang kotse niya na nakaparada na sa parking lot.
"Halika na at lalamig na 'tong pagkain natin."
Muli akong napatingin sa kaniya. Naguguluhan pa rin ako pero sumunod ako sa kaniya. Hanggang sa makarating kami ulit sa faculty at kumain na ay hindi na ako nagsalita. Gano'n din naman si Alfred. Halos hindi na nga niya ako tingnan dahil busy siya sa pakikipag-usap kay Ma'am at Sunshine. Kanina lang ay pinipilit niya akong mag-usap kami. Tapos ngayon ay parang naging ibang tao na siya. Did he finally realized what I meant? Pero bakit parang ako naman ang nasasaktan ngayon? Pero siguro ay maigi na 'yon. Meeting him in the first place was not right. I shouldn't expected more.
Gabi na noong nakauwi ako dahil nagyaya pa si Sunshine na pumunta kami sa unit niya. Sinamahan ko na siyang magluksa dahil sa break-up niya. Halos wala rin namang pinagkaiba sa nararamdaman ko ngayon.
"No! I can't live with you anymore!"
Napatingin ako sa loob ng bahay namin noong marinig ko ang sigaw ni Mommy. Nagmamadali akong pumasok ng gate dahil bigla akong kinabahan.
"Please, Mariel! Let's talk! Hindi ko sinasadya!"
"Anong hindi sinasadya? Hindi mo sinasadya na pinasok mo 'yang t**i mo sa nakabukang kipay ng babaeng 'yon?!"
Napanganga ako sa narinig kong sinabi ni Mommy. Agad kong binuksan ang pinto at nakita kong magulo ang sala. Nasa may hagdan sila Papa at may dalang bag si Mommy. Basang-basa na ang mukha nilang dalawa dahil sa mga luha. Nakita ko rin si Clarisse sa dulo ng hagdan at humahagulhol.
"What is going on here?"
Sabay na napatingin sa akin si Papa at Mommy. Parehas pa silang nagulat kaya agad na nagpunas ng mukha. Napalunok na ako dahil pakiramdam ko ay may bumabara na sa lalamunan ko. This feeling. I know this feeling.
"M-Mommy?"
"J-Jamaica, anak." Lumapit sa akin si Mommy. "I'm sorry. Kailangan ko muna umalis, ha? Magpapalamig lang ako, promise."
Napanganga ako. Akma niya akong hahawakan pero agad akong umatras. "No! Aalis ka? Bakit? Ano'ng nangyari?" Tumingin ako kay Papa. "Papa? Hindi mo pipigilan si Mommy?"
"Anak. Saglit lang," garalgal ang boses na sabi ni Mommy. "I-I just can't stay here tonight. I'm so sorry. Sana maintindihan mo—"
"No!" I screamed. Agad na nangilid ang mga luha ko. "A-Aalis ka? Iiwan mo kami? Tapos hindi ka na babalik kagaya ni Mama? Y-You promised us na hindi ka aalis kagaya ni Mama!"
"Anak, hindi mo naiintindihan—"
"No!" Umatras pa ako ulit. Napahagulhol ako. "Parehas ka lang sa kaniya! Iiwan mo rin kami!"
"Jamaica— Jamaica!"
Nagmamadali akong lumabas ng bahay. My eyes were blurry. My throat was hardened and my chest was throbbing. Paano nagawa sa amin 'to ni Mommy? I thought she was different! I thought she will never leave us too as Mama did. Pero wala pala siyang pinagkaiba kay Mama! I hate her! I hate them! I hate everyone!
I run and run. Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Tumakbo ako hanggang sa makarating na ako sa labas ng subdivision. Tumakbo ako at pilit na kinakalimutan ang sakit na nararamdaman ko. I hate them! I hate all of—
Napatigil ako sa pagtakbo noong bigla akong nakarinig ako nang malakas na busina. Doon ko na realize na nasa gitna na pala ako ng kalsada at may papalapit na kotse sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko ay bigla akong na estatwa. I wanted to screamed. I wanted to run. I kept on shouting in my head to move. But then all I did was just stand and stare at the light coming to me. So, I just waited to feel the hard thing hit my body. Siguro mas maigi na 'yong ganito. Kapag siguro mawala na ako ay makakalimutan ko na ang sakit.
I closed my eyes and waited.