Ten years old pa lang ako noong umalis si Mama sa amin para sumama sa ibang lalake. Iniwan niya kami kay Papa dahil hindi na raw niya kayang makasama ito. We begged. Papa begged for us. Pero sinabi lang ni Mama na kung gusto namin sumama ay isasama niya kami. Pero mas nanaig na ang galit ko sa kaniya.
Wala pang isang taon noong malaman ko na may bagong girlfriend si Papa. Si Mommy Mariel. She became the mother I never had. Though, nagtataka ako kung sino siya. But later on ay nakapalagayan ko siya ng loob. She was the mother I never had. She was too kind to us. She gave us everything we needed and the love that our own mother couldn't gave us.
Pero ngayon? Pakiramdam ko ay nagkamali ako. Akala ko iba siya sa mama ko. Akala ko ay finally magkakaroon na kami ng buong pamilya. Pero mali pala ako. Parehas lang siya sa mama ko. Iiwan niya lang din pala kami.
"Miss! Are you okay?!"
Napasinghap ako noong may marinig akong pamilyar na boses. Sumisinghot-singhot pa ako habang unti-unting nag-aangat ng ulo. Hindi ako nabunggo?
"Jamaica? Is that you?"
Agad kong tiningnan ang lalakeng nagsasalita. Nanlaki ang mga mata ko noong makita ko si Alfred. Tiningnan ko ang kotse na nasa gilid ko. Napapikit pa ako dahil bukas ang ilaw niyon. Siya iyong muntik na makasagasa sa akin.
Naiawang ko ang aking bibig. Gusto kong sabihin sa kaniya na ayos lang ako. Na walang masakit sa akin pero hindi ko magawa. Parang bigla akong naputulan ng dila at naubusan ng boses. Humikbi-hikbi na lang ako at muling napahagulhol. Tinakip ko ang mga kamay ko sa aking mukha at doon umiyak.
"W-What happened to you?" nag-aalalang tanong ni Alfred. Hinawakan na niya ako sa braso. "Let's go."
I know, hindi ako dapat sumama sa kaniya. Hindi ko dapat siya pansinin. Pero hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ayaw kong umuwi sa bahay para malang malaman na wala na akong uuwiang pamilya. Wala na si Mommy. Ang sakit! Bakit ba palagi kaming iniiwan?
Tinulungan ako ni Alfred na makaupo sa loob ng kotse at inayos din ang seatbelt ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko lamang na umandar na ang kotse. Tahimik akong umiiyak habang nakatitig sa unahan. I couldn't explain how hurt I am right now.
"You can tell me what is it. Kung okay lang sa 'yo?"
Napasinghot ako at tiningnan siya. "P-Pwede bang sa inyo muna ako? Kakausapin ko na lang si Ma'am Dianne? I-I don't know where I'm going right now." Muli akong napahagulhol.
"Ha? Ahm. W-Wala si Dianne sa bahay. Hindi ba niya na announce kanina sa inyo?"
Napaisip ako. Oo nga pala. May seminar sa Baguio ang mga teacher. Four days silang mawawala kaya marami ring naiwang activity sa amin. Bigla akong nanlumo. Hindi ako pwedeng pumunta kila Sunshine or kahit na sinong kilala ko na kilala ni Papa. Sigurado akong hinahanap niya ako ngayon.
"O-Okay." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Paki baba na lang ako sa gilid."
"Pero sabi mo wala kang mapupuntahan ngayon? Ano ba ang nangyari? Lumayas ka ba sa inyo? Pinalayas ka?" tanong niya.
Huminga ako nang malalim. "B-Basta. Paki tigil na lang ang kotse."
"No! I can't leave you here alone. Baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo."
"Eh hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh! Bakit ba ang kulit mo?! Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan?!" sigaw ko na. Hinawakan ko ang buksanan ng pinto at pilit iyong itinulak. "Buksan mo 'to!"
"Fine! Pero hindi. Doon na tayo sa bahay," mahinahong sabi ni Alfred.
Napapikit ako nang mariin. Ilang sandali pa akong kumapit bago muling sumandal ulit. My mind was blurry. Wala na akong pakealam kung saan man ako mapunta ngayon. I just want to dissappear away from my parents. Kung gusto nilang umalis ay umalis silang lahat. Iwanan na lang nila ako.
Tumigil sa loob ng parking lot ng isang building ang kotse ni Alfred. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa sumakay kami ng elevator at muling lumabas. Hindi rin naman siya nagsasalita at inaalalayan lang ako maglakad. Pumasok kami sa isang bahay at pinaupo niya ako sa mini sala. Kinalma ko na ang sarili ko at tiningnan ang paligid. Sandali akong nalibang noong makita ko ang mga picture ni Ma'am Dianne na nakasabit sa pader. May ilan na kasama niya si Alfred at sobrang sweet nilang tingnan. Napangiti ako.
"Buti pa kayo," mahinang sabi ko.
"What?"
Nilingon ko si Alfred na nasa kusina nila. Kumuha siya ng malamig na tubig at nagsalin sa isang baso. Pagkatapos ay lumapit sa akin at inabot ang bago. Kinuha ko naman iyon at uminom nang kaunti. Napabuga pa ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay nakaramdam ako nang kaginhawaan dahil doon.
"Thank you."
"Do you want to eat? Are you hungry?"
Umiling ako. "I'm fine."
"Are you sure?"
"Yes, Alfred. I'm okay. Thank you. Aalis din ako mamaya."
Naupo si Alfred sa pang isahang upuan. "Where are you going? At ano ba ang nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak? Kanina ay muktik pa kitang masagasaan. Are you okay?"
"Mukha ba akong okay? I'm not, right?" Pinikit ko ang aking mga mata at muling bumuga ng hangin. Nangilid na ulit ang mga luha ko. "P-Please. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong mo right now. I-I—" Naramdaman ko na lamang na may yumakap sa akin. Hindi ako kumilos o itinulak si Alfred. Bagkus ay niyakap ko rin siya. Doon ay muli akong umiyak.
I don't know. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam ang yakap ni Alfred. Marahan niya pang hinahagod ang likod ko na para bang inaalo ako. Paulit-ulit niyang sinasabi na sorry at it's okay. Bigla ay pakiramdam ko nakaramdam ako nang kakampi. Mabuti pa siya, kahit hindi ko hiniling ay nasa tabi ko ngayon. Mabuti pa siya, kahit na hindi ko naman kailangan ay kasama ako. Pero bakit sila ay palagi akong iniiwan? Bakit?
Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa kumalma na ako. Kumalam na rin ang sikmura ko kaya nagluto si Alfred ng pagkain namin. Hindi pa rin daw kasi siya kumakain dahil hinatid niya pala sa bus station si Ma'am. He was simply cooking a fried chicken for us. Tapos um-order din siya ng pizza at fries para may makain pa kami mamaya.
"Gaano na kayo katagal ni Ma'am?" tanong ko. Kumakain na kami sa dinning area. Hindi ko maiwasang matitigan ulit ang mga pictures nila ni Ma'am. They looked so in love.
"Thirteen?"
"Thirteen? Patanong talaga?"
Natawa si Alfred. "Sorry. Since third year high school kasi ay magkarelasyon na kami."
"Oh, tapos nagsasama na kayo?"
Umiling si Alfred. "Ahm, medyo. Oo na hindi. Kasi tuwing weekdays, dito siya natutulog. Pero kapag weekends ay nauwi rin siya sa kanila. Masyado kasing strict ang parents ni Dianne. Pumayag lang sila na dito siya matulog kapag weekdays kasi nga no choice na. Ito ang malapit sa school."
Napatango-tango ako. "Ang tagal niyo na pala, 'no? Siguro mahal na mahal mo si Ma'am?" Ngumiti lang sa akin si Alfred at hindi sumagot. Kaya naman ay napakunot ako ng noo. Pero hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos namin ay lumipat kami sa sala. Nauna akong naupo sa sofa habang si Alfred naman ay inihanda ang mga in-order niyang pagkain kanina.
"Beer?"
Sandali akong napaisip. "Okay." Hindi naman masama kung iinom ako ngayon ng beer. And I don't care.
Muling umalis si Alfred sa sala at bumalik sa kusina. Bumalik na ito na may dalang beer at inilapad iyon sa lamesa. Agad kong kinuha ang isang bote at ininom.
"Whoa! Relax, woman! Marami pa 'yan sa ref," natatawang sabi ni Alfred.
Hindi ko siya pinansin at ininom ang alak hanggang sa makaramdam na ako ng init sa lalamunan. Napaubo-ubo ako at huminga nang malalim.
"That was good."
Naupo sa tabi ko si Alfred. "Beer lang pala ang magpapangiti sa 'yo. Dapat sinabi mo sa akin kanina pa."
"Ha?" Nagtatakang tiningnan ko siya. Natigilan ako noong makita kong nakatitig siya sa labi ko. "Hindi naman," natatawang sabi ko. Muli akong uminom. "Salamat."
"For what?" Uminom na rin si Alfred.
"Ito. I need this."
"Well, care to tell me the story behind your tears?"
"Ang deep naman no'n," biro ko. Muli akong sumersyoso at tumitig sa boteng hawak ko. "My... My stepmom is leaving us. Hindi ko alam kung ano ang problema nila. But I think dad is cheating." Napailing-iling ako. "Pero hindi ko alam kung bakit mas nasasaktan pa ako kasi aalis si Mommy." Muling gumaralgal ang boses ko.
"Stepmom? Where's your real mom?"
"She left us too. Parehas lang sila. I thought magkaiba sila pero mali ako." Muli akong uminom. "Hindi ba dapat pag-usapan nila 'yon?"
"I can't blame your stepmom."
"I know. Pero bakit ang sakit?"
Narinig kong huminga nang malalim si Alfred. Hindi niya ako sinagot. Siguro mahirap ngang sagutin dahil kahit ako ay hindi ko alam ang kasagutan. I know, kung tama ngang nag-cheat si Papa, bakit hindi muna nila pag-usapan? At hindi ba kami na isip ni Mommy? Ni hindi niya ba naisip na nasasaktan din kami? Ang sakit isipin na maiiwan na naman kami.
Lumipas ang ilang oras ay nakarami na kami ng alak. Halos maubos na ang pizza at french fries na binili ni Alfred. Bukas na rin ang tv pero wala akong maintindihan sa palabas na pinapalabas ni Alfred. Patuloy kami sa pagkukwentuhan kaya kahit papaano ay nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.
"You're really funny, Alfred!" natatawang sabi ko. Nakapatong na ang mga paa ko sa kaniya at mahigpit din niya iyong hinahawakan. Halos kayakap ko na ang bote ng beer habang titig na titig sa mukha niya. Lumingon siya sa akin.
"That's what I do."
Uminom ako ng alak. "So, tell me more about it."
"Let's stop talking about it. Why don't you start telling me something about you."
"Eh nasabi ko na naman sa 'yo. Tsaka wala namang special sa buhay ko. Walang nakakatawa." Aalis sana ako sa pwesto ko pero hinila ni Alfred ang paa ko. "Nangangalay na ako," reklamo ko. Natili ako nang kaunti noong bigla akong binuhat ni Alfred at inusod sa may arm rest ng sofa. Mas dumikit pa siya sa akin kaya medyo naging maayos na ang pwesto ko.
"Better?"
Ngumiti ako. "Better."
"Why don't you tell me kung bakit bigla ka na lang umiwas sa akin?"
Tumawa ako. "Because you're a jerk, Alfred. Bakit hindi mo sinabi sa akin na may girlfriend ka pala? At teacher ko pa!"
"Hindi ko rin naman alam na estyudante ka niya."
"So kung hindi ako estyudante ni Ma'am ay hindi mo pa rin sasabihin?"
Tumawa si Alfred. "Hindi sa gano'n. Iba ka kasi Jamaica. You make me happy."
Napanguso ako. Inalis ko na nang tuluyan ang mga paa ko sa kaniya at naupo nang maayos. Pero magkadikit pa rin kaming dalawa dahil nakapatong ang kamay niya sa upuan na para bang nakaakbay na sa akin.
"Siguro parehas sa 'yo si Papa. Bakit ganyan kayo? Siguro kaya umaalis sila Mama. Tapos kami ang maapektuhan. Mawawalan ng buong pamilya—"
"Whoa! Relax! Hindi naman siguro sa gano'n." Sandaling tumigil si Alfred. "Kami kasi ni Dianne, hindi ko alam. Wala akong kasiguraduhan. Hindi ako ang priority niya."
I smirked. "What do you mean by that?"
"I thought I can wait, Jamaica. I've been waiting for her. Dalawang beses na akong nag-propose sa kaniya pero palagi niyang ni re-reject. Sabi niya hindi pa time. So, I wait. I love her. Nasanay ako sa ganitong set-up. Uuwi siya sa akin tapos babalik sa kanila. Parang 'yon na rin nagiging date namin. Halos wala pa nga ring pinagkaiba kasi hindi ko naman siya malambing. Masyado siyang busy sa trabaho niya."
"Bakit ikaw? Hindi ba?"
"That's why I asked my parents to help me set up a dentist clinic. Para mas maraming time kami sa isa't isa. Ayaw ko nang kagaya sa parents ko na special occasions lang din nagkikita. They are doctors."
"Then why stay? Ilang taon na kayo ulit?"
"Thirteen."
"Ang tagal na."
"Because I love her. Sa kaniya ko nakikita ang future ko noon. Pero ngayon... I don't know. Iba pala kapag ganito, nakakasama mo ang babaeng mahal mo."
Bigla siyang tumitig sa akin. Napakura-kurap din ako at biglang nakaramdam ng init sa paligid. Gusto kong iiwas ang mga mata ko pero para akong napako sa kaniya. His eyes were looking deep inside me. Nangungusap iyon at para namumungay.
This was wrong, I know. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I felt like we were just the same. Longing for something that we couldn't have. Because everyone was unfair to us, we were both sad and were looking for love. Maybe this was wrong. But why does it feel right?
Napapikit na lamang ako at hindi siya pinigilan noong bigla niya akong siniil ng halik sa labi.