Veronika's POV
Umalis si Kai kasama ang dalawang kapatid ko at isang babae na hindi ko kilala. Ang sabi niya ay saglit lamang sila pero nag simula na akong mairita nang gabi na ay hindi pa sila bumabalik.
Ang magulang ko naman ay abala sa pakikipag-usap sa magulang ni Kai. Hindi yata sila nauubusan ng topic dahil gabi na ay panay parin ang tawanan nila.
Si Karina naman ay sumunod nga papunta dito pero abala naman kay Keisha. Nagkasundo na sila samantalang noong nasa Koreem ay inis na pinag-aagawan nila ako pero ngayon parang walang puma pansin sa akin.
Parang wala ako ah! Akala ko ba ay ako ang pinuntahan nila? Bakit parang hangin lang ako?
Sinubukan kong dumaan sa harapan ng magulang ko pero hindi nila ako pinansin. Nang lumapit naman ako kina Keisha ay hindi rin ako pinansin ng dalawa.
Inis na inis akong nag kulong na lamang sa aking silid. Kung ayaw nila sa akin edi wag! Tumulo ang luha ko. Ano ba 'yan! Ganito ba talaga pag buntis iyakin?
Makalipas ang ilang oras ay may kumatok sa silid ko.
"Veronika?" boses iyon ni Layla.
"H-ha?" tugon ko mula sa loob.
"Labas ka," utos niya.
Mabuti pa si Layla parang gusto akong makasama. Mabilis kong binuksan ang pinto at lumabas.
"Aww our Veronika is crying?" malambing na tanong niya.
Mas lalo naman akong naiyak ang lambing niya talaga.
"Tara sa hardin," sabi niya at tumango naman ako.
Nagtungo kami sa hardin at mas lalo naman akong naiyak nang makita ang lalaking malapit sa fountain na nakaluhod. Nasa gilid ang magulang ko kasama ang dalawa kong kapatid at si Karina. Sa kabila ng gilid naman ay ang pamilya ni Kai. Nakangiti silang lahat habang nakatingin sa akin. Lalong bumaha ng luha ang mga mata ko. Ano ba 'yan napakaiyakin ko na talaga. Bwesit na' yan hindi ba nila ako pinansin para rito. Iyak pa naman ako nang iyak, 'yon pala para rin sa akin.
"Go," sabi ni Layla at bahagya pa akong tinulak.
Lumuluha akong nag lakad papalit kay Kai na kanina pa yata nakaluhod. Ang gwapo-gwapo niya para lumuhod para sakin.
"A-anong g-ginagawa mo?" nauutal na tanong ko sa kan'ya.
Ngumiti siya ng malawak at pinakita sa akin ang singsing na hawak niya. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito. Ang akala ko ay pananagutan niya lamang ang baby namin. Hindi naman ako umasa kahit na mahal ko na siya, pero masaya ako na nandito siya nakaluhod sa harapan ko.
"Veronika Velasquez, will you be my queen?"
Sunod-sunod na tango ang ginawa ko. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko. I will be your queen.
May mga pagkakamali man akong nagawa. Hindi man umayon ang lahat sa tradisyon. Dumaan man kami sa pagsubok, masaya ako, masaya akong sa huli ay siya parin ang papakasalan ko. Hindi man naging maayos ang aming simula umasa akong magiging maayos ang aming wakas.
-WAKAS-
AN:
Gusto ko lang pong mag pasalamat kung binasa niyo po ang story na ito. Alam kong hindi ito perpekto, hindi ganoon kaganda ngunit ito ay produkto ng aking imahinasyon. Kung gusto niyo pa po ng ibang story na hindi ganoon kahaba ay maari niyo pong bisitahin ang aking author's profile. Salamat po at mag-iingat kayo palagi.
The Tradition is now signing off.