Veronika's Pov
Nahihiya akong tumingin kay Keisha habang sabay-sabay kaming kumakain ng dinner. Si Kai naman ay para wala na, hindi na siya apektado na nahuli kami ng kapatid niya na naghahalikan sa movie room.
"Veronika, eat a lot hija," utos sa akin ng mommy ni Kai habang nakatingin sa pinggan ko.
Ngumiti naman ako at tumango. Napadako ang tingin ko kay Keisha at todo ngisi ito. I bit my lips and look down to my food. Sumubo ako ng kanin na may konting ulam.
"Ohh, Veron just forget about it!"
Nasamid ako sa sinabi ni Keisha, talagang binanggit pa talaga niya. Mabilis akong inabutan ni Kai ng tubig at sinama an ng tingin ang kapatid.
"Stop it Keisha!" si Kai.
"What?" painosenting tanong ni Keisha.
Lalo akong nahihiya. Bakit ba naman kasi naghalikan pa kami sa movie room, kasalanan ko naman at ginusto ko iyon!
"What is it, Keisha?" tanong ng mommy nila.
Kinakabahan naman akong lumingon kay Kai para pigilan niya si Keisha.
"Keisha," matigas na wika ni Kai.
"Don't mind it mommy, I just caught them kissing in the movie room," sabi ni Keisha na parang wala lang iyon.
Halos lumubog ako sa kinauupuan ko sa sobrang kahihiyan. This girl, hihintayin kong magkaboyfriend 'to babawi ako.
"Hahaha," malakas na tawa ng ama nila.
Iyon na siguro ang pinakamahabang dinner at pinakanakakahiyang dinner para sa akin. Hinatid ako ni Kai sa silid ko. Bumuntong hininga ako at ngumuso ng makarating sa silid ko. Lumapit sa akin si Kai at niyakap ako.
"Don't mind my sister, okay?" sabi niya.
Humiwalay ako sa yakap niya at tumango. Ano pa bang magagawa ko? Kailangang tiisin ko ang pang-aasar ni Keisha.
"Can I sleep here?"
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na gusto niyang matulog sa kwarto ko.
"Sigurado ka?" nag-aalangang tanong ko sa kan'ya.
"Oo naman," walang pag-aalinlangang sagot niya.
At tulad nga ng sinabi niya ay dito siya natulog. Nakaunan ako sa balikat niya at nakayakap sa katawan niya. Mas komportable ako sa tabi niya kumpara sa mag-isa lamang sa aking kama. Nakatitig ako sa maamo niyang mukha habang siya ay mahimbing na natutulog. Naramdaman ko ang pagkawala ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Mahal ko na si Kai, sigurado ako, ngunit ang tanong ay kung may nararamdaman din ba siya para sa akin?
Kinabukasan ay nagulat ako nang maaga pa lamang ay nasa mansyon na ang magulang ko at ang dalawa kong kapatid. Kasama ni kuya Vont si Layla.
"Baby sis!" Masayang salubong sa akin ni kuya.
Yumakap ako sa kan'ya at pagkatapos ay bumeso naman kay Layla.
"Nasan si Kai?" tanong ni Darius nang makalapit ito sa'kin.
"Hindi mo ba muna ako yayakapin?" tanong ko sa kan'ya na parang nagtatampo.
Si Kai agad ang hinanap niya sa halip na batiin ako.
"We have business with Kai, Veronika. Mamaya na kita yayakapin ng matagal pagkatapos," sagot niya sa akin.
Ang kapatid ko talagang ito, napakaseryoso kahit kailan. Uunahin niya talaga mga bagay na kailangan kumpara sa paglalambing sa pamilya niya.