Kai's Pov
Maaga palang ay kailangan ko ng umalis dahil may mga kailangan pa akong tapusin. Dumaan muna ako sa silid ni Veronika. She's sleeping peacefully and very pretty. I kissed her forehead before going out of her room.
"You're leaving early again, son?" tanong ni daddy nang madaanan ko ito sa living room.
"Yes dad, hindi pa kami tapos sa Koreem," sagot ko.
"Finish that early, Kai. You should be taking care of Veronika, she's pregnant unless you forgot,"paalala ni daddy.
Tumango ako as if naman makakalimutan ko iyon. Kung pwede nga lang hilahin na ang panahon at nang makapanganak na siya. Para makapagpakasal narin kami. Yes I'm still marrying her, pero kapag nakapanganak na siya.
Pagkarating sa palasyo ay agad akong nagtungo sa meeting room. Nasa screen na ang magkapatid na Vont at Darius. Napatingin ako sa kaliwang bahagi at naroon ang nag-iisa ng prinsesa ng Koreem. Si Stella, seryosong naghihintay magsimula ang meeting.
"Let's start," sabi ko matapos maupo at humarap sa kanila.
"We're giving you Martin for his punishment, in exchange please remove all the bombs in our kingdom," si Stella.
It's just fair, wala namang kasalanan ang kaharian nila. Si Martin lang ang prinsipe ng Koreem ang dapat managot sa kasalanan niya. Hindi ako nagsalita at tinignan si Darius, siya ang matalino sa amin kaya siya muna ang aasahan ko.
Kumunot ang noo ni Darius nang mapansin na wala kaming balak magsalita ni Vont.
"Tss, we have to sign an agreement. Bukod sa kaparusahan ni Martin dapat mangako rin kayo na hindi na mauulit ang ganong pangyayari. No more threatening other kingdoms, no more kidnappings," si Darius.
"Okay," si Stella.
"Ipapahanda ko ang agreement, saan tayo makikita?" si Vont.
"Sa Silverio na lang," si Darius.
Nanlaki ang mata ko sa batang iyon, dito pa talaga? Wala na nga akong panahon sa kapatid niya gagawin niya pa akong abala para sa agreement signing namin.
"Bakit dito?" reklamo ko.
"Pupunta pamilya namin d'yan para bumisita kay Veronika so d'yan na lang para isang byahe na lang," sagot ni Darius.
Sinimangutan ko ito, natawa lamang si Vont at hindi tumutol sa kapatid, pabor din naman sa kan'ya! Wala namang reklamo si Stella kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
Matapos ang meeting namin ay nagmamadali na akong umuwi sa mansyon. Hindi ko alam pero hindi na ako mapakali, parang gustong-gusto ko nang makita si Veronika. Hindi ko na naririnig ang boses niya. Kapag umuuwi ako ay tulog na siya at pag-alis ko naman sa umaga ay tulog pa siya.
Pagkarating ko sa mansyon ay hinanap ko agad si Veronika. Nasa hardin daw sabi ng mga tagapagsilbi. Naglakad ako patungo roon. Malayo palang ay kitang kita ko na ang simangot ng babae. Ano naman kayang problema niya. Haayy I'm such a jerk, hindi ko manlang siya nababantayan, hindi ko manlang siya natatanong ng mga bagay na kailangan niya o gusto niya.
"Why are you frowning?"
Hinintay kong lumingon siya, pero hindi niya lang pinansin ang tanong ko. Galit ba siya dahil palagi akong wala?
Lumapit ako sa kan'ya at hinarap siya sa akin. Pansin kong nagulat siya.
"K-kai?" gulat na tanong niya.
Napangisi ako sa reaksyon niya. Ang cute!
"What? You seem very shocked, why are you sad anyway? I saw you frowning from a far a while a go."
"I j-just miss, Alteria," sagot niya.
"Hmm..." Tumango-tango ako.
Mabuti pa ang Alteria nami-miss niya, samantalang ako heto sobrang miss na siya. Ang unfair naman ng buntis na 'to. Hindi ba dapat mas namimiss niya ako dahil buntis siya, dapat ako paglihian niya para ako ang lagi niyang hihilingin.
"Your parents are coming tomorrow, gusto mo bang tayo na lang ang pumunta sa inyo?"
Para narin sa Alteria na kami mag pirmahan ng agreement.
"W-wag na," sagot niya.
Sayang!
"Okay. Ang akala ko pa naman kaya ka malungkot ay namimiss mo na ako. I guess I'm the only one," pagdadrama ko sa kan'ya.
"H-ha?"
"I missed you," pag-amin ko.
Gulat na gulat siya sa sinabi ko. Ano namang nakakagulat? Yes we don't have a formal relationship, pero magkakaanak na kami 'yon din ang ending no'n.
Magto-two months na ang tiyan niya, hindi pa naman ito halata at wala pa siyang kung anong mga bagay na hinihingi.
"Wala ka bang pagkain na nagugustuhan?" tanong ko sa kan'ya.
Umiling ito at naglakad na papasok sa mansyon. Sumunod ako sa kan'ya.
"Hindi ka ba abala ngayon?" may himig ng pagtatampo sa boses niya.
Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti ko. She missed me too, nahihiya lang siyang aminin 'yon.
"No," maiksing sagot ko sa kan'ya.
Sumimangot siya sa naging tugon ko, why my baby wants me to explain hmm?
Pumasok na siya sa silid niya at pagsasarhan niya ako ng pintuan. Mabilis kong pinigilan ang pagsasarhan niya ng pinto. Dahil sa padabog niyang pagsasara at sa pagpigil ko ay naipit ang kamay ko.
"Aww!"
Natataranta niyang binuksan ang pinto at hinawakan ang naipit kong kamay.
"S-sorry," I watched how she nervously touch my hand.
Hinigit ko siya gamit ang isa kong kamay. I pulled her waist, nasubsob siya sa dibdib ko. Nangingiti akong niyakap siya.
"A-ang k-kamay mo," nauutal na sabi niya.
Humiwalay ako sa kan'ya at hinalikan siya sa noo.
"Let's watch a movie," I told her and grabbed her hand.
I let her choose a movie. Hindi naman ako mahilig manuod ng movies, but I need some distraction. Baka titigan ko na lamang ang maamong mukha ni Veronika kung wala kaming gagawing iba. And if I won't be able to stop myself, we'll end up on bed.
She choose a romance movie. Ang akala ko ay mas mabuting manuod kami kumpara ang panuorin siya pero mali ako. The main characters in the movie kissed and now I'm screwed. I'm staring at Veronika's lips. I badly want to taste those lips now.
Nahuli niya akong nakatitig sa labi niya. Hindi na ako nag-abala pang umiwas ng tingin.
"Do you want to kiss me?"
Nagulat ako sa diretso ng tanong niya. Veronika is really something, minsan ay inosente minsan naman ay agrisibo.
"Do you want me to kiss you?"
Dahan-dahan siyang tumango. That's my sign, I leaned towards her and claim her lips. The sweetness of lips is like a drug. I'm addicted.
"Oh my God!"
Napahiwalay ako kay Veronika nang may tumili sa pinto ng movie room. I glared at my sister. Istorbo! What a wrong timing Keisha!
"Don't tell me you guys gonna do it here in movie room?" pasigaw na tanong ni Keisha.
Kitang kita ko ang pamumula ni Veronika. Tss kahit kailan ang bibig ni Keisha walang preno.
"No! We're just kissing Keisha," ako habang masamang tinitignan ang kapatid para wag ng magsalita pa ng kung ano.
"Ohh... Sorry, hihi."
'Yon lang at nagmamadali na siyang umalis ng movie room. Napahilot ako sa sintido ko, that girl!