Chapter 15

1067 Words
Ang akala ko ay tapos na ang sakit ng ulo ko sa tatlong mga lalaki pero heto na naman ako sa tatlong babae naman namomroblema. Nasa harapan ng palasyo ang tatlong private plane at hindi ko alam kung saan ba ako dapat sumama. "Veronika!" Yumakap sa akin si Karina habang naluluha. Lumapit din si Layla ang asawa ni Kuya Vont at si Keisha na kapatid ni Kade, parehas din nila akong niyakap. "Umuwi na tayo para makapagpahinga ka," si Karina. "Yeah right! Let's go to our plane, Veron," si Keisha. "She's coming with me," mahinhing wika ni Layla. "What?" si Karina. "No!" si Keisha. Nagtinginan silang tatlo at sabay-sabay nag-roll ng mga mata. Pati ba naman ang tatlong babae na 'to sakit din sa ulo. Magkakaalyado naman ang mga kaharian nila pero pagdating sa akin ay pinag-aagapan nila ako. Nagsilapitan na rin ang tatlong lalaki at tumabi sa mga kakampi nilang babae. "You should come home with us, Veronika," sabi ni Darius. "No!" sigaw ni Keisha "You should come with us Veron, don't listen to your stone brother!" This kids don't really know how to call me ate. "Tss, parrot," si Darius talking to Keisha. "Para wala nang talo, sa amin ka na lamang sumama," si Kuya Vont bago bumaling kay Layla, "right wife?" Tumango-tango si Layla ay ngumiti nang matamis sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanila walang gustong magpatalo. Napahawak ako sa tiyan ko, look baby ganyan kadami ang nagmamahal sa mommy, kaya paglabas mo mahalin mo rin si mommy. Natawa ako sa naiisip ko wala pa ngang umbok ang tiyan ko paglabas na agad ng anak ko ang nasa isip ko. "Ganito na lang, spin the bottle," sabi ko sa kanila bago nagpakuha ng bote sa isa sa mga royal guards. Nang makabalik na may dalang bote ang guard ay agad na pomorma nang bilog ang anim. Talagang nag-alternate pa sila, for more chances of winning daw. I spinned the bottle. Walang kumukurap sa kanila habang hinihintay kung kanino tatapat ang dulo ng bote. Bahagyang bumagal na ang ikot ng bote. Seryoso silang nag-aabang kung kanino titigil. Nang tuluyan ng tumigil ang bote ay nagtatalon sa tuwa si Keisha. "Hah! Losers," nilabas niya ang dila pang-aasar sa mga kasama. Sumimangot si Karina at si Layla habang si Darius naman ay masama ang tingin sa mapang-asar na si Keisha. Dahil kay Keisha tumapat ang bote ay wala akong nagawa kundi sundin ang usapan. Sa totoo lang ay mas gusto kong sa Alteria o Chandria na lamang ako umuwi. Naiilang pa ako kay prinsipe Kai. Hindi ko alam kung ano ba ako sa buhay niya, kung anak ko lang ba ang habol niya o kasama na rin ako. Gamit ang private plane nila ay nakarating na kami sa Silverio. Tagapagsilbi na lamang ang naghatid sa akin sa silid kung saan ako dati tumuloy. Nagtungo ako sa banyo at naligo. Matapos kong maligo ay nagpalit ako ng damit. May mga damit na doon sa walk in closet, nagtataka nga ako at may mga maternity dress na rin akong nakikita. Hindi ko alam kung para sa akin din ba ang mga iyon,dahil kung para sa akin ay sobrang nakakatawa naman ng puso ang kanilang pagpapahalaga sa pagbubuntis ko. Lumabas ako ng silid para sana humingi ng pagkain. Nahihiya ako ngunit kung para sa anak ko ay kakapalan ko na ang aking mukha. Nakasalubong ko si Kai na parang sa silid ko ang punta. "Susunduin sana kita," sabi niya. "B-bakit?" takang tanong ko. Natawa siya at lumapit sa akin, pumulupot ang braso niya sa bewang ko. "Dinner, Veronika," sagot niya. "Malalim na ang gabi akala ko ay nauna ka na." Natawa lamang siya at nagulat ako nang makarating kami sa dinning hall ay nandoon parin ang kan'yang magulang at kapatid. "Sa wakas Veron! Akala ko ay bukas na kami kakain, ang tagal mo maligo!" reklamo ni Keisha. Natawa lamang ako sa kan'ya. Napansin kong maarte lamang sa pananalita si Keisha pero mabait naman. Ipinaghigit ako ng upuan ni Kai at nang maupo ako doon ay umupo na siya sa katabi ng upuan. Pinaglagay niya rin ako ng pagkain sa plato ko. Nakakapanibago, nawala na ang pagkamasungit niya sa akin. Biglang naging maalaga. Nanatili na ako sa Silverio, pero nagpahatid ng mensahe ang magulang ko na pupunta sila rito. Nasa hardin ako ngayon ng mansyon at pinagmamasdan ang magaganda nilang bulaklak. Naging maayos ang pagtira ko dito kahit na madalas ay wala si Kai dahil sa mga trabaho nito sa palasyo ng Silverio. Hindi naman ako nagrereklamo na laging wala siya, pero ewan ko ba may ka kaiba kayong nararamdaman. Siguro ay sintomas ito ng pagbubuntis ko. Madalas gusto kong nakikita si Kai, pero sa tuwing magigising ako sa umaga ay wala na siya, nakaalis na. Hindi ko maiwasang hindi sumimangot sa tuwing naiisip ko siya. Siguro nga ay ang pinagbubuntis ko lang ang gusto niya at hindi ako. Asa pa naman akong magugustuhan niya ako, baka nga kaya lamang ako niligtas no'n sa prinsipe ng Koreem ay dahil lamang sa pinagbubuntis ko. Kung hindi ako buntis ay hinayaan na niya ako. "Why are you frowning?" Am I hearing things? I know how busy Kai is, hindi ako lumingon sa nagsalita mula sa likod. Baka multo lamang iyon. Naramdaman ko ang isang kamay sa balikat ko at hinarap ako sa kan'ya. "K-kai?" gulat na tanong ko. Ngumisi siya nang makita ang gulat na reaksyon ko. "What? You seem very shocked, why are you sad anyway? I saw you frowning from a far a while a go." Hindi ako makatingin sa kan'ya anong sasabihin ko, na malungkot ako kasi hindi ko siya nakikita? Nakakahiya 'yon hindi ko kayang aminin sa kan'ya 'yon. Malamang ay pagtatawanan lang niya ako. "Answer me, Veronika," he demanded. "I j-just miss, Alteria," I lied. "Hmm..." tumango-tango siya. "Your parents are coming tomorrow, gusto mo bang tayo na lang ang pumunta sa inyo?" tanong niya. Gustuhin ko man na ganoon nga ang gawin ngunit parang hindi ko pa kayang humarap sa pamilya ko. Nahihiya akong humarap sa kanila ganong may kasalanan at kaguluhan akong nagawa. "W-wag na." "Okay. Ang akala ko pa naman kaya ka malungkot ay namimiss mo na ako. I guess I'm the only one," sabi niya. "H-ha?" "I missed you," he said. Nagulat ako sa sinabi niya at hindi nakakurap. Halos lumabas sa dibdib ko ang puso ko sa pagkawala nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD