Chapter 9

578 Words
Veronika Velasquez's POV Nagising ako sa ingay ng mga sasakyang dumating sa labas ng tinutuluyan ko. Ang akala ko ay may handa an lamang sa kalapit na bahay ngunit nagkamali ako ng may kumatok sa aking pintuan. Lumapit ako at binuksan iyon, lacking gulat ko ng makita ang napakaraming royal guards na tila galing sa ibang kaharian dahil sa ibang kulay ng unipormi ng mga ito. Kulay pula ang suot nila samantalang ang sa Alteria naman ay asul. "Anong kailangan niyo? kinakabahang tanong ko. "I'm here para kunin ka, " sagot sakin nang ka bababa lang na prinsipe ng Koreem. Parang tinatambol ang puso ko ng makita ang kanyang mapaglarong mga ngisi. "Kung noong una pa lamang ay ipinaubaya kana sa akin ng Alteria ay hindi ka na sana nagkaproblema nang ganito." Nang makalapit na siya sa akin ay lalo lamang lumapad ang kanyang ngisi. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala akong takas sa kanila, mag-isa lamang ako anong laban ko. "Pinabayaan ka na ng prinsipe mo, marahil ay nandidiri na ito sa iyo, sayang ang ganda mo malandi ka rin naman pala." Pangungutya nito sa akin. "Paano kung ayaw kong sumama sa iyo?" Matapang na tanong ko. "Ohh... Honey, wala kang magagawa digmaan ang kapalit mo," tumatawang sagot niya sa akin. Baliw na talaga ang isang ito handa syang mag sayang ng buhay ng mga tao para lamang makuha ang gusto niya. Marahil ay ipinaubaya na ako ng Alteria dahil wala silang balak magsayang ng libo libong buhay para lamang sa akin. Tatanggapin ko na lamang siguro na marahil ay ito ang kapalaran ko. Sumama na ako sa kanila ng walang pagtutol, wala naman akong laban at hindi ko hahayaang mapahamak ang nilalaman ng sinapupunan ko para lamang sa pansariling kapakanan. Nakarating kami sa kaharian ng Koreem, maganda ito ngunit hindi ko matatagpuan ang kapayapaan sa loob ko habang ako ay naririto. Sinalubong kami ng maraming katulong kinuha nila ang gamit ko sa royal guards at sila na ang nagbitbit. "Ihatid niyo muna si Veronika sa magiging silid niya at wag na wag palalabasin ng wala akong utos!" sigaw ng prinsipe sa mga katulong. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nyang iyon halos hindi ako makakilos kung hindi pa ako kinaladkad ng dalawang katulong. Mas masama pa pala siya kesa sa mga bali-balita sa kanya. Magiging bilanggo pala ako dito sa kaharian ng Koreem. Nakarating kami sa silid na tutuluyan ko, maayos naman ito may isang hindi kalakihang kama sa tapat ng bintana. Isang maliit na mesa at upuan may nakita rin akong isang maliit na pintuan marahil ay iyon ang banyo. Matapos ayusin ng mga katulong ang aking mga gamit ay nagsialis na ang mga ito at naiwan akong mag-isa. Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang labas, Nanlaki ang mata ko ng makita ang prinsipe na nakikipag-espadahan sa mga royal guards at pag natalo ang mga iyon ay walang habas niya itong binabawian ng buhay na para bang mga hayop lamang o laruan. Napatakip ako sa aking bibig at nanghihinang napaupo sa kama. Ano na lamang mangyayari sa akin dito? Mali ba kung hihilingin kong iligtas ako ni Kai? Sa kanya naman ang dinadala kong bata sana naman kahit konti lang ay maawa siya sakin. Pero sino namang tanga ang maglalagay sa kapahamakan ng maraming buhay para lamang sa akin. Bumukas ang pintuan at niluwa noon ang prinsipe ng Koreem na napupuno pa ng dugo ang kasuotan. Tuluyan nang bumaha ang mga luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD