"This is what will happen to you, kapag naging pasaway ka."
Wala ako sa sariling tumango tango sa kanya.
"Pagkatapos mong manganak, saka ka lang maaaring lumabas dito, naiintindihan mo?"
Mabilis akong tumango sa kanya.
"Sumagot ka wala ka bang bibig!" sigaw niya sa akin.
"Oo..." nanghihinang sagot ko.
"Good."
Lumabas na siya ng silid at matapos nyang isara ang pinto ay halos mawalan na ako ng malay sa takot. I've never seen anyone like him before, he's like a monster.
May kapatid din naman akong prinsipe pero hindi niya katulad umasta. I wonder if my older brother knew what happen to me. Nasa Chandria ito kasama ng kanyang napangasawa. Siya ang nagsisilbing hari doon, sana ay hindi na lamang malaman ng aking kuya Vont dahil alam kong masasaktan ito. Ang bunso ko namang kapatid na si Darius ay hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ng batang iyon, madalas ay akala mo walang pakialam pero magugulat ka sa kayang gawin, siya ang kasalukuyang tagapagmana ng Altria. Siya ang susunod na Hari ngunit hindi ko alam kung interesado ba siya o hindi, kadalasan ay wala itong kibo.
Pumasok ang isang tagapagsilbi sa silid ko dala ang isang tray ng pagkain. Inilapag niya lang ito sa mesa at muling umalis na. Hindi naman siguro nila ako lalasunin, aba ano pang silbi ko sa kanila kung agad-agad lang din naman akong papatayin.
Lumapit ako sa pagkain at kinain iyon, hindi na mahalaga kung masarap ba o hindi ang pagkain, ang mahalaga ay kakain ako para sa anak ko.
Katatapos ko lamang kumain nang muli na namang bumukas ang pintuan ng aking silid, pumasok doon ang nakangising prinsipe.
"Veronika, Veronika... Mukhang nababaliw na ang prinsipe ng Silverio, dahil gusto ka nyang bawiin sa akin, alam mo bang ibig sabihin non?"
"Ano?" takang tanong ko sa kan'ya.
Ngumisi siya bago sumagot.
"Digmaan Veronika, hindi kita I babalik hangga't hindi pa kita napapagsawaan."
Tumawa siya ng tila isang baliw, ewan ko pero sa ngayon ay puro ng takot na lamang ang nararamdaman ko.
Natigil lang ang kanyang patawa ng isang lalaking humahangos ang dumating.
"Kamahalan, pinasabog ang isa sa mga paborito mong bahay aliwan, at walang nakaligtas kahit isang babae."
"Ano?!" galit na sigaw ng prinsipe.
"Putang... Sino ang may kagagawan, wag mong sabihing Silverio!"
"Chandria, Kamahalan ang isa sa pinakamalalakas na kaharian."
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang kaharian ng Chandria, kung ganoon ay alam na ng kuya Vont ang aking kalagayan.
"Anak ng kamalasan, ano namang problema ng Chandria!" galit na sigaw ng prinsipe bago nagmamadaling umalis ng silid ko kasunod ang lalaking nag balita.