Kade's POV
"Kamahalan, nakialam na ang Chandria,"
Napangisi ako ng marinig iyon, tama ako hindi kayang pabayaan ng Hari ng Chandria ang nag-iisang babaing kapatid.
"Magpadala ka ng mensahe sa Koreem sabihin mong buong Koreem ang pasasabugin natin kapag hindi pa nila binalik si Veronika."
Tumango ang tao ko at nagmamadali ng nag-type sa computer para makapag-email sa Koreem.
Alam kong hindi magiging madali ang pagbawi ko kay Veronika kung ako lang mag-isa, kaya naman ng Siverio pero ayokong makampante.
Ang bunso ng kapatid ni Veronika ang hindi ko alam kung bakit hindi pa ito kumikilos, siya ang tagapagmana ng Alteria, kaya malamang ay may kakayahan na rin ito.
Nagpadala na ako ng mga tao sa Koreem para magma nman, kailangang malaman ko pa ang mga kahinaan nito bukod sa mga bahay aliwan. Inutos ko na rin ang pagtatanim ng mga bomba sa iba't ibang parte ng Koreem, maaaring wala akong puso dahil wala akong pakialam sa mga taong maapektuhan nito pero nasa Koreem na ang desisyon sa bagay na iyon. Kung ibabalik nila si Veronika ay wala nang ibang masasaktan pa.
Tumunog ang cellphone ko at nakita doon ang pangalan ng nakababatang kapatid ni Veronika.
"Bry..."
"Prinsipe Kai, bakit mo ipinaalam sa kuya ko ang bagay na ito?"
"Bakit hindi? Kapatid niyo iyon."
"Hindi mo ba naisip ang malawakang digmaan, dahil sa ginawang pagpapasa bog ng Chandria? May mga kaanib parin ang Koreem baka na kakalimutan mo."
Bata pa si Bry pero masasabi kong matalino talagang bata, ito siguro ang dahilan kaya hindi pa siya nakikialam.
" Kaya mo na yon," sagot ko sa kan'ya.
"What? Kapag may nangyari kay Veronika dahil sa padalos dalos niyo ni kuya, kaharian niyo ang dudurugin ko!" galit na sambit niya.
Napangisi naman ako, tama nga ako may plano na ang batang iyon tahimik pa lamang.
His move is silent but deadly. Sa kanilang magkakapatid ay si Veronika lamang talaga ang pinakainosente at alam kong mahal na mahal nila ito.
"May paghahandang nagaganap sa Pario kamahalan."
Tama nga si Bry, marahil ay humingi na ng tulong ang Koreem dahil sa Chandria. Bago ko pa man ipaalam sa panganay na kapatid ni Veronika ang lahat ay nagpadala na ako ng mga tao sa kaalyado ng Koreem.
"Kamahalan!" tarantang sigaw ng isa sa aking mga tauhan.
Kunot noo ako ng lingunin siya na nasa harap ng computer.
Live video iyon na galing sa Koreem at lahat ng kaharian sa mundo ay mapapanuod iyon.
"Gusto niyo ng laro?" tumatawang wika ng prinsipe ng Koreem.
Lumapit siya sa nakataling si Veronika, f**k bakit siya nakatali?
Bigla niya hiniwa ang braso ni Veronika.
"Ahhhh!!!" malakas na hiyaw ni Veronika.
Putangina! Napasabunot ako ng makita kung paano masaktan si Veronika, tang ina mabawi ko lang siya d'yan wala ng makakalapit sa kanya kahit lamok! Para akong dinudurog habang nakikita syang nasasaktan.
"Bawat galaw niyo isang sugat sa babaing ito!" sigaw niya bago tinapos ang live.
Matapos iyon ay agad akong nakatanggap ng tawag mula sa panganay na kapatid ni Veronika. Video call iyon kaya kitang kita ko ang galit sa mga mata nito.
"Kade Ianne, let's plan rescuing Veronika first, pagkatapos ay dudurugin ko ang Koreem, lahat ng kahariang makikialam ay idadamay ko! Walang mabubuhay kapag ang kapatid ko ang sinaktan!" galit na sigaw nito bago ko narinig ang mga pagkabasag ng mga bote ng alak.