Veronika's Pov
Umiiyak ako sa hapdi nang hiwang ginawa sa akin. Nanghihina na ako sa mga pangyayari sa buhay ko pero ayokong sumuko, alam kong hindi ako pababayaan ng kapatid ko. Tatanggapin ko na na may madadamay basta maligtas ang bata sa sinapupunan ko. Kahit pa digmaan mabawi lamang ako dito. Kahit sa Chandria na lamang ako manirahan kapag nakalaya ako dito. Mabait ang asawa ng reyna ng Kuya Vont ko alam kong tatanggapin niya ako.
Nakatali parin ako sa isang silid kung saan naroon ang tauhan ng Koreem. May lumapit sa akin at ginamot ang sugat ko. Sinaktan nila ako tapos ngayon gagamutin. Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip ba sila o sadyang nababaliw na.
"Sunod-sunod na pagsabog ang naganap sa buong Koreem, kamahalan," ulat ng isang tauhan.
Galit na galit na lumingon sa akin ang prinsipe ng Koreem. Nanginginig ako sa takot. Ano ba namang iniisip ng kapatid ko, sa ginagawa niyang 'yon ako ang mapapahamak! Sana naman maisip nilang buntis ako, hindi sila dapat nagpapadalos-dalos. Kaligtasan namin ng anak ko ang dapat inuuna nila.
"Alam mo ba ang ibig sabihin n'on?" galit na tanong sa akin ng prinsipe.
"P-pakiusap... W-wag maawa ka," nauutal na pakiusap ko sa kan'ya.
"Bakit nagawa ba sila sa mga tao ko?"
Naiiyak na ako at nawawalan nang pag-asa. Ano nang mangyayari sa amin ng anak ko? Dito na lamang ba kami mamamatay? Hindi manlang makikita ng anak ko ang mundo.
Isang tawag ang natanggap nila at kitang kita ko sa malaking screen kung sino iyon. Darius ang bunsong kapatid ko.
"I planted bombs all over your kingdom, even in your palace. Now touch Veronika again, even on the tip of her hair, I will blow your kingdom," matigas at walang paligoy-ligoy na sambit ng kapatid ko.
Nababaliw na tumawa ang prinsipe ng Koreem bago seryosong tumingin sa kapatid ko.
"Pasasabugin mo ang palasyo ko kahit nasa loob ang kapatid mo?"
My brother coldly stare at him and answered.
"Yes, Veronika's life for wiping out a kingdom is not bad right?"
Ginapangan ako nang takot, alam kong kayang gawin iyon ng kapatid ko. You can say he's heartless. He is just giving Koreem a chance to surrender if not this kingdom will be completely wipe out. The most dangerous Velasquez is playing games again. Hindi ko masabi kung gusto ba niya talaga akong iligtas o sinusubukan niya lamang ang kahariang ito. Madalas ay hindi mo talaga mahuhulaan ang iniisip ng kapatid ko.
Matapos ang pag-uusap nila ng kapatid ko ay galit na galit na nagwala ang prinsipe ng Koreem. Kung hindi naman niya ako kinuha ay hindi siya magkakaproblema nang ganito. Kasalanan naman niya, ang akala niya ay porke pinatapon na ako ay hindi na makikialam ang mga kapatid ko. Ang Kuya Vont ko na gagawin lahat mabawi lang ako at ang tusong bunso namin si Darius.
Biglang umingay sa labas ng palasyo at parang may kaguluhang nagaganap. Biglang bumukas ang pinto at isang royal guard ang hinihingal na bumungad doon.
"P-pinalilibutan tayo ng pwersa ng Silverio!" anunsyo nito.