"Can we talk, please? I had the courage to talk to him again. Ilang araw na kasi niya akong hindi pinapansin simula noong may mangyari sa amin. Kasinglamig ng yelo ang tinging ipinukol niya. Nagtagal ang mata niya sa bandang dibdib ko. Pansin ko ang pag-igting ng kanyang panga. Wala tuloy sa loob kong pinagmasdan ang sarili. Doon ko lang na-realize kung bakit sumama na naman ang timpla niya. I am now wearing denim jumper shorts. May puting camisole naman ako pero pansin na pansin ang cleavage ko. Tumikhim ako at sumubo na rin ng pagkain. Muli akong tumingin sa kanya pero desidido yata siyang huwag akong kausapin. "Please, Anton. Kausapin mo naman ako. Ilang araw mo na akong hindi pinapansin." Hindi siya sumagot, nanatili lamang siya sa pagnguya ng pagkain. Adobong baboy at ginisang g

