Bawat hakbang niya pauwi ay puno ng galit. Tahimik naman akong nakasunod sa kanya habang nakahawak ako ng mahigpit sa tali ng robang suot ko. Pagyuko ko ay saka ko napansin ang suot kong white fluppy slippers, puno na iyon ng dumi at putik. Pagdating namin sa bahay, pabagsak niyang isinarado ang pinto na ikinaigtad ko. Mabalasik ang kanyang anyo, at sanay na ako sa ganitong pakikitungo niya sa akin pero bakit napaka-charming niya sa aking paningin? Dati naman ay hindi. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang mas gusto kong itsura niya, ang galit na Anton o ang mabait na Anton? His eyes mirrored what he is feeling right now, dark and dangerous. Ipinilig ko ang ulo ko. This is not the time for this. Pababalik-balik siyang naglakad sa harap ko habang hinihilot ang kanyang batok. "Anong gi

