Prologue
Kakatok palang sana ako sa pinto ng kwarto ni kyle nang makita kong bahagyang nakaawang na iyon, nakalimutan siguro niyang isara. Hindi naman kasi niya ugali na iwang nakabukas ang pinto ng kwarto niya.
Bahagya akong umabante papasok sana sa kwarto niya pero natigilan ako dahil sa nakita ko. kasama niya sa loob si raven. Ang isa naming bestfriend, at ang babaeng kinalolokohan niya, o sa mas tamang salita, ang babaeng tanging minamahal niya.
Hindi ko alam kung papasok pa ba ako para batiin si raven sa pagbabalik niya, galing kasi siya sa san francisco dahil nagmigrate na roon ang pamilya niya. O Dapat ba umalis na lang ako dahil mukang seryoso naman ang pinag-uusapan nila? Kung papasok naman ako'y baka makagulo lang ako.
Hindi ko naman gaanong marinig ang pinag-uusapan nila ay batid kong hindi iyon nakakatuwa dahil sa ekspresyon ng mukha at kilos nila.
Nang yakapin ni kyle si raven ay tila gusto ko ng umalis. Gusto kong magselos pero para saan? wala namang dahilan para magselos ako dahil magkaibigan lang kami. Wala nga ba? Hindi ba't ang tanging dahilan ng pagseselos ng isang babae ay ang kapwa din niya babae. Pero iba ang sitwasyon namin. Siya minamahal, at ako? isang kaibigan lang. kaibigan na lihim na nagmamahal sa kaniya. Kahit naman siguro magkaibigan ay nagseselosan din..,Iyon nga lang, may malisya ang saakin.
Aalis na sana ako dahil hindi ko na kayang makita pa sila. Hindi kona kayang saktan ang sarili ko. I saw them kissing that makes my heart broke. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay kakawala ang mga luhang kay tagal na nagkukubli sa mga mata ko.
Palakad na ako palayo ngunit may tumawag sa pangalan ko. Agad ko namang nilingon ang tumawag.
"Sabi na nga ba at ikaw ang nakita ko eh. Bakit hindi kapa tumuloy sa loob?, Aalis kana ba agad?." He asked.
Gustong tumalon ng puso ko sa saya dahil napansin pala niya ang presensya ko kahit na sa pinto lang ng kwarto niya. At talagang hinabol pa niya ako, Pero deep inside nasasaktan pa din ako dahil sa mga nakita ko. Ngingitian ko ba siya tulad ng pag-ngiti niya saakin ngayon? Ganun naman lagi eh, Pipilitin kong ngumiti kahit ang totoo ay masakit na.
Pero sa huli, nakita kopa din ang sarili ko na nakangiti sa kanya at pinagpapatuloy ang pagpapanggap ko.
"Bigla kasing tumawag si mama, eh may ipag-uutos daw sandali kaya pupuntahan ko muna." Pagdadahilan ko.
"Ganun ba, hindi kaba muna papasok sa loob? alam mo bang nandito na si raven? bumalik na siya."
Nahalata ko ang saya sa mukha niya na agad ding nawala at napalitan ng lungkot ang mga mata niya. Ano kayang pinag-usapan nila.
"Talaga ba? nandito na ulit si raven?" I lied again. Totoo naman kasing alam ko na nandito na siya. pero pinili kong magsinungaling, baka kasi magtaka sila kung bakit hindi ako nagpakita agad.
Tumango naman siya bilang sagot.
"Pumasok ka muna kaya, para naman mag-kausap kayong dalawa, sigurado ako matutuwa iyon pag nakita ka." Nakangiting sabi niya sakin.
Saglit akong nag-isip. Papasok ba ako? pero paano ang pagsisigungaling ko kanina. Pero kasi baka naman magtanpo si raven kapag hindi ako nagpakita sa kaniya ngayon. Missed kona rin naman siya, dahil apat na taon kaming hindi nagkita at nagkasama. Sa buong pagdadalaga ko ay siya lang naman ang tanging babae na naging kaibigan ko ng totoo. Bukod pa kay kyle ay siya lang ang bukod tanging napaglalabasan ko ng mga problema ko.
"S-sige tutal ay hindi naman gaanong nagmamadali si mama at makakapaghintay naman ang utos niya. Tara na sa loob?" Pag-aya kona sa kanya. hindi naman ako nagmamadaling pumasok sa kwarto niya. mas gusto kopa nga na magkasama lang kaming dalawa sa labas, pero kasi medyo naiilang ako at hindi ako komportable sa tinging ibinibigay niya saakin ngayon.
Ilang beses kona bang naramdaman ang pagkailang dahil sa mga tingin niyang hindi ko naman mawari kung ano ang ibig sabihin.
Nang makapasok kami sa kwarto ni kyle ay nadatnan naming nakaupo lang sa kama si raven at tila malalim ang iniisip. Hindi naman nagtagal at napansin niya din agad ang presensya namin.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iisip kung ano ba talaga ang pinag-usapan nilang dalawa ni kyle at ganun na lang ang reaksyon ng mukha nila. Reaksyon na kanina lang ay nasilip ko pa habang nag-uusap silang dalawa. Kapwa sila malungkot.
"Alex! My god! i missed you so much..."
Nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo palapit saakin saka ako niyakap ng mahigpit. Namiss ko rin naman siya eh, sino ba naman ako para hindi masabik sa pagbabalik ng bestfriend ko. Simula pagkabata ay siya na ang kasama ko. At hanggang sa magdalaga ay kami padin ang magkaibigan. kaming tatlo ni kyle. Hindi ko lang talaga maiwasan na magselos at mainis ako sa kanya kung minsan, dahil bukod sa siya ang gusto at mahal ni kyle ay mas malapit pa silang dalawa sa isat-isa. Minsan nga ay gusto ko ng isipin na panira na lang ako sa lovestory nilang dalawa. Alam ko namang gusto din ni raven si kyle, Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang may humahadlang para hindi iyon maamin ni raven.
"Do you even missed me? bakit parang hindi ka naman masaya na makita ako?" Kunwari ay nagtatampo niyang tanong sakin, matapos naming maghiwalay mula sa pagkakayakap.
I just laughed at her and hold her hands.
"Ofcourse i missed you, more than you missed me." Sabi ko.
I smiled at her and gave her a welcome hug. Yakap na kung saan ay komportable siya at hindi na mag-isip ng kung ano. Alam kong namiss niya ako, ramdam ko naman. ang tagal kasi naming hindi nagkita. Tuloy ay nagiguilty ako sa pagseselos ko kanina.
"So your staying here na ba for good? ibig sabihin ba nito, Magkakasama na tayo ulit ng matagal?" I asked after the hug.
But i thought na sasabihin niyang oo mag-istay na ako dito. Pero hindi iyon ang narinig ko. sa halip ay muli na namang gumuhit ang lungkot sa mga mata niya.
"May nasabi ba akong mali? may problema ba?" Muli ay tanong ko. dahil walang nagsalita ay nagpaglipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Guys?" i asked again.
Sa huling pagkakataon ay umiling-iling si raven. At duon ay naintindihan kona. So aalis na naman pala siya. Paano na si kyle? masasaktan na naman siya, malulungkot na naman siya..
"Im not yet staying here for good alex. May aasikasuhin lang ako sandali dito kaya napauwi ako ng di-oras. Dinalaw ko lang talga kayo ngayon dahil sobrang miss kona kayo. Sad to say this but.. next week, im going back to san francisco."
Malamlam ang boses na sabi niya. Halata sa mukha at boses niya na hindi niya iyon gustong sabihin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ang totoo'y hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Dapat ba na matuwa ako dahil once na umalis siya ay masosolo ko na naman si kyle? o dapat ba na maging nalungkot ako dahil mawawalan na naman ako mg kaibigan. Ewan, naguguluhan ako. May part sakin na masaya, pero may part sakin na hindi okay para sakin ang pag-alis niya dahil siguradong may masasaktan na naman. At walang iba kundi si kyle.
"Bakit hindi ka magpaalam kina tita at tito na dumito ka muna kahit ilang buwan lang, Im sure papayag naman sila." Sabi ko.
She just rolled her eyes and sit down in kyle's bed. Sumunod naman ako at umupo sa kanya. Si kyle naman ay nanatiling nakatayo habang nakasandal sa closet niya at tahimik na nakikinig lang samin.
"Nakausap kona sila about dyan, alex and guess what..hindi sila pumayag. Gusto nilang sabay-sabay kami na uuwi dito." Malungkot na pagkakasabi niya.
I patted her back para naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Sa huli ay hindi na lang ako nagsalita, sa halip ay nakinig na lang ako sa mga rants niya at ipinaparamdam ang pagdamay ko. Hindi naman kasi ako masalitang tao. Handa akong makinig sa mga problema ng kaibigan ko. Magsasalita naman ako kung kinakailangan, Pero kasi.., sa kaso ko ngayon ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung san ako magsisimula para icomfort siya.
Nahagip ng mata ko ang pagkilos ni kyle. Lumapit siya sa gawi namin saka naupo sa tabi ni raven para damayan din ito. But this time i don't feel jealous dahil problemado si raven at kailangan niya ng kaibigan ngayon. She needs us now.
We decide to spend more time together habang nandito pa si raven. Sino ba naman ako para ipagkait iyon sa kanya? We're bestfriends. Kaya kahit na nasasaktan ako dahil sila na naman ang magkasama ay titiisin ko. Maging masaya lang silang dalawa.