HINIHINGAL si Ira nang makabalik sa maid’s quarter. Ilang minuto siyang nakatayo lang sa likod ng pinto at pinakalma muna ang sarili bago siya nagbukas ng cabinet at naglabas ng kanyang bihisan. Saka pa lang siya umakyat sa kanyang higaan pagkatapos niyang magbihis. Hindi agad siya nakatulog. Pabiling-biling siya sa kanyang higaan. Ngunit nang maalala niyang may natutulog pala sa ilalim ng kanyang higaan saka pa lang siya pumirmi sa isang posisyon. Akala niya ang tanging poproblemahin lang niya ay ang pagiging katulong sa bahay na ito. Pero may mas malala pa pala siyang problema. Si Xyrus iyon. Hindi niya alam kung anong motibo ni Xyrus para pilitin siyang pakasal dito. In the very first place, kung anak lang ang kailangan ni Lorrienne sa kanya, hindi na siya kailangang pakasalan pa ng

