“WHERE do you think you’re going?” Nanlilisik ang mga mata ni Xyrus na nakatitig kay Ira habang halos mamilipit na ang mga kamay ng dalaga sa pagkakahawak nito. Imbes na sagutin ang tanong ni Xyrus, iba ang lumabas sa bibig ng dalaga. “Bitiwan mo nga ako. Nasasaktan na ako!” reklamo niya at pilit na hinihila ang kamay mula sa binata. “Talagang masasaktan ka sa akin! Sinong nagsabi sa iyo na pati mga tao dito gagamitin mo para lang makatakas ka, ha?” Itinaas ni Xyrus ang baba ni Ira gamit ang isa nitong kamay. Napatingala naman ang dalaga. Pero hindi niya magawang sumagot. Gusto sana niyang sabihin na ideya nina Mang Donato at Nanay Salome ang pagtakas niya. Pero hindi niya puwedeng sabihin iyon sa binata. Baka mapahamak naman ang mga matatanda. Hindi na baleng masaktan siya at mahirapan

