Chapter 7

1182 Words
ThirdPerson Tahimik at walang imik ang lahat sa loob ng kwarto kung saan mahimbing na natutulog sina Asmara Bleidd at Rancid Morfox, kapwa walang malay ang mga ito dahil sa tinamong tama sa naging biglaang laban kanina. Samantalang tahimik na nakaupo sa one seater sofa si Randale Morfox na kakambal ni Rancid na tila may malalim na iniisip habang nasa tapat naman niya sina Lily, Lucid at ang head ng paaralan na si Eugene Axe Montello. "Who did this?" Kalmadong tanong ni Montello habang inilalabas nito ang isang stick ng sigarilyo. Hindi sumagot si Randale at binigyang tingin ang dalawang nerd na nasa loob din ng clinic na tingin nila'y kaibigan ni Asmara. "You two, get out" ani Montello na kaagad namang tinalima ng magkapatid. Panandaliang napuno ng katahimikan ang paligid bago mapagpasyahan ni Randale na magsalita ukol sa naganap kanina lamang. "Black Butterfly" anito. "Although they aren't part of the that group. Napag utusan lang iyon" "I see," ani Montello bago lumabas ng silid at sindihan ang sigarilyong kanina pa niya hawak. 'They're up to something huh?' Bulong ng binata sa sarili bago tuluyang nilisan ang silid. Samantalang naiwan naman sa loob si Randale. Tumayo ito pinuntahan ang kapatid na puno ng galos ang at pasa ang katawan. "Stupid," aniya at napailing nalang nang mapadako ang mga mata niya sa babaeng nagtangkhang ipagtanggol ang kaniyang kapatid. Randale Point of View. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo habang pinagmamasdan ang babaeng nagtanggol sa gago kong kakambal. Payat, maputlang balat maging ang labi nito ay maputla, may kulot na buhok at may bangs. Napatingin ako sa side table kung nasaan yung salamin niya. Typical nerd. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip sa ginawa niya kanina. Masyado siyang matapang para humarap sa mga iyon. Is she aware about this school? "Asmara!" Dinig kong sigaw ng isang babae dahilan para lumingon yung babaeng may kulot na buhok. Shit. Wrong move. Segundo lamang ang dumaan nang lumingon ang babae kasabay non ang pag putok ng baril na dahilan ng pag alingawngaw nito sa buong hallway. "Walangya!" Dinig kong ani Kaito bago kami sabay na nagtakbuhan patungo sa kinaroroonan nito. Wala naman akong pakialam sa babae dahil ang kapatid ko ang pinuntahan ko dito pero nang makarating ako sa kinaroroonan ng babae kung saan nakahiga siya sa daan with her own blood, I don't know but I have this urge to help her so I did. Akmang bubuhatin ko ito nang maunahan ako ni Kaito na ikinakunot ng noo ko dahil kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag aalala sa babaeng ito. "I'll take care of her. Get Randale" utos pa nito sakin. Wengya. Nautusan pa ko. "Hoy Dale! Ano ginagawa mo?" Malisyosong tanong ni Kaito. Amputa. Tinitignan ko lang, kung ano-ano na agad nasa isip. "Ulol," banat ko bago ko mapagpasyahang lumayo at bumalik sa inuupuan ko kanina bago pa ko makasapak ng unggoy. Busy ako sa pag cecellphone nang mapansin ko ang pagiging seryoso ng aura ni Kaito which is unusual. Pumunit ako ng isang page sa magazine na nasa marmol na desk at nilukot ito ng pabilog bago ito ibato kay Kai. Bulls eye! "Aray ko, gago to" anito at kinusot ang mga mata nang sa banda roon ko siya matamaan. "Alam mo tigil-tigilan mo kung ano man iyang binabalak mo." Sabi ko sa kaniya na ikinangisi niya ng malapad. "Bakit? Selos ka?" "Ulol!" Tangina kadiri. Napailing nalang ako at hindi ito pinansin bago pa lumala ang utak ng mokong na iyan pero hindi nakaligtas sakin ang mga pasimple niyang tingin dun sa babae. What's her name again? Asmara? Hmm.. parang narinig ko na ang pangalan niya kung saan. "Step back, Ferrer" may pagbabantang sabi ni Cowell dito dahilan upang mapangisi si Kingston Liam Ferrer. Kahit kailan talaga napakalakas mang asar ng gagong to. "I will. Chill" anito at natatawang itinaas ang parehong kamay na tila sumusuko bago umatras. Nakaka tatlong hakbang pa lamang si kami para sana makaalis na dahil mukhang magkaka riot nanaman nang may magsalita dahilan para mapalingon kami. "Asmara Bleidd" isang ngisi ang kumurba sa labi ni Montello dahil dito. "Did the name ring a bell?" Ani pa nito bago kami iwan at dumiretso sa counter upang kumuha ng pagkain. Sino iyon? Akmang lalapitan nina Ferrer at Cowell si Head nang agad namin itong pinigilan. Wengya! "Asshole" dinig kong sambit ni Ferrer. Right, Asmara is the same name that Montello spoke that night. Siya ba 'yon? Asmara Point of View. "Uhmm" idinilat ko ang mga mata ko at muntik na kong malaglag sa kinahihigaan ko nang may mukhang napakalapit sa mukha ko. "Putragi--" I almost cuss because of him. Who the hell is he? "Oh chill. Ako lang to si Kaito na mahal na mahal ka," anito na mas kinalaki ng mga mata ko. "Nakadrugs ka ba?" Tanong ko dahilan para tumawa ito ng malakas na akala mo joke yung sinabi ko. Duh? "Joke lang. You're too serious," aniya at nginisihan ako dahilan para mapangiwi ako. Sino ba iyan? Mukhang unggoy na ginawang tao. Wala sa sariling umupo ako dahilan para mapadaing ako. "Damn" "Hinay ka lang Miss!" Ani ng lalaki at akmang tutulungan ako nang itinaas ko ang kamao ko at itinapat ito sa mukha niya that made him stop. "Subukan mong lumapit, basag iyang mukha mo," wika ko. Itinaas niya ang mga kamay niya at umatras kaya naman ibinaba ko na ang kamay ko at dahan-dahang hinawakan ang tama ng bala sa braso ko. "Oh gising ka na pala," ani ng nurse at nginitian ako. Pangalawang beses na naming pagkikita ito kaya mukhang kilala na niya ko. Nilinis niya ang sugat ko at kalauna'y pinainom ako ng gamot bigla tuloy akong inantok. Yawn. Nang matapos siya ay agad niyang pinuntahan ang katabi ko na gising na rin pala. So siya pala yung binubugbog kanina. Sayang, gwapo sana kaso mukhang lampa. Chineck ng nurse ang katawan nito bago binigyan ng gamot at nilinis din ang mga sugat. Matapos ay umalis na rin ito dahilan para maiwan kaming apat dito that gives me an awkward feeling. "Ang lampa mo talaga Cid," tatawa-tawang sambi nung mukhang unggoy na ikinanguso nung tinawag niyang Cid. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi sa inasta nito. Bakla ba ito? "Hindi ko naman alam e" anito na may paawang boses pa. Eh? Pakiramdam ko ay sumakit bigla ang ulo ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Ugh! "Hoy panget," tawag ko dun sa unggoy that makes him stiffed for a second at gulat na itinuturo ang sarili niya bago umiling-iling. "Hoy Dale, tawag ka" "Gago, ikaw 'yon" "Ulol, gwapo ko kaya" "Ikaw na may bulaklakin na underwear, ikaw yung tinatawag ko" sabi ko na mas kinalaki ng mata niya. "Pft! 'di ko alam pre na bakla ka pala," "Ulol," "Miss, Baka naman may deperensya na mata mo?" Tanong nito "O baka naman itong si Randale ang tinatawag mo talaga" dagdag pa nito. Daming sinasabi hays. Ang daldal. "Ewan ko sayo. Bahala ka nga diyan" sabi ko nalang at humiga. Itinalukbong ko ang kumot hanggang ulo ko at natulog nalang. Yawn. "luh, teka" Sana pag gising ko, wala na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD